Chapter 3

249 6 0
                                    

Parang gusto ko na agad lumabas ng subic dahil pakiramdam ko, kung magtatagal pa ako rito ay siguradong makakahanap ako ng kaaway. Ayaw kong mag stay ng matagal sa maraming tao because I know na gagawin lang nila akong kakatawanan.

Dahil gusto kong makaiwas ay hindi ko na napansing naiwan ko na si mommy, para akong hinahabol ng asong ulol palabas ng subic. Sinubukan ko siyang lingunin pero naramdaman ko na lamang na may pumatid sa aking paa. Pakiramdam ko ay may humarang sa akin para ako ay tuluyang matumba, ngunit sa awa ng maykapal ay may isang makisig na lalaki ang sumalo sa akin. Nagkatitigan kaming dalawang, gwapo siya at matipuno ang pangangatawan.

Ilang Segundo lang ang pag hawak niya sa akin.

" Be careful woman. Huwag Kang tatanga tanga!" matigas niyang salitang ibinato sa akin.

Agad gumising ang diwa ko sa pagkatitig sa kanya, gwapo nga pero ang sama rin pala ng ugali, antipatiko!

Agad akong umalis at dumistansya sa lalaki, sinamangutan ko siya. Hindi ko kailangang mag pasalamat kung ganito din naman ang pakikitungo nito sa akin.

Lumapit ang lalaki sa babaeng pumatid sa akin. Nakita kong nakabungisngis ang babaita, bigla na lang umakyat ang dugo ko sa ulo sa ginawa nito sa akin.

Hinarap ko ang babaeng naka upo at tinitigan ito ng matalim, bata pa ito parang ahead lang sakin ng ilang taon. Parang hindi ko carry ang suot nitong damit na naka spaghetti, bakat na bakat ang bilugang mga susong naglalakihan. Nakangisi pa ito sa akin na nang iinsulto. Akala mo parang walang nangyari.

" Bakit, ganyan ka makatingin sa akin, anong problemaa mo?" masungit na tanong ng babae.

" Tinatanong pa ba yan, nanadya ka ba?" balik tanong ko na nang uusig.

" Ano? Ano bang pinag sasabi mong manang ka?" pa inosente pa nitong balik tanong sa akin.

" Huwag ka ng magkaila, ikaw ang pumatid sa akin kaya ako matumba, sinadya mo diba?" paninisi ko.

" Ako nanadya? Hindi ko alam ang pinag sasabi mong panget ka! Huwag mong isisi sa akin ang katangahan mong maglakad. Tingnan mo nga ang sarili mo, para ka kasing bukot na uhot na dire diretso lang, oh sadyang lampa ka lang, " maarte nitong pinasadahan ako ng tingin na hindi natinag sa akin.

" Kung matino kang babae bakit mo ilalabas iyang paa mo, Alam mo namang daanan , nanadya ka talagang babae ka, "

Tumayo ito at nagsukatan sila ng tingin,

" Hindi ko kasalanan kung napatid kita, it's your fault, hindi ka ba marunong tumitingin sa dinaraanan mo? bulag ka ba o nag bubulagan lang?," tumaas ang boses at inirapan ako.

" Panget ka na nga, malabo pa iyang mata mo!" pinameywangan ako, at parang ikinukupara nito ang itsura naming dalawa. May katangkaran ito katulad ko. Pero mas payat ito kaysa sa akin.

Ang sarap niyang bigwasan dahil sa katabilan ng kanyang dila. Parang walang preno ito mag salita.

Tinawanan ko siya ng nang uuyam. " Tumingin ka muna sa salamin at tingnan mo ang iyong sarili kung maganda ka rin ba? Kung ikukumpara sa akin mas panget ka, sa ugali mo pa lang nakakasuka na, " hindi ko hahayaang pagsasalitaan ako ng babaeng ito ng panget na salita sa harap ng maraming tao.

Pinag titinginan kami ng mga tao doon, hinawakan ako ni mommy sa siko at pilit inilalayo sa babae.

" Anak, huwag mo ng patulan iyan, umuwi na tayo," bulong niya sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan.

Samantalang tinawanan lang ako ng babae.

" Omg! hahaha maganda daw siya sa akin narinig niyo ba iyon, naghakwat siya ng sariling bangko na ipukpok sa kanyang ulo. In your dreams kahit pumuti pa ang uwak hindi ka magiging maganda. Pwera lang kung mag pa retoke ka ng mukha, " tapos dinuro niya pa ako. " Hindi mo ba ako kilala? Ako ang reyna sa bayang ito kaya kung ako sa iyo lumugar ka kung saan ka dapat, " matapang talaga ang pagmumukha niya.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon