Chapter 1

458 8 4
                                    

Taliya's Pov

Kasalukuyan akong nasa trabaho at hindi maka pag isip ng maayus. Parang piling ko biglang lumuwang ang turnilyo sa utak ko pakiramdam ko para itong kinakalawang, at tinatamad ng umandar dahil sa bagal ng pag usad sa pag galaw. Sa dami ba naman ng aking inisip pati trabaho ko ay naapektuhan. Isa na diyan ay ang hindi pag apruba sa isang proyektong ginawa ko. Akala ko okey na pero hindi pa pala. Parang hindi yata type ng aking kliyente ang design kaya gusto pa niyang pabaguhin ulit.

Nagtataka sila kung ano ang nangyayari sa akin, kung bakit hindi ko pinag iisipa at pinag aaralang mabuti ang gawa ko. Hindi katulad noong last kong project ay maganda ang aking performance but this time para akong isang lutang lutang at lumilipad ang isipan sa ibang dimension.

Minsan naiinis na nga ako sa iba kong kliyente. Alam ko naman na dapat makuha ko ang loob nila, na satisfied sila sa gawa ko pero parang ang hirap kunin ang tiwala nila.

Ang dali lang sa kanila ang mag demand ng mga gusto nilang ipagawang design, madaling sabihin pero mahirap gawin. Lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa arkitektura ay idinadaan sa maraming proseso para maging maganda at matibay ang pundasyon ng istrakturang ipapatayo.

Hindi naman sila ang nag iisip at nag plaplano kung paano maipapatayo ang gusto nila. Kailangan agad masimulan na walang pinipiling oras, tapos kung mapansin nila na madali itong masira at kaming mga arkitekto ang sisihin dahil sa maling pag plano.

Sila na lang Kaya ang mag disenyo at mag plano lahat , sila naman ang magaling akala nila madali ang trabaho ng isang arkitekto.

Idagdag pa na pinagsabihan ako ng masungit kong boss na nangangasiwa sa Verde's Architectural Firm dahil sa kapabayaan ko. Marami na akong oras na nasasayang, kung nababagalan sila sa akin eh di ipasa nila sa iba na katulad ko rin ay Architect. Nandiyan naman si Tessa na best buddy ko sa project na ito.

Nilalaro ko na lang ang dulo ng lapis sa aking sariling sketchpad, ipinaikot-ikot ko iyon. Habang tinititigan ko ang dinaanan ng lapis na pabilog ay parang tumatagos na sa likod ng makapal na papel ang pagtitig ko.

Panay buntong hininga ako, hindi pa talaga ako nakaka move on, laging bumabalik sa aking isip ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo.

Nilapitan ako ng ka trabaho kong si Tessa na kanina pa pala akong pinagmamasdan at napapansin na para isang tuliro sa aking side table.

" Oh, Ayan ka na naman girl, lumilipad na naman ang isipan mo, ano ba ang problema mo? Sabihin mo naman sa akin at baka ikaw ay aking matulungan at mabigyan ng advise, " umupo siya sa may silya paharap sa akin na puno ng pag aalala.

" Family problem lang ito, Girl. Konting problema lang naman parte sa pamilya. It's my personal problem, " tugon ko na pinilit ngumiti.

" Sigurado ka? Baka bukas mabalitaan ko na lang nag bigti ka na," pilit niya akong pinapatawa sa corny jokes niya na hindi naman nakakatawa.

" Bigti talaga? May sira lang sa utak ang gumagawa niyan,"

" Hindi natin iyan masabi, girl. Ikaw lang nakakaalam ng problema mo. The more you keep it, the more na bumibigat iyang pasanin mo,"

" Hindi ako ganun, I can handle myself. Kahit kailan hindi ko sasaktan ang aking sarili , "

" Talaga, kamusta naman ang project mo natapos mo ha ba? " bigla niyang hinablot sa akin ang sketchpad. Tinitigan iyon sabay tingin ulit sa akin.

" Palagay ko malalim talaga ang iniisip mo, Girl. See, mabubutas mo na ang papel sa tindi ng problema mo," ipinakita niya sa akin ang ginawa kong kulis na pabilog.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon