"Brayl, anak saan ka nanaman galing?"'Yon ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko ng bahay.
Naka-upo si Daddy sa sofa at mukhang nag-aalala.
"School. Saan pa po ba?"
"Bakit hindi ka nagpasundo kay, Tilyos? Alam mong mayayari ka sa Mommy mo."
"At least umuwi ako na wala pa si Mommy. Atyaka wala naman makakaalam kung hindi kayo magsusumbong."
Pangangatwiran ko.
"Sana nagsabi ka."
"I'm a big girl already. College, Dad. Hindi ko naman na siguro dapat palaging sinasabi ang lahat. Ni iskwelahan, bahay na nga lang ang ginagawa ko. Hindi na rin ako sumasama sa mga kaibigan ko, ano pa ba ang gusto mo?"
"We are not pressuring you to your studies, and parents mo kami kaya gusto lang namin ang nakabubuti sa 'yo."
"Hindi pinipressure? Ngayon ko lang narinig iyan sa tanang buhay ko mula sa iyo. Magmula nang magising ako, ng pumasok na ako lagi niyo na akong pinipressure. You guys are always pushing me to my limits. You guys are always wanting me to be on top, wanting me to be the best for all of my batch. Ni hindi ako pwedeng magkamali dahil kwinikwesyon niyo ako, kapag hindi ako ang nangunguna sa iskwelahan, sa klase, hindi mataas ang mga scores ko ang palagi niyong sinasabi ay hindi ko pinagbubutihan. Na dapat mas galingan ko pa, na para bang masama na magkamali ako para sa mga mata niyo."
Ni minsan ay hindi nawala sa pandinig ko ang mga sakit nang salita na binitawan nila sa akin. Bawat detalye, at pagkakabigkas ay malinaw sa 'kin.
"At nakakabuti? That is stupid. Sana tinanong niyo muna ang mga sarili niyo kung mabuti ba kayong impluwensiya sa akin." Kung mabuti silang impluwensiya, bakit madalas silang mag-away sa harap ko? Bakit manloloko ang Daddy ko? Bakit may iba siyang pamilya? Bakit hiwalay sila ni Mommy? Bakit parang normal lang kay Mommy ang lahat na dapat hindi naman.
Gusto kong itanong sa kanya 'yon pero ikinuyom ko na lang ang aking kamao.
"Magpapahinga na po ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nagdirediretso na ako sa pag-akyat.
Ayoko nang makarinig pa ng kahit na anong kasinungalingan mula sa kanya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama.
Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko, anytime ay babagsak na ako.
But no. I can't just give up. Masiyado na akong madaming sinayang na taon para sumuko lang ng ganito. I am almost there, konti na lang ay makikilala ko na kung sino ako, konti na lang at malalaman ko na ang lahat ng totoo. Kailangan ko lang kumilos at sundin ang instinct ko.
Astig ko 'di ba? Kanina lang ay dinadown ko ang aking sarili pero heto at minomotivate ko naman.
Pero ang tanong ay kung paano ko sisimulan?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Nang matapos ay lumabas ako ng silid at bumaba sa first floor. Naabutan ko sa sala si Manang Lucile.
Mamaya na siguro ako magpapahinga.
Nag-angat naman siya nang tingin ng makita ako.
"May kailangan ka, Iha?"
"Nakauwi na po ba si Mommy?"
"Wala pa naman siya, bakit?" Hm, good.
"Si Daddy po nasaan?"
"Sa office niya yata ang pagkakaalam ko."
"Sige po, salamat."
Agad akong nagtungo sa second floor at hinanap ang opisina ni Daddy.
BINABASA MO ANG
Her Lost Soul
Mystery / ThrillerHer soul was lost a thousand years ago, and her followers were unable to find it until now. But one thing was certain: she would be the next ruler of their clan. (Vampire Series #1)