Ali Benedicto
Masuyo ko syang pinagmasdan habang nakaluhod sa harapan nya. Now that I've confessed, pakiramdam ko ang gaan ng lahat. Kung tutuusin at base sa usapan namin kagabi, I know that how we feel is mutual, pero hindi ko sya mamadaliin at ayoko syang pwersahin. I want to give her all the time that she needs, para masiguro nya yung nararamdaman nya para sakin, at kung kaya nya ba akong pagkatiwalaan.
"Gusto mo bang magwash-up muna o nagugutom ka na?" Tanong ko.
Ngumiti sya ng pilit.
"Gusto kitang i-sako actually, you cornered me Ali" Reklamo nya. Overtime, parang mas lalo syang nagiging charming sa paningin ko. Tumayo ako at umupo sa tabi nya. Magkaharap na kami na nakaupo sa kama ko.
"Gusto ko lang makasiguro" Sagot ko.
"Makasiguro saan?" Tanong nya habang nakakunot-noo. Hinawakan ko yung kamay nya at hinalikan ko yun.
"Makasiguro na wala ka nang kawala" Kinindatan ko sya.
"Wala ka talagang kasing gago noh?" Binawi nya yung kamay tska sinuntok ako sa hita, pero yung mahinang suntok lang naman.
"Ayaw mo nun? Tinawag ka na nga ni mama na anak eh. Mamaya pagbaba natin, susumbong kita. Sasabihin ko di mo pa ako sinasagot" Ang sarap nya pagtripan. Lalo sya nagiging cute sa paningin ko.
"Ali!"
"Wag mo nga kasi ako kinu-corner" Pakiusap nya sakin sa seryoso na tono. Niyakap ko sya.
"Joke lang babe. Masaya lang ako na nandito ka" Sabi ko. Sinubukan nya na humiwalay mula sa yakap ko, pero dahil nakahawak ako sa likod nya, medyo nakaliyad ng konti ang posisyon nya habang nakatingin sakin. Sobrang lapit ng mukha namin. Nakaka-tempt halikan ang mga labi nya, kaya ginawa ko. Hinalikan ko sya, pero yung mabilis at maikling halik lang sa labi ang ginawa ko - a smack kiss.
Ah! Kahit gusto kong may mangyari samin, paninidigan ko ang sinabi ko sa kanya kagabi. Ayokong may mangyari samin hangga't wala kaming label. It may be too late for that but I want to do it anyway. Mabitin na kung mabitin. Sa naisip, napangiti ako. Sya naman, nilibot ng paningin ang kabuoan ng kwarto ko.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko sabay bitaw sa kanya.
"Maganda, very organized. Hindi halata sa itsura mo" Tumango sya habang patuloy na tinitingnan ang kabuoan ng kwarto ko.
"Anong hindi halata? So anong ibig mong sabihin? Na dugyutin ako?" Pinandilatan ko sya.
"Ilang babae na ang dinala mo dito?"
Tumawa ako ng mahina.
"Pangalawa ka palang"
"Wag kang talk shit Ali, ilan na?" Kagaya ng inaasahan, hindi sya naniwala na pangalawa palang sya na dinala ko dito. Di ko naman sya masisisi dahil gago nga kasi ang impression na binigay ko sa kanya.
"Pinaka-una kong dinala dito si Cherry, yung ex ko. Pangalawa ka" Kahit medyo nasaktan ako sa reaction nya, nagpaliwanag ako. Napatingin sya sakin, parang tinatantya kung seryoso ba ako.
"Gago ako Callie pero mataas ang respeto ko sa mga magulang ko. Hindi ako basta-basta magdadala ng kung sino-sinong babae dito sa pamamahay nila. I will never do that hangga't nandito ako sa poder nila" Yumuko ako pagkasabi nun. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Swipe Right (GxG)
RomanceFamiliar ba kayo sa mga dating apps? Snapchat? Eh sa taong nawiwili mag-collect and select? Yan si Ali. Kaliwa't kanan kung mangolekta nga babae. Tawag sa lahat ng chix nya "babe" para pag na-wrongsend, hindi obvious. Isang hardcore Swiftie, alam ny...