Ali Benedicto
"Ali baka ma-offload lang ako sa immigration! Kingina neto pabigla-bigla!" Nasa likuran ko siya, nakasunod habang naglalakad kami papuntang immigration. Mabilis lang ang naging check-in process namin sa airline dahil nga wala naman kaming dalang kahit na ano kundi yung black levi men icon tote bag ko.
"Ano?" Nilingon ko siya habang nakangiti.
"Huwag kang ngingiti-ngiti jan Ali, sisikmuraan talaga kita!" Pananakot niya na mas nagpatawa sakin. This is one of her traits that I miss the most, her just being comfortable around me. Dun ko lang na-realize na talaga palang kinakahabahan siya, halata sa mukha eh. Tumayo ako sa harapan niya at dahil nga may advantage ako sa height, hinawakan ko siya sa ulo. Ah these are the things I've missed about her.
"Relax, hindi ka ma-ooffload. Basta sabihin mo lang na kasama mo ang partner mo at gusto mo lang mag-tour sa Thailand over the weekend dahil yun lang ang available time mo" Paliwanag ko sa kanya. Napakunot-noo siya, tsaka lumaki yung butas ng ilong.
"Anong partner pinagsasasabi mo? Umayos ka Ali!" Sabi niya na parang naninindak pa. Natawa ako. Yung tipo ng tawa na kinikilig.
"Ready?" Tanong ko.
"Teka lang. Teka titingnan ko muna yung itinerary natin" Sabi niya. In-access niya yung viber at binasa yung itinerary na sinend ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto, huminga siya ng malalim at tumayo.
"Ano? Ready na?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Instead, she inhaled one more time again, then exhaled through her mouth.
"Okay ready na" Sabi niya sa medyo mas confident na tono.
"Let's go!" I excitedly said. Ang totoo, pinagpri-pray ko na hindi kami ma-offload. Kaka-book ko lang kasi talaga nung ticket at kaka-gawa ko lang nung itinerary namin. Actually, itinerary ni Sun at Mira yun. Kakagaling lang nila sa Thailand nung nakaraang buwan. Though prepared naman yung mga supporting documents ko at ni Callie kaya medyo kampati ako. Di ko din alam kung anong pumasok sa isip ko nung mabasa ko yung IG note niya. Basta ang sigurado lang ako eh, gusto ko siyang makasama.
Now that I have her in my life again, wala na akong planong pakawalan pa siya. I will do almost anything, no matter what it takes, para lang bigyan niya ulit ako ng chance. Mas magiging maingat na ako sa kanya just like what I'm doing now, taking things slow this time around. There's no denying, I still love her. Nung nakita ko siya sa Starbucks four days ago, alam ko sa sarili na gusto kong i-rekindle yung relationship namin. Pero ayokong maging aggressive. Mas iniisip ko na ang kapakanan at feelings niya ngayon. Ayokong masaktan ko siya uli. Hindi din ako sigurado kung totally healed na siya, o kung nasasaktan pa din siya every time na naiisip niya yung mga nangyari more than a year ago. Gusto ko iparamdam sa kanya na wala akong ibang gustong balikan ng paulit-ulit kundi siya lang.
I would go to great lengths just to have you back in my life Callie. Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya na ini-interview ng immigration officer. Nakalusot na ako, hinihintay ko nalang siya na makapasa. By the looks of it, mukha namang na-approve siya. Her smile was all ears habang papalapit siya sakin.
"Ano? Naniniwala ka na sakin? Ako talaga ang lucky charm mo eh" Sabi ko. Tinaas-taas ko pa yung dalawang kilay ko.
"Sige na nga, pagbibigyan kita. Naniniwala na ako sayo" Sabi niya na binangga pa ako ng slight from the side.
"Grabe pupunta talaga tayo ng Thailand para lang kumain ng Mango sticky rice at Pad Thai?" Tanong niya na halatang hindi makapaniwala, pero unlike kanina, mas na-sense ko na yung excitement sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Swipe Right (GxG)
RomanceFamiliar ba kayo sa mga dating apps? Snapchat? Eh sa taong nawiwili mag-collect and select? Yan si Ali. Kaliwa't kanan kung mangolekta nga babae. Tawag sa lahat ng chix nya "babe" para pag na-wrongsend, hindi obvious. Isang hardcore Swiftie, alam ny...