Chapter 9 || Azriel

0 0 0
                                    


Brielle's POV:

Malaya akong nakatunghay sa kawalan mula dito sa third floor nang tumama ang aking paningin sa bench sa ilalim ng puno kung saan nandoon sila Leced.

Kompleto sila at mukhang nagkwekwentuhan.

Ang sabi nila kanina ay bibili lang sila sa cafeteria at babalik din agad dito. Kaya naman pala ang tagal nila ay ayon.

Sa iba ko na lang itinuon ang aking atensyon.

"Signora, Eve." Napaigtad ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Nakatayo si Rai isang metro ang layo sa akin. He was wearing specs and he was holding a laptop.

"N-nagulat naman ako." Medyo madilim kasi dito sa hallway at iilan lang ang istudyante rito sa labas kaya gano'n.

"I didn't mean to, sorry."

"May kailangan ka po ba?" Wala siyang subject ngayong araw sa amin.

"Can you come to my office later after your last subject?"

"Bakit po?"

"I just have something important to tell you."

"S-sige po."

"Thanks." In just a puff of a smoke, he is gone.

Napatanga pa ako ng ilang segundo dahil sa ginawa niya.

Nilinga ko ang paligid kung may ibang tao ba at mabuti dahil wala naman. Sira ang dalawang CCTV dito kaya ligtas.

Gawain niya na ba 'yon? Na bigla-bigla na lang maglalaho kapag gusto niya? O dahil walang ibang tao maliban sa akin na alam na ang totoo?

Ang sakit sa ulo.

"Brielle." Napaigtad nanaman ako dahil sa tumawag sa akin.

Nakatayo sila Frankel sa likod ko na may pagtataka sa mukha na marahil ay dahil sa inasta ko.

Ang bilis naman yata nilang nakaakyat dito?

"A-ah, bakit?"

"Okay ka lang?"

"O-oo naman." Bakit ako nauutal?

"Pasok na tayo?"

"Mabuti pa nga."

Nauna silang pumasok at sandali pa ako tumitig sa kanila. I want to ask them about yesterday, but I don't know how to bring it out.

Bakit gusto nila akong sundan?

»»------❃----««

Nagpaalam na ako sa kanila Leced pagkalabas ng hapon. May pupuntahan pa raw sila at gagala nanaman daw. Ako ang napapagod sa kanila.

Hindi ako pwede dahil nga sa pinapatawag ako ni sir Kravei at isa pa galit pa din si Mommy sa akin. Hindi pa kami nag-uusap mula ng mag-away kami.

I know that I was at fault, but there are parts of me that keep saying that I shouldn't apologize. Sinunod ko na lang tuloy.

I don't know why Mom acts like that. Mali ako pero mali rin naman siya. Tinatanong ko ang rason kung bakit pero ang palagi niyang sagot ay 'Basta'.

Paano kami magkakaintindihan kung gano'n siya palagi? She's always leaving me clueless.

Iilang istudyante at guro na lang ang nakakasalubong ko dahil oras na rin.

Sa dulo ng 2nd floor ang office ni Sir Kravei kaya medyo natagalan din ako at sa wakas ay nakarating din naman ako ng buhay.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon