Chapter 26

159 6 0
                                    

Tahimik lang ang buong paligid at wala akong naririnig tanging ingay lang ng mga kubyertos ang iyong naririnig. Walang nagsasalita parang binabantayan ang Bawat galaw ko samantalang si nanay Dolores ay chill lang at sanay kahit nandiyan ang amo. Pagkatapos kong hugasan iyon ay pinunasan ko ng malinis na tela ang mga basang pinggan at kubyertos. Napansin kong parang tahimik si donya dolores at nakatitig lang sa akin samantalang si Maria ay lumapit sa akin ng bahagya.

" Taliya, lumapit ka kay donya Esmeralda at at kakausapin ka daw niya." kinalabit niya ako kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

Pinahid ko ng malinis na trapo ang aking basang mga kamay at dali daling lumapit sa ginang.

" Ano po iyon donya esmeralda?" Tanong ko pagkalapit dito.

Tumalikod lang ito sa akin at lumabas ng kusina. Sumunod naman ako dito at napag tanto kong sa isang silid iyon hindi ko alam kung kaninong kwarto iyon pero nag hintay na lang ako sa signal nito. Masyadong magulo ang kwarto nagkakalat ang mga damit sa sahig. Bakit magulo ang kwartong ito samantalang marami namang mga alipin dito. Pang lalaki ang mga damit may nakita pa akong brief. As in brief talaga??? Balahura yata ang nagmamay ari ng silid na ito.

" A- ano po ang ginagawa natin dito donya esmeralda? " nagtataka man ako ay alam ko na kung ano ang ipinunta namin dito.

" Linisin mo ang silid na ito. Pag mamay ari ito ng anak ko na si Justine, walang pumapasok dito dahil ayaw niyang may pumapasok sa kwarto niya kapag andito siya. Linisin mo para maging komportable siyang matulog."

" Diba sabi niyo po bawal ang may pumasok eh bakit ako pinapasok niyo dito.? Ayaw ko pong mag linis ng kwartong ito, sa iba na lang po. " tanggi ko bakit ko naman Lilinisin ang silid ng mokong na iyon. Ako pa talaga ang inutusan.

Tinitigan ako ni donya Esmeralda pagkatapos ay sa likod ko inilipat ang tingin lumingon naman ako at parang gusto kong tumalon dahil sa gulat ng makita ko si Justine na parang nakiki isyoso sa amin. Dumistansya ako ng bahagya dahil sa pagdikit namin.

" Anong ginagawa mo ditong panget ka?" matiim ang titig nito sa akin pagkatapos ay sa mommy nito. " ano na naman ba ito mommy . Palilinisin niyo ang kwarto ko sa kanya. No way! Diba sabi ko ayaw ko na pinakikialaman ang kwarto ko kahit na nandito ako o wala?? " sumimangot ito sa akin.

" Ngayon ko lang nalamang Isa ka pa lang Balahura, big yuk sa mga ganyan. Kalalaki mong tao pero sarili mo na silid hindi ka marunong mag malasakit. " naisatinig ko at huli na para itikom ko iyon. Narinig na ng ginang at labis itong nagulat sa InAsta ko sa anak nito." S-sorry for my word but it's true. Habulin ka ng babae pero ganito ka pala. " pinanindigan ko na lang ang mga sinabi ko totoo naman talaga. Akala MO gwapo at elegante sa labas tapos pag dating sa bahay hindi mo rin maasahan.

Umigting ang panga nito at nagsalubong ang mga kilay. " Anong sabi mo, Isa akong Balahura! Ano ba ang pakialam mo pinapaKialaman ba kita? I don't have time to clean my mess but if I have time I can fix it. Panget" bigla niya akong hinawakan sa kwelyo. " Alam mo ba, over the limit ka na ms. Cruz katulong ka lang kaya mag hinay hinay ka sa mga pananalita mo."

Inawat kami ng mommy nito hindi ko alam pero pero parang naririndi ito sa bangayan naming dalawa.

" tama na iyan, Justine. Let her go at ms. Cruz watch your word Lalo na nasa pamamahay kita I don't like word to my son. If I wer you keep shut up. "

" kaya pala mahilig ka sa mga babaeng ganun, pareho lang pala kayo. " pero hindi ako nakinig sa ginang na insulto pa rin ako.

Nakita kong hindi naka pag timpi ang lalaki at naitulak ako ng bahagya.

" panget ka na nga mahilig ka pang makialam, kung ano man ang nakikita mo wala ka ng pakialam. Kung ano ang labas ganun din sa loob. Mind your own life and not mine."

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon