"Honey, you're home." Si Mommy ang sumalubong sa akin pagdating ko, hindi tulad kahapon ay nakangiti na siya ngayon.
"Mom, you okay na?" Hinawakan niya ang aking mga kamay at dinaluhang umupo sa sofa.
"Sorry, nagalit ako kahapon tyaka nagtaas ng boses, maski ako ay nagulat sa ginawa ko. Natakot lang naman ako na baka mapano ka lalo pa at hindi ko alam na umalis ka."
Natakot? It was more unusual than before. Dati okay lang kahit umalis ako kahit malayo pa, hindi naman niya ako pinapagalitan. Tyaka hindi naman siya nag aact ng gano'n.
"It's okay Mom. Sorry too because I didn't tell you that I will go out."
Niyakap niya ako at magaang sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. "I'm afraid that I will lose you again. I'm afraid when the time comes you will leave me."
"Hindi naman po ako aalis, hindi ako mawawala."
Ngumiti siya ngunit hindi abot sa kanyang mga mata.
"You will someday. Trust me." Nangunot ang noo ko.
"They miss you. They need you, honey." Ha? Who's missing me? Who needs me?
"Sige na magpahinga ka na." Pagtapos ng pag-uusap ay umakyat na akong nalilito sa kwarto para makapagpahinga na rin.
As usual sobrang nakakapagod itong araw. Well, palagi naman akong pagod wala ng bago.
I jump out of my bed as soon as I'm done taking a bath.
"You will someday. Trust me." Bigla ay naalala ko 'yung sinabi ni mommy. Why would she say something like that?
"They miss you. They need you." Sino? At bakit hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni mommy.
And... Why do I feel like my heart feels so heavy when she says that?
Let's not just think about that and let's go to sleep.
»»----❃----««
"Eve. Eve. Wake up." Patuloy akong niyuyugyog ng kung sino man at pilit na ginigising.
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at bumungad ang 'di pamilyar na kisame.
"She's awake." Nakakarinig ako ng boses malapit sa akin kaya marahan akong bumangon.
Maski ang silid na medyo madilim ay hindi pamilyar sa akin pati ang mga taong ngayon ay nakatayo sa harapan ko.
Pinagmasdan ko sila at sinipat ang mga mukha pero isang tao lang ang kilala ko.
"Rai? Where am I? Who are they?" Si sir Kravei ay naririto kasama nila. Pero bakit?
"Take a deep breath first, Miss Brielle." Ginawa ko ang kanyang sinabi, sandali pa ay gumaan na ang aking pakiramdam.
I feel safe around them. And it was familiar, I don't know but something is familiar.
"It's been a while, Eve." Sabi nung isang lalaki na sa tingin ko'y nasa 50's na.
"We have been impatient to finally meet you again after a century, Eve." Isang Ginang naman ang nagsalita. She said emotionally while in tears.
W-why is she crying, did I do something wrong? And century?
I don't know if they are talking to me since they are mentioning a different name.
"Ako po ba ang kinakausap niyo? A-ah anyway, my name is Brielle Salisha po."
"Yes, they are talking to you, Miss Brielle." Aning Rai na nasa gilid habang katabi ang isang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil nakatago ito sa dilim.
BINABASA MO ANG
Her Lost Soul
Mystery / ThrillerHer soul was lost a thousand years ago, and her followers were unable to find it until now. But one thing was certain: she would be the next ruler of their clan. (Vampire Series #1)