CHAPTER 32

14 2 0
                                    

BIANCA POV

"ANO HINDI NGA SERYOSO? " gulat na sambit ni Romelisa. Hindi na niya na isubo yung kinakain niya dahil sa sinabe ni Christine.

Nandito kame ngayon sa bahay naisipan nanaman kase nang mga ito na mag movie marathon at mag over night dito dahil sabado naman na daw bukas.

"Oh tapos anong sabe mo edi kinilig kanaman! Umamin na si Jay-ar na gusto ka niya diba. Paano yung pag amin niya.  Gago....  Kinikilig ako sa naiimagine ko hayop ka ang haba nang buhok mo Tin-tin" Derederetsong sambit ni Romelisa halata na talaga na kinikilig siya sa mga kwento pa lang ni Christine.

"Ganito kase yan.  Diba nga sabe niya mag uusap daw kame so ayun nga doon kame ng usap malapit sa Fountain sa may garden. Tapos ayun sinabe niya na kung totoo daw ba yung sinabe niyo na may boyfriend ako." Pag kukuwento niya.

"Trip ni Bianca yan" Natatawang sambit ni Romelisa saakin at saka tinuro pa talaga ako.

"Totoo yung narinig ko no na may gusto rin si Nicole kay Jay-ar" Sambit ko sa kaniya.

"Totoo pala yung chismis na yun HAHAHAH.  oh tapos ano na next tuloy na Tin" Sambit padin ni Romelisa.

"Ayun nung una nag gulat ako kase hindi ko naman na yun agad tatanong niya tapos nung sinabe kong hindi totoo yun. Deretso niya akong tinanong kung gusto ko ba daw talaga siya. Syempre nabigla ako sa tanong niya natahimik ako mga isang oras ata bago ko sinabi na oo" Sambit niya.

"OMG HAHAHAHA...  GAGO KA ANG HABA NANG BUHOK MO LUMAPIT KA NGA DITO NANG MAGUPIT KO YAN" kinikilig na sambit ni Romelisa maski sila Zyra at Limeway ay nag hahampasan na dahil sa pag kakawento ni Christine.

"after.... hmm what happened sainyong dalawa. Why you leaving him?  Iniwan mo siya doon ano ba yung sinabe niya sayo at inalisan mo? " Tanong naman ni Limeway sa kaniya.

"Ah...  Ano kase.. Diba nga inamin ko na sakaniya na i like him tapos ayun tinitigan niya lang ako kaya napabuntong hininga na lang ako at sinabe sa kaniya na okay lang kahit hindi niya ko gusto ayun." Pag bibigin niyang sambit.

"That's it all wala man lang siyang sinabe?  Pagtataka naman ni Zyra.

"Yun lang yun? " Kunot noo kong tanong sa kaniya

"Pwede wag kang pa bitin diyan sabihin mo kaya nang buo bitayin kita eh" Pag bibirong sambit ni Romelisa sa kaniya.

"Ayun nga paalis na ko nun nang hawakan niya kamay ko tapos parang gago na tinatawanan ako sinabe niya din na gusto niya din daw ako" Sambit niya at saka nag takip nang unan sa mukha nang sugurin siya ni Romelisa at pabirong pinag hahampas gamit ang unan.

"Ampaka mo Tin... Shet.....  Oh tapos edi kayo na? " Kinikilig na sambit ni Romelisa sa kaniya.

"Agad? " Biglang sambit ko sa sinabi niya.

"So fast Romelisa" Sambit naman ni Limeway

"diba ligaw muna bago jowa? " Natatawang sambit ni Zyra.

"Ina nito ni Rome eh syempre hindi tanga oo gusto ko siya pero syempre kaylangan niya munang mang ligaw" Natatawang sambit ni Christine.

"Ang tanong sinabi niya bang liligawan kana niya? " Seryosong tanong bigla ni Romelisa sa kaniya napatingin kame sa kaniya nang bigla siyang tumahimik.

"Ahm...  Wala, wala naman siyang sinabe saakin na liligawan niya ko yun lang yung gusto niya ko yun lang sinabe niya tapos umalis na ko nun"

"Bakit kanaman kase umalis agad yan tuloy malay mo may karugtong pa yung sasabihin niya. " Sambit ni Romelisa sa kaniya.

"Ano bayan sayang ang hilig mo kase mang iwan" Natatawang sambit ni Romelisa.

"What if sasabihin niyang gusto ka niyang ligawan" Sambit ni Zyra sa kaniya.

"Or what if liligawan kana niya sa monday omg....." Kinikilig na sambit ni Limeway.

"What if pinaasa ka niya na guato ka niya pero ang totoo hindi ka pala niya gusto jwk HAHAHAHA" Pag bibiro ko sinamaan niya naman ako nang tingim at binato sakin yung unan na nasa hita niya.

"Ang panget mo ka bonding Bia.  Whay if Sagutin mo na. Si Charles HAHAHA" Pang aasar niya ding sambit saakin.

"Ay nang liligaw pala sayo yun" Paniwalang sambit ni Zyra saakin.

"Aguy naniwala din HAHAHAH" Natatawang sambit ni Romelisa kay Zyra.

"Sino yung nililigawan ni Charles? " Napalingon kame nang mag salita sa likuran namin ang ate kong chismosa. 

"Ewan ko sa kanila" Sambit ko sa kaniya.

"Hindi ikaw? " Sambit niua saakin.

"Bakit ate boto ka po kay Charles para kay Bianca? " Natatawang tanong ni Romelisa kay ate Asheahnarra.

"i don't  know HAHAHA.  pero kilala ko naman si Charles bata palang" Natatawang sambit ni Ate Sa kaniya.

"Ay boto naman pala ang ate if ever eh" Pang aasar naman ni Christine saakin.

"Tigilan niyo nga ko manood na lang kayo. Di ka aalis te? " Sambit ko sa kanila at takang nag tanong kay ate.

"Paalis na ko sige na see you later girls"Ngiting paalam ni Ate sa mga kaibigan ko pag alis ni ate ay si Kuya naman ang dumating naka pang alis sila ni Ate Lyn

San nanaman kaya mag dadate tong dalawang to. Araw-araw may date?

"Where you going? " Tanong ko sa kaniya nang dumain sila.

"Birthday party. Parating na si mama ikaw na bahala dito" Sambit niya saakin nag paalam naman si Ate Lyn saakin sa salitang Espanyol.  Kaya minsan di ko siya kinakausap di ko siya maintindihan minsan eh. L

Marunong naman ako mag salita nang espanyol dahil pag nagagalit si Ate ay nag sasalita na siya nang salitang espanyol. At saka madalas nung bata ako ay kinakausap ako nila mama at papa nang salitang ganun si papa kasi sa side nila may lahing espanyol at british si lolo lolo half british at Spanish ganun din si lola half pilipina at half spanish si mama naman ay half pilipina at half Spanish din yung dady ni mama ay American-Filipino ang mommy niya ay Half Spanish-Filipina kaya ayun basta ganun.

"Iba talaga pag may mga lahi no ang ganda like ate Asheahnarra para siyang maniquin na may buhay" Sambit ni Christine.

Totoo namang maganda si Ate nung panahong nag aaral pa siya ang daming nang liligaw sa kaniya. Kaya nga stress na stress  noon si Kuya Christ dahil lagi sa kaniya hinahanap si Ate Asheahnarra si Kuya Christ.  Ay nakakatandang kapafid ni Charles kababata ni Ate. Kaya mag kakilala talaga kame nang isang yun kaso hindi kame tulad nang mga ate at kuya namin na close sa isa't isa.

"Iba naman panoorin natin" Sambit ni Christine.

"Tapusin kaya muna natin tong isa ano" Sambit naman sa kaniya ni Romelisa.

Ganito kame madalas agad pinapalitan ni Christine yung movie kahit hindi pa namin tapos panoorin.

Napatingin ako sa cp ko nang biglang may nag pop up na message saakin.

Jay-ar felix Del Mundo: Sa.  Kasama mo ba si Christine?  Galit ba siya?

Basa ko sa message niya.

Anong galit bakit magagalit sa kaniya si Tin-tin aba-aba.  May something  na ata ah...

My First CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon