Chapter 3 || The Clue

9 4 0
                                    

Nang maka-uwi sa bahay ay agad na naligo ako at humiga sa kama.

I know that it's wrong to take a bath kapag galing ka sa pagod at hindi pa nakakapagpahinga pero kapag nagpahinga pa muna kasi ako tiyak na makakatulog na akong agad.

Tumayo ako dahil nakaramdam ako bigla ng lamig dahil sa nakabukas na bintana, hindi ko alam bakit iyon nakabukas pero sasara ko na lang muna bago ako matulog.

"Honey?" Napatigil ako sa biglang katok ni mommy sa pinto.

Lumapit ako upang pagbuksan siya. Isang maamong ngiti ang isinalubong niya sa akin.

"Pasok po kayo." Niluwangan ko ang bukas ng pinto upang makapasok siya.

"Magpapahinga ka na ba? Na istorbo pa yata kita." Mahina kong ipiniling ang aking ulo at tumabi sa kanya ng upo sa kama.

Nakatitig lamang ito sa akin na siyang nagpa-awkward ng paligid.

"Mom, is there anything wrong?"

"Wala naman, is it just that you are growing so fast." Kumunot ang noo ko dahil ang random ng sinabi niya.

"Of course I am, do you not want me to?"
Pabiro ko pang sabi sa kanya.

"Siyempre naman hindi, baby kita, eh." Mahina pa itong humalakhak. I just smiled at her in reply.

"Honey, what if there is a reason why you can't remember anything?" Tanong niya nanaman na napaka random.

"What kind of reason?"

"A reason that is hard to explain but you will understand in the future." E? Na stock ako, ah.

"Like what?" Naguguluhang tanong ko.

Tumayo siya at pumunta sa lamesa at may pinatong na kung ano sabay punta ng pintuan.

"Someone give me that. Good night honey." Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.

"What was that?" Naipiling ko na lang ang aking ulo at kinuha iyong kapirasong papel na ipinatong ni Mommy.

"One room, One secret. Open your eyes widely and look around carefully." - Library, behind the walls.

Ano nanaman ba ito? Para saan ang nakasulat? Naipiling ko na lang ang aking ulo at tinungo na iyong bintana at tuluyan ng isinara.

Mabilis lamang akong nakatulog ng mailapag ko na ang aking katawan sa kama, marahil sa pagod.

Liwanag ng araw na lumalagos sa bintana ang nagpagising sa akin at ang patuloy na pag ring ng cellphone ko.

"Hello?"

"Aba, Brielle anong oras na, late ka na!" Mabilis na napatayo ako sa higaan at agad na sinipat ang orasan.

Shit! It was already nine in the morning and I'm fucking one hour late!

"Hello, Brielle nandiyan ka pa?" Ani ng nasa kabilang linya. It was Leced.

Agad akong nagtungo sa banyo at madaliang naghilamos. Animo ay ako si flash sa bilis kong magbihis at mag-ayos.

Naalala kong wala si mommy ngayon kaya walang gumising sa akin, hindi ko rin narinig na tumunog ang alarm ko. Ang ikinakakabahala ko nito ngayon ay mayroon kaming quiz kay sir Rai.

Mga bandang 10:30 a.m ng matungo ko ang school, halos patakbo akong pumunta sa room na halos ika dapa ko pa.

Pagkasilip ko sa pinto ay si sir Rai ang agad na bumungad sa akin.

Tapos na ang subject niya.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"I-I'm sorry sir I'm late." Hingal na paliwanag ko sa kanya.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon