Chapter 4 || Secret Cafe

8 4 0
                                    

The light coming from the sun already touches my face when I wake up as the curtain opens.

Upon checking the clock it was ten in the morning. "Late again," I murmured in a silent voice.

I get out of bed when I hear a knock through the door, while my mom's calling me.

Sumilip si Mommy sa pinto at ngumiti ng tipid.

"You're awake honey, eat first." Pumasok siya at ipinatong ang pagkain na dala sa may maliit na lamesa sabay na tumabi sa akin.

"I'm late, mom." Maiksi kong tugon sa kanya dahil chill lamang ito.

"Oh, I didn't wake you up because you have a fever when I check you a while ago." Mahina kong itinaas ang aking isang kamay at ipinatong sa aking noo. She was right.

"Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot, pagkatapos ay magpahinga ka." Humalik si Mommy sa pisngi ko at lumabas na ng silid.

I was completely fine last night, tapos meron na ako ngayon. Just great.

Agad kong kinain 'yung pagkain at uminom ng gamot.

Nakahiga lamang ako habang nagmumuni-muni ng naisip ko na lang mag check ng phone dahil na bobored na rin ako.

Mayroong mga message sila Leced, nagtatanong kung bakit hindi ako pumasok. Hindi na ako nag reply dahil sa tamad ako, bukas na lang siguro kapag pumasok ako.

Mayroon din akong nakitang message galing sa isang unknown number.

"Call me as soon as you see this message." - Rai

Nangunot ang aking noo, si sir Kravei? Ano kaya ang kailangan niya? Ba't alam niya ang number ko? Nagtipa ako sa cellphone upang tawagan siya, ilang ring lamang ito ng may sumagot agad sa kabilang linya.

"Miss, Salisha."

His voice was in a baritone as if he wanted to eat me.

"Bakit po kayo nag text? Hehe."

"About that, I want to meet you up today, It's an important matter. I will text the address."

Pagkuwan ay pinatay niya na itong agad, at sandali lamang ng ma itext niya ang address.

Grabe, desisyon siya.

But I have a fever, can I go? Maybe. Tumayo na ako at naghilamos at dali-daling nagbihis.

Papalabas na ako ng silid ng may makitang message ulit galing sa kanya.

"Take the book with you."

Nangunot ang noo ko, paanong alam na niyang nasa akin? Maybe my friends told him.

Lumabas ako ng silid at tinawag si mommy ngunit walang sumasagot. Hinanap ko muna siya sa kabahayan pero wala siya at si Manang Lucile lang ang aking naabutan sa kusina.

Si Manang Lucile ay matagal na naming kasama sa bahay, siguro ay ten years old pa lang ako ay naririto na siya ayon kay mommy.

Nag-iisang kasama lang din namin siya sa bahay.

"Iha, anong ginagawa mo rito, 'di ba may sakit ka, may kailangan ka ba?"

Umiling ako. "Si Mommy po nasaan?"

"Umalis siya, bilin niya na kapag may kailangan ka sabihan mo na lang ako."

"I have an important thing that I need to do po kaya aalis muna ako, babalik din po ako agad."

"Kaya mo ba, Iha?" Tumango ako at kiming ngumiti.

"Osya kung gano'n mag-ingat ka."

"Opo, una na ako." Nagpahatid na ako sa driver at itinuro ang address na ibinigay ni sir Kravei.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon