Chapter 12 || Friends

0 0 0
                                    

Kumibot-kibot ako nang galaw sa higaan dahil nakikiliti ako sa kung ano man ang humahaplos sa pisngi ko.

Namumungay ang mga mata na pinilit kong iminulat para tignan kung ano man iyon.

"Anak."

Kahit nanlalabo pa ang aking mga mata ay nakilala ko agad kung sino ito.

"M-mommy." Bumangon ako sa pagkakahiga at umayos na umupo para harapin siya.

"Mag breakfast ka na." Ani niya na ikinabigla ko, kaya tumulala ako sa kanya.

"Paborito mo ang mga ito." Inilapag niya ang tray sa kama na nakapatong kanina sa bedside table.

Sinipat ko kung ano ang mga pagkain. May fried rice na pinatungan ng omelette. Mayroon ding dalawang tuyo at sa maliit na platito ay kamatis na hiniwa. Gatas at tubig naman ang nasa dalawang baso.

Hindi ako kumilos na napansin siguro ni Mommy kaya hinimay niya na ang tuyo. She was smiling this time. No more scary and grumpy face.

"I-I can do that po." Kumilos na ako at natatangang kumutsara ng pagkain.

"Thank you po sa breakfast." Pasalamat ko. Buti naabutan ko siya dito sa bahay ngayon, madalas kasi pag nagigising ako ay nasa kompanya nga raw siya.

"Anak, galit ka pa kay Mommy?" Nangangamba ang boses na tanong nito.

"Hindi na po ako galit pero nagtatampo pa rin ako." Pag-amin ko.

"Sorry..." Tumigil ako sa pagkain at humarap nang maayos sa kanya.

"Sorry kung ganito ang inasal ni, Mommy. I'm just, you know. Natatakot lang ako na baka mapahamak ka nanaman kaya sobra ang paghihigpit ko sa 'yo, hindi ko naman alam na nasasakal ka na pala. I already lose your Dad and I'm going to die if ever I lost you too."

Okay na sana ang mga sinabi niya pero hindi ko magawang maniwala sa huli niyang tinuran. I know the truth.

"Again, I'm really sorry and I hope magka-ayos na tayo, miss na kita anak."

May nangilid na luha sa mga mata ko pero agad ko rin namang pinunas. Parang sinasakal ako nang malungkot na bitaw ng salita ni Mommy.

"Ayos na po, it's okay. I forgive you na, and hindi rin ako sanay na hindi tayo bati. Sorry din, Ma."

At mas lalong kailangan nating magka-ayos dahil madami akong gustong malaman.

"Oh, come here honey." Lumapit siya sa 'kin at niyakap niya ako nang mahigpit na malugod ko namang tinanggap.

»»------❃----««

Noong matapos lang akong kumain ay doon pa lang nagpaalam si Mommy na aalis na. Sinigurado niya munang maayos ako bago siya pumuntang kompanya.

Pagkatapos ko naman kumain ay nagbihis na rin ako at gumayak na papasok ng iskwelahan.

Biyernes ngayon kaya kahit papaano ay masaya na ako dahil kasunod nito ay academic break ng dalawang linggo. Pwede na rin, swerte na ngalang kaming college na may pa-academic break kami at dalawang linggo pa.

Pero nangangamba rin ako dahil siguradong tambak na activities at quizzes ang isasalubong sa amin niyan.

Nang maihatid ako ni Kuya Tilyos sa school ay dumiretso na ako sa bench kung nasaan sila Leced.

"Hey, guys." Kumaway ako pagkalapit sa kanila.

"Happy ka, Brielle. May maganda bang nangyari?" Paano naman nalaman ni Frankel iyon?

"Wala naman, goods na kasi kami ni Mommy." Maiksi kong sabi. Naikwento ko sa kanila na nag-away kami ni Mommy kaya tiyak akong alam nila.

"Good news nga! Buti naman." Bakas sa boses ni Leced ang saya.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon