Chapter 38

213 7 2
                                    

Justin's Pov

Pumasok ulit ako sa kwarto ko para mag bihis ng panlakad. Pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi ng panget na babaeng iyon. Tama naman siya bakit ako gumagawa ng hindi angkop na hakbang na hindi ko dapat ginagawa sa kanya, binigyan ko ng kahihiyan ang aking sarili at pumatol sa isang kagaya niya.

Pinag tampal ko ang aking sarili at sinabunutan ang aking buhok. Pinababa ko ang timpla ko sa babae, hindi dapat ako pumapatol sa kanya. Hindi ko siya type! Hindi ko siya type! dahil sa inis ay napamura na lang ako.

" Bwisit!" nasipa ko ang puno ng kama at huli na para magsisi ako, nakaramdam ako ng sakit. " ouchh! ahh.." napaaray ako bigla at dahil sa babaeng iyon ay nasaktan ako.

Binilisan ko na ang pag suot ng polo shirt at pantalon. Dali daling lumabas ng kwarto at napasulyap ako sa pintuan niya, hindi ko maintindihan at mismong tainga ko ang lumapit sa pintuan niya, nakiramdam kung ano ang ginagawa niya sa loob. May kausap ito sa cp, that what I thought.. Piling ko ang parent nito.

" Okey lang ako mommy, huwag kayong mag alala sa akin. Kaya ko ang aking sarili," Sabi nito.

" Mag ingat ka diyan anak, Lalo pat dalawa lang kayo diyan, nag aalala kami sa iyo ng daddy MO," paalala naman ng mommy nito.

Medyo napatawa ako sa aking sarili, mag aalala PA sila, akala nila kung may mangyayari sa amin ng anak nila.. mga assuming talaga!

" Naku, hindi niya ako gagawan ng kung ano diring diri Yun saakin mom, kaya I'm safe!" napatawa pa ang dalaga. Mas nasayahan pa ito na nandidiri ako sa kanya, kahit ganito ito ay iniingatan nito ang sarili.

" Buti naman anak, Mas magandang panatilihin MOng maging ganyan, hindi ka sigurado sa nakapaligid sa iyo, maasahan naman natin si Don Alfonso," patuloy ng daddy nito.

Medyo napakunot naman ang noo ko dahil naisali nila sa usapan si daddy at ano ang mapanatili ang maging ganyan? Biglang gumulo ang utak ko.

" Pero alanganin pa rin ako mommy hindi ko alam ang balak niya, mahirap kapag ganito Lalo pat narito ako nakatira sa ibang Tao, hindi ako Malaya," Medyo nainis ang boses ni taliya.

May tinatago ang babaeng ito at alam iyon ni daddy! Medyo napakuyom ang mga palad ko.

" Hayaan MO anak, hahanap kami ng paraan ng daddy MO para mahanap ang Kuya mo, baka mag bago ang isip niya at magpakita na kung malaman niyang ikaw ang kinuha ni Don Alfonso," mungkahi ng mommy niya ulit.

" Ayaw ko ng mag tagal dito mommy, daddy... Hindi ko alam at baka mahuli niya ako, "

Bago PA niya ako mahuli ay dahan dahan na akong umalis sa harapan ng pintuan niya. Parang naging blanko ang isip ko, kailangan Kong malaman ang lihim niya. Alam ko may rason si daddy kung bakit niya ibinigay saakin ang babaeng iyon. Alam din kaya ni mommy at bakit siya biglang bumait Kay Taliya. Kulang na lang ay gawin nila itong asawa ko.

Napatigil ako saglit sa harap ng aking sasakyan, hindi ako maaring magkamali ito talaga ang gusto nila, ibinubugaw nila saakin ang babaeng ito. Ayaw ko mang isipin ay parang pwersahan ang pag dala nila dito sa kanya.

Napasulyap ulit ako sa bintana ni taliya, Ano ba ang sikreto mong babae ka?

Sumakay na ako sa aking sasakyan at pinausad na palabas ng bahay. Authomatic naman iyung bumubukas at sumasara. Palabas na ako sa main road ng makasalubong ko ang sasakyan naman ni Ashton? Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at tinawag siya.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon