Chapter 17

179 6 0
                                    

Habang inalalayan ako ni Tessa ay may narinig kaming isang mapanganib na boses, ngayon ko lang narinig ang boses niya na parang nag aalala, tinatawag niya ang aking pangalan, pamilyar ang boses niya sa akin, agad kong nilingon ang pinag mulan ng kanyang tinig. Ang bulto ni kuya Greg ang bumungad sa amin, nasa unahan ito, nasa mukha ang madilim at mapanganib na tingin. Mukhang kararating lang nito sa bar at papunta na sana sa loob pero nakita kami niya sa ganung sitwasyon.

Unti unting sumibol ang kaba at hindi na mapakali ng makita ko siya bigla. Nanumbalik sa isip ko ang ginawa niya at ang lalaki kanina na nang harass sa akin. Pareho silang lahat, mga manyak!

Lumapit siya at ako ay kanyang sinusuri ng maigi.

" Bakit nandito ka, Taliya? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka ganyan? Sino ang bumastos sa iyo? Bakit ka nag lasing? " Nagngangalit na mga ngipin nito ang sumalubong sa akin. Sunod sunod ang mga tanong niya, nakita ko ang kamao niya na handa ng sumuntok.

" Pakialam mo ba kuya, mag lasing man ako wala kang pakialam, " galit kong sagot sa kanya." Halika na, Tessa. Umuwi na tayo," susubukan kong tumalikod ngunit pinigilan niya ako.

" Sa tingin mo ba makakauwi ka ng ganyan?Alam ba ito nina mommy at daddy?" pinako nito ang tingin sa kaibigan ko." Ikaw ba ang nag dala sa kanya dito hah?" angil nito kay Tessa.

Parang nahintakutan naman si Tessa.

" A-ah kasi nag pasama lang ako sa kanya heartbroken kasi ako hindi ko naman alam na mangyayari ito," nauutal na sagot niya sa bagong dating.

Bigla nitong hinawakan sa dalawang balikat si Tessa at niyugyog.

" Heart broken? Tapos nagpakalunod kayo dito, tinuturuan mo yatang uminom ang kapatid ko, "

" Hindi naman sa ganun,kailangan ko lang ng karamay, "

" Huwag mong idamay ang kapatid ko kung bigo ka, sulohin mo,"

Parang napaurong ang dila ng kaibigan ko, nakatulala lang siya. Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakahawak sa mga braso nito.

" Huwag mong gaganyanin ang kaibigan ko kuya, wala kang karapatang makialam kung ano ang ginagawa ko, " saway ko sa kanya. Sumobra naman yata ang ipinapakita nitong kapangitan ng ugali kay Tessa.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko.
" Walang pakialam? Paano kung sabihin ko kina mom at dad ang ginagawa mo? Wala pa rin ba silang pakialam? " panakot niya.

Isusumbong ba niya ako?

" A- alam nila kung nasaan ako, kaya nga pinayagan nila ako. Huwag ka ng mag sayang ng laway. Bakit ka ba nakikipag usap sa akin, baka nakalimutan mong may atraso kapa sa akin kuya Greg," pinaningkitan ko siya ng mata.

Hindi na niya ako pinansin at si Tessa na naman ang hinarap.

" Anong nangyari? Sabihin mo sa akin sino ang nambastos sa kapatid ko, sino???!"

Wala pa ring sagot si Tessa.

" Kung hindi mo sana dinala dito walang mangyayari. Gusto mo bang pati ikaw isumbong ko na tinuturuan mo ng hindi maganda itong kapatid ko. Sino?? Nasa loob pa ba siya. Ituro mo sa akin, " bigla niyang hinila si Tessa sa loob na hindi man lang nakapag salita.

Dahil may bantay ay umayos ng pasok ang dalawa. Wala naman akong kasama sumunod na ako sa kanila.

Pero sa entrance pa lang ako ay hinarang na ako.

" Diba ikaw ang kinaladkad kanina? Hindi ka pwedeng pumasok," pigil sa akin ng taga bantay.

" Give me one munite, lalabas din ako agad, may nakalimutan lang akong kunin," pag sisinungaling ko.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon