Chapter 43

253 9 3
                                    

Warning :(spg)

Taliya's Pov

Nandito na kami ngayon sa Indonesia,  para akong buntot na susunod sunod sa amo ko. Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya, akalain mong ako ang taga bitbit ng maleta niya, tapos si Justine chill lang, dismayado tuloy ako sa pag uusap namin ni Jonathan. Kamusta kaya siya sa Pilipinas, natutulog na kaya siya. Mamaya ko na lang I open ang cp ko kapag nasa hotel na kami. Akala ko sasabay sa amin ang kaibigan niya sa pag pa reserve ng room pero itong kasama ko ang ayaw at tumanggi siya. Siguro naman magkaiba ang kwarto namin at hindi pwedeng mag kasama kami sa iisang kwarto. Sinabihan ko agad siya na kuhaan niya ako ng sarili kong kwarto pero tinanguan niya lang ako.

It's already 8 pm , at pinaupo niya lang ako sa isang tabi samantalang siya ang humarap sa receptionist, nakakaramdam talaga ako ng pagod sa biyahe.

Nakita kong binigyan siya ng susi at napansin kong Isa lang iyon. Nakaramdam ako ng kaba. Sumulyap pa sa akin ang babae at tinitigan ako mula ulo at paa. Ano kaya ang sinabi niya sa receptionist, Umuna na ang bell boy na dala dala ang mga gamit namin, pagkatapos sumunod siya, agad akong sumunod sa kanya.

" Bakit Isang susi lang,  nasaan ang akin, huh" tanong ko sa kanya na sumusunod.

" Wala ng available room," tipid niyang sagot. Hindi siya lumilingon sa akin.

Bigla akong naalarma.

" Ano, hindi pwede.. Mag hanap tayo ng Iba, dun sa kaibigan mo tayo,"  hindi na ako mapakali.

" it's too late.. Gabi na and I want to rest," seryoso niyang sagot saakin.

Himala matutulog na agad daw ang mokong na to.

" Ayaw ko ngang makasama ka, " pagalit kong singhal sa kanya.

" Sa ayaw at sa gusto mo sa iisang kwarto Tayo," maawtoridad niyang utos sa akin.

Huminto na ang bell boy at binuksan ang pinto.
Tumahimik ako saglit. Binigay na Kay Justine ang susi.

" You can go," taboy agad niya sa lalaki na agad namang umalis. Sumulyap pa ang lalaki sa akin.  Narinig yata nito ang bangayan namin.

Agad siyang pumasok sa loob, pero hindi ako pumasok.

" Pumasok ka na, kung ayaw mo akong makatabi, sa sofa na lang ako. " medyo naiinis na naman siya sa akin. Hindi ko Alam pero mainit na naman ang ulo niya.

Agad namang humakbang ang aking mga paa papasok sa loob at Nasilayan ko ang lawak ng kwarto. I think complete naman siya.

" Sa sofa na lang ako, " Sabi ko. Nakita kong may kalaparan ang kama at piling ko pang couple talaga to. " Bakit ba kasi hindi tayo sumama sa kaibigan mo, maganda pa siguro dun." dagdag ko pa.

" I don't like to disturb, at its up to you kung sa sofa ka matulog, " agad niyang sagot. Nag sungit na si Justine, minsan hindi ko rin maiintindihan ang ugali niya.

" bakit ka naman didisturbuhin, hindi naman siguro."

Napabuntong hininga siya, piling ko iniiwasan niya si joven. Hindi niya ako sinagot, nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang nag hubad.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon