Chapter 14

192 4 0
                                    

Albert Pov

Nang mag kamalay ako ay agad kong nabungaran ang aking asawang si Sylvia. Hawak hawak niya ang aking mga kamay at pinipisil iyon. Nakikita ko sa mga mata niya ang pamumula dala ng pag iyak at pag aalala dulot ng nangyari sa akin kanina.

Bumalik sa aking ala ala ang mga nangyari. Muling nanumbalik ang kaganapan na hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Greg, unti unting nag iba ang timpla ng aking pananaw sa aking asawa na mataman akong kinatitigan, nagkaroon ako ng sama ng loob sa kanya sa ginawang pagtabon sa kagagawan ng anak namin. Itinatago niya sa akin ang pagkakautang ni Greg sa mga Verde. Sino ba ang hindi sasama ng loob ng ganun? Alam na alam naman ni Greg na galit ako kay Don Alfonso dahil sa laging sinusulot nito ang aming supplier tapos ito pa ang malalaman ko buhay sa matandang iyon at sa Sawa ko.

Nagtatagis ang aking bagang, parang gusto kong suntukin sa harapan ko si Greg. Walang hiyang anak! Walang utang na loob, sariling negosyo ibabayad sa kaaway ko.

Ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung nag susungaling sa akin. Ito namang si Sylvia bakit niya sa akin itinago kung sinabi niya agad sana, sana nakahanap agad ako ng solusyon para naman maiwasan ko ang ganitong uri ng panggigipit.

" honey, s-sorry kasi hindi ko agad sinabi sa iyo ang tungkol sa utang ni Greg. Kailan ko lang naman kasi nalaman ng makita ko si Greg na aburido at pabalik balik sa terace. Tinanong ko siya kung bakit siya ganun at nagtapat siya sa akin. Sinabi niya sa akin ang problema niya, masking ako hindi makapaniwala na magagawa iyon ni Greg sa atin. Pinagalitan ko siya pero ano pa ba ang magagawa niya nalulong kasi siya sa sugal. " kwento nito sa akin na maluha luha na naman.

Napakuyom naman ang dalawa kong kamao dahil sa sinasabi ng asawa ko. Mapapatay ko talaga ang batang iyon. Walang kwentang anak! Nag susumigaw ang isip ko sa galit.

" Sana sinabi mo sa akin ng maaga para mahanapan natin ng para an Sylvia, Mapapatay ko talaga si Greg kapag nakita ko siya. " nanggigil kong sabi. " Alam na ba ito ni Taliya?"

Sana hindi pa alam ni Taliya, sigurado kapag nalaman nito ang nangyari madadagdagan ang galit nito sa kuya niya. Sa lahat ba naman ng pwedeng isulusyon sa problema ng gagong iyon, Yung plantasyon pa talaga. Iyon ang pinakamalaking negosyo na nag bibigay sa amin ng malaki ng kita. Hindi hamak na paggawaan ng kape ang ipinambayad ni Greg dahil kami ang nag susupply ng kape sa boung ngayon. At sino ba naman ang hindi tatanggap ng ganung bayad. Pinag hirapan ko iyon dugot pawis ko ang ipinundar ko para sa hinahangad kong tagumpay sa buhay.

" Hindi ko sinabi sa kanya, alam kong mag aalala ang anak nating si Taliya. Paano natin mababawi ang plantasyon Albert? kung sila na ang mamamahala ngayon. May kasulatan na kasing pinermahan si Greg na ibinibigay na niya kay Don Alfonso ang paggawaan ng kape." kwento nito.

" Mabuti at hindi mo sinabi, ayaw kong pati si Taliya madamay sa problema ng anak natin. " pagkatapos ay napabuntong hininga ulit.

Pagkatapos ay lalo akong nanggalaiti sa galit. " Hindi maaring mapunta sa mga Verde ang Isa sa mga negosyo natin, ako ang may ari at walang bisa ang pirmang iyon. Hindi awtorisado ang pag bibigay ko ng basbas Kay Greg. Kukuha ako ng abogado. " matapang kong sagot sa sinabi ng asawa ko." Sabihan mo ang doctor na gusto ko ng umuwi ngayon na, lalo akong na stress dito. " utos ko sa kanya at agad naman siyang napatayo.

" Sige Albert, pupunta ako sa nurse station." pagkasabi niya sa akin ay iniwan na ako agad.

Gumagabi na ng makauwi kami sa mansyon. Makulimlim ang langit na parang nag babadya ang pagbugso ng ulan, wala kang makikitang mga bituing nagkikislapan sa kinang, tanging simoy lang ng hangin ang tanging dumadaan sa ilalim ng mga punot kakahuyan.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon