Prologue

988 13 3
                                    

Warning : This story contains
POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE
VIOLENCE
SEXUAL HARASSMENT
SENSITIVE LANGUAGE and
MATURE THEMES and
GRAMMAR ERRORS.

Maaga akong nakatulog dahil sa pagod sa trabaho bilang isang Architect Engineer sa isang kilalang kumpanya. Hindi ko alintana ang pagkalikot ng seradura ng pintuan, ilang sandali pa ay bumukas iyon ng bahagya. Dalawang pares ng mga paa ang dahan dahang pumasok papunta sa harapan ng aking kama at pinasadahan niya ako ng malagkit na tingin, biglang sumilay ang ngisi na may halong pagnanasa sa kanyang mga mata. Malaya niyang nasilayan ang taglay kong kagandahan at natatagong alindog mula sa mga malulusog kong dibdib at mala coca colang pangangatawan. Madali niyang nasilip ang kurbada ng aking katawan dahil sa nakasuot lamang ako ng tube na manipis at short na maiksi na lalong nag patakam sa kanya na lalo akong matikman. Ilang sandali pa ay bigla niyang hinawakan ang aking pang upo na naging sanhi ng aking pag agarang paggising sa natutulong kong karimlan. Biglang bumukas ang aking mga mata at bigla siyang nasipa sa mukha. Sumibol ang kaba sa aking buong katawan na parang buong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa aking mga ka ugat ugatan papunta sa aking kaibuturan at kaluluwa.
Nabanaag ko ang kanyang mukha, ng unti unting luminaw ang kanyang pigura.

" Kuya Greg, A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" bigla akong napaurong sa ulunan ng kama. Napansin kong medyo lasing siya at wala sa sariling pag iisip. Ang kanyang mga mata ay namumula at lusot, pati tainga niya ay namumula rin.

Nagsimula na naman siyang lumapit sa akin at hinuhuli niya ako sa may unahan ng kama.

Ngumisi siya sa akin. " Taliya, pag bigyan mo na ako kahit isang gabi lang sigurado hindi ka magsisi kapag natikman mo ang hindi mo pa naranasan sa buong buhay mo, siguradong lilipad ka sa langit, Taliya," para siyang baliw na nagsasalita.

Biglang nanginig ang aking buong katawan sa sinabing iyon ni Greg. Nagtayuan lahat ang aking mga balahibo sa katawan pati siguro sa mga tagong parte ng katawan ko ay nag sitayuan narin.

" Lasing ka lang kuya kaya hindi mo alam ang sinasabi mo!" unti unting naglandas ang aking mga luha na nag uunahan sa pag patak at pag daloy sa aking mga pisngi.
Hindi ko alam kung natatae ba ako o naiihi sa pinag halong takot at nerbyos na aking nararamdaman ngayon.

" Mahal kita Taliya, gusto kong maging akin ka," para itong asong ulol na gutom sa laman na sinunggaban ako. " Gustong gusto talaga kita Taliya kaso nga lang nag pipigil lang akong aminin sa iyo ang totoo, pero ngayon I can't control my feelings for you. Please forgive me, " pagkatapos ay marahas niyang hinawakan ang isa kong kamay, pumaimbabaw siya sa akin. Bigla kong naramdaman ang kanyang katawan na parang sa akin lahat napunta ang buong bigat niya.

Nagwala ako at pinipilit kong kumawala sa kanya, hindi siya ang kuya ko, isa itong demonyong nasa ibabaw ko. Naramdaman kong parang may matigas na bagay na tumutusok sa may bandang puson ko. Napahumindig ang aking buong pagkatao, pinilit kong sumigaw ng tulong sa mga magulang ko at sana ay marinig nila ang pagsaklolo ko.

"Mommy ! Daddy ! Help me!" sigaw ko sa kanila at hinihiling ko na sana ay marinig ng mga ito ang hinaing ko. Hindi ko na talaga kaya, ibinigay ko na ang aking buong lakas at ako ay hinang - hina na, unti - unting nauubos ang aking lakas para labanan siya.

Tinakpan niya ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay at kaluskos. Sinimulan na niyang buksan ang kanyang zipper at ako ay napapikit na lang. Alam ko na ang mangyayari at ito na ba ang aking katapusan ang pagka wala ng virginity ko. Napadilat ako ng may humugot sa kanya bigla paalis sa aking ibabaw. Nakita ko si daddy Albert Cruz ang aking poster father, nakikita ko sa anyo nito ang matinding galit sa nasaksihan sa loob ng aking kwarto. Bigla nitong sinuntok si Greg sa panga na naging dahilan ng pag katumba niya sa sahig. Nariyan din ang mommy kong si Sylvia Cruz na nasa mukha ang pag aalala, dali-dali akong umalis sa kama at pinilit makatayo kahit nangangatog na ang aking  mga hita, pagkatapos ay yumakap ng mahigpit sa aking ina.

" Mommy, si kuya gusto niya akong gahasain! " garalgal ang aking boses na nagsumbong.

" Shhhh, you are safe now baby. Don't you worry," pinahid nito ang aking mga luha sa pisngi na ngayon ay basang basa na.

" Tarantado ka talaga Greg, mapapatay talaga kita!" inumbagan na naman siya na tatayo sana. Nakita kong his mouth burst and bled dahil sa pag ka suntok ni daddy.

" Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa kapatid mo Greg, winalang hiya mo siya," sigaw pa rin nito sa tunay na anak.

" Daddy, mahal ko si Taliya at hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iba, " bigla siyang umiyak. Wala na sa tamang pag iisip si Greg at susubukang makalapit sa akin, nagtago sa likuran ni mommy.

" Ano bang pinag sasabi mo Greg, nabubuang ka na ba? kapatid mo siya hindi mo dapat siya pinagnanasahan dapat marunong kang rumespeto ng babae lalo na sa kapatid mo. Naintindihan mo ba ang sinasabi ko?" naglabasan na ang mga ugat ni daddy, parang tumatagos lang sa kabilang tainga ang sinasabi nito sa kanya.

Tumawa siya yung parang walang pakialam." Dad, hindi ko siya kapatid alam niyo iyan kaya walang masama kung magkakagusto ako kay Taliya, " paliwanag niya pero lumapit ang mommy ko sa kanya at bigla nito siyang sinampal sa mukha.
Parang tumigil ang oras sa tunog ng sampal na iyon sa kanyang mukha at bigla iyong namula, nasapo niya bigla.

" Kapatid mo si Taliya at huwag kang magsasalita ng ganyan!" nag aalburoto na ang aking Ina.

" Tama na mom, walang masama kung si Taliya ang gusto kong mapangasawa, she is not my sister, she's not part of this family and she's not our blood related. You just adopted her, bakit hindi pwede?"

" Sa ginawa mo parang binaboy mo ang kapatid mo kung mahal mo siya dapat hindi ganun ang ginawa mo sa kanya, respect her decision , mabuti na lang at dumating kami at baka ano pa ang nagawa mo sa kanya. Ipapakulong talaga kita kapag nangyari iyon." banta pa ni daddy na nag patuliro naman sa kuya ko. Sumandal muna siya sa pader at ipinikit ang mga mata.

" Subukan mo ulit gawin iyan at kakalimutan ko na naging anak pa kita,"

Pagkatapos sabihin ng daddy ko  sa kanya iyon ay dinala na nila ako palabas ng aking kwarto, naiwan siyang walang kibo. Pagkatapos ay sinabunutan ang sariling buhok dahil sa malaking pagkakamaling ginawa niya sa akin.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon