Chapter 2 ||Livre du Mystère

11 4 1
                                    


"Oh, bakit parang puyat ka yata?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot nila Frankel sa likuran ko.

Kanina pa ba sila nandito?

Narito ako ngayon sa bench 'di kalayuan sa room namin, dahil vacant ay dito ako pumunta.

Puyat talaga ako, puyat na puyat! Sagot ko sa isip sa tanong niya.

Nang tinignan ko 'yung orasan kanina, alas kwatro na ng madaling araw ng nakatulog ako pagkatapos ay gumising ng alas singko.

Pakiramdam ko tuloy ay bumabaliktad ang sikmura ko at nagdidilim ang paningin.

Sino bang hindi mapupuyat kung ganoon ang nangyari kagabi? Is it just my illusion?

"Uy, Brielle?"

Hindi ko maintindihan kung panaginip ba iyon o totoo dahil walang kasiguraduhan. Sinubukan ko kanina bago ako pumasok kung gumagana ba 'yung rotary phone pero hindi na talaga, nagtanong pa nga ako ulit kay Mommy kung sira na talaga, eh.

Just for fucking hell, how the hella hell does that phone just work when it's not already working?!

"Brielle!" Napakurap-kurap ako sa kanilang apat dahil sa biglang pag-sigaw nila.

"Huh?"

"Anong huh? Lutang ka ba? Magmula pa kaninang pagdating mo ganiyan ka na. You're not in your right self."

Nailamukos ko ang sariling mukha. No, maybe what happened last night was just a complete illusion.

Maaaring dahil sa pagod ay kung ano-ano na ang aking naisip.

"I'm fine. Napuyat lang ako kagabi."

"Are you really fine? Bakit ka naman kasi nagpuyat?" There's a worrying emotion on their faces.

"Wala naman, maybe my insomia attacks me."  Meron kasi akong insomia kaya 'yon na lang ang idinahilan ko, ayaw ko na kasing mag explain dahil hindi rin naman ako sure kung anong nangyari kagabi.

"Tara ng pumasok guys, si sir Kravei ang unang subject baka nakakalimutan niyo." Ah, damn yes.

Hanggang sa pagpasok ng room ay malalim pa rin ang aking iniisip.

"Ms. Salisha." Dinig kong tawag ng propesor sa aking apelyido.

Nag-angat ako ng tingin at nagtanong kung bakit.

"Yes, sir?"

"Kindly find this book in the library." Iniabot niya sa 'kin ang kapiraso ng papel.

Tamad na tumayo ako at lumabas ng silid. Oo nga pala nasa pinakaharap na ang pwesto ko.

Nagkaroon kasi ng sitting arrangement kanina pagdating niya, at ayon si Frankel at Deam ang magkatabi sa pinakalikod at sila Leced at Sadie ay magkasunod sa upuan.

Ako lang ang nahiwalay sa kanila at malas pang napunta sa pinakaharap, katapat mismo ng upuan ni Sir Kravei. Ano kasing may pa sitting arrangement kami, elementary at high school lang yarn?

Nang makarating sa pangatlong palapag ng gusali kung nasaan ang silid aklatan ay tinignan ko 'yung papel.

Nangunot ang noo ko dahil salitang pranses ang nakasulat.

"Livre du Mystère" This means "Book of Mistery" napatakip ako sa aking bibig ng mabanggit ko iyon.

How did I know? Hindi naman ako marunong makaintindi ng ibang language maliban sa english at Filipino.

'Di bale hahanapin ko na ngalang kung nasaan at ng makabalik na rin ako.

Where is that freaking damn book?! Halos bente minuto na akong paikot-ikot rito at wala pa rin akong mahanap. Dagdag pang malaki ang library.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon