Ali Benedicto
Saturday, past 11:00AM.
Kakagising ko lang. Hindi pa ako fully awake, kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na humilata for several minutes. Nung nagising na totally ang diwa ko, kinuha ko kaagad phone ko at nag-browse sa social media. Tiktok boring. Facebook crappy. IG nakakabagot. Narealize ko, kailangan ko siguro ng challenge sa buhay.
Ako si Ali at isa akong 27 years old Civil Engineer. Masasabi ko na kahit papaano, stable na ako sa buhay. I live with my family only because yun ang gusto nila. Pero kung ako ang masusunod, gusto ko na maging independent. Buy a house and live freely. I drive a toyota jimmy 2021 at proud ako na sabihin na ako ang bumili nun. Hindi ko hiningi sa pamilya ko. Close ang family ko but I am no ones favorite. Since middle child kasi ako, at alam nyo na, sabi nila ang mga middle children madalas kulang sa aruga. Hindi naman sa hindi nila ako mahal, siguro lumaki lang ako na hindi masyadong napapansin. Yun din ang reason kung bakit lumaki ako na independent. Ang parents ko kasi, either busy sa pagdidisiplina sa ate ko na rebelde, o sa pag-aalaga sa sakitin naming bunso when we where growing up. I am open sa family ko. Alam nila na babae din ang gusto ko at yun naman ang maganda sa kanila kasi tanggap nila ako ng buong buo.
I'm single and too asshole to be in a relationship. Wala akong girlfiend. Kakabreak lang more than a year ago. Three years din kami. Three years na nauwi lang sa wala. Ayoko sa commitment. Gusto ko yung chill lang. No label. No expectations, no heartache. Mas masaya magcollect at mambabae kesa magjowa tapos iiyak ka lang din sa huli. Isa akong Swiftie. Alam mo ba yun? Swiftie. Taylor Swift fan. Magpa-quiz ka sakin tungkol sa mga kanta ni Taytay, ipeperfect ko yan!
Speaking of babae. Chineck ko snapchat ko. Oh yes, pang-snapchat lang ako. Pro player moves. 3 messages
Yassi: Are you up na babe? Good morning!
Yassi: Tulog padin? Or wala sa mood magreply?
Konti nalang ididispatcha ko na toh. Masyadong demanding. Masyadong clingy. Ayoko sa clingy. Hindi ko nireplayan.
Janice: Mornin.. gsing na??
Janice: Are we good later babe??
Janice: Hey, still asleep??
Me: Aftie babe.. kakagising lang. Yea see you later. 😘
Janice: K babe, see yah!
Ang bilis magreply ah! Naisip ko.
Carly: Mownin babe.
Carly: Babe di ko lam but I dreamt of you last night. Maybe because sobrang miss na kita. Kelan tayo ulet magkikita? Punta ka dito sa condo tonight? :)
Me: Sure babe! See you tonight.
Ganito lang ang game ko. Mas komportable ako sa ganito. Usap, hangout, make out and pag nagkasawaan na, end things up. Worst, ghost. Mahilig ako nun. Kaya nga hanggang snapchat lang ang energy ko. Right now, tatlo ang kausap ko. Hindi din naman mahirap dahil onset palang, sinasabi ko na sa kanila na I am not the serious type. Pero sympre sinasabi ko sa kanila yun in a positive way. Sinasabi ko na nasa dating stage palang ako at gusto ko magtake time kami to get to know each other bago kami mag-jump into a relationship. Bumibenta naman sa kanila yun.
Sabi ng mga kaibigan ko baka daw natrauma ako sa nangyari samin ng ex ko. But I don't think it's the case. Naka-move on naman na ako. Siguro, hindi ko pa nahahanap yung taong nakikita ko as my life partner. Wala pa kasi akong nakikita na sakto lang. Yung mga nakikilala ko, kung hindi sobra, kulang.
But of all the 3 girls na nakakausap ko ngayon, pinakagusto ko si Janice. 5 months na din kaming nasa talking and dating stage. Oh diba? Natiis nya ako. Sa totoo lang, walang problema sa kanya. Almost perfect. Pinakilala na nga nya ako sa pamilya nya. May mga times na nafefeel ko na gusto na niyang gawin namin na official ang lahat. May mga times din naman na gusto ko na gawin na official ang lahat, pero naiisip ko, papaano na ang iba kong mga chix? Mga chix na ang tawag ko ay babe. So generic para pag nawrong send ako, hindi halata. Iisipin lang na lasing ako o di kaya wala sa sarili. Mindset! Sa lahat ng nakakausap ko, sya ang masasabi ko na girlfriend material. Maalaga, thoughtful at higit sa lahat, alam ko na mahal ako at hindi ako lolokohin. But maybe the cliché line applies to me it's not her it's me. Sabi nga ni Taylor, It's me hi, I'm the problem it's me.
BINABASA MO ANG
Swipe Right (GxG)
RomanceFamiliar ba kayo sa mga dating apps? Snapchat? Eh sa taong nawiwili mag-collect and select? Yan si Ali. Kaliwa't kanan kung mangolekta nga babae. Tawag sa lahat ng chix nya "babe" para pag na-wrongsend, hindi obvious. Isang hardcore Swiftie, alam ny...