12 - Sparks Fly

1.1K 39 27
                                    

Callie Manzanares

Mas naging consistent ang pag-uusap namin after nun. For weeks now, mas madalas na syang tumatawag at nagmemessage sakin lalo na sa gabi, after every end of her day. Ina-update nya ako sa mga random stuff na nangyari sa kanya for the day. Hinahayaan ko lang din sya. Siguro kailangan nya ng taong makakausap na hindi sya jinu-judge, at dun ako magaling. Sa pagiging sponge and shock absorber.

Gusto ko na talaga baguhin ang way ko na yun pero innate na sakin na umintindi at makinig, kaya din siguro maya't maya bumabalik at nagrereachout sakin yung ex ko. Madalas ganun sya if she's in deep shit o may malaking problema. Tapos pag okay na sya, pag okay na ang sitwasyon nya, magloloko na ulit. Mang-iiwan na naman. Alam kasi nya na pag bumalik sya, makikita nya padin ako sa same spot kung san nya ako iniwan, at ayoko na ng ganun. Pagod na talaga ako.

Speaking of ex, napa-proud ako sa sarili ko lately na nakakaya ko nang hindi mag-reachout sa kanya. Para saan pa? Tama si Ali, the fact na hindi na nya ako kinakausap, idagdag pa yung ginawa nya sakin nung last time kami nagkita na pinamukha at pinaramdam nya sakin na hindi ako kamahal-mahal, at sa harapan pa talaga ng babae nya, is already enough para tumigil na ako. Blinock ko na sya sa lahat ng social media at messaging apps kung san pwede nya akong macontact. Aaminin ko, may mga araw na namimiss ko sya, pero nananaig na ang respeto ko sa sarili this time. Nakakababa at nakakawasak talaga ng self-esteem yung ginawa nyang panlalait sakin sa harapan ng babae nya.

"Wala nga kasi beks, kumalma ka" Si Kira, kausap ko over zoom. Kakatapos lang ng meeting namin. Nag-aaya syang mag-dinner pero sobrang sakit ng ulo ko. Ganito talaga ako pag malapit na magkaron.

"Anong wala? Wala pang feelings or wala pang label?" Kinukulit nya ako tungkol kay Ali. Bakit naman kasi nadulas ako kanina at naikwento na madalas kaming mag-usap lately? Na-hot seat tuloy ako.

"Sinasabi ko sayo Callie, wala din akong tiwala sa Ali na yun. Amoy na amoy ko 'gang dito ang pagiging manloloko nya" Dagdag pa nya.

"Beks kalma. Casual nga lang kami tska ayaw mo nun? She's an effective way para makalimutan ko si Rome. Ilang weeks na akong hindi nagmemessage sa kanya, at hindi ko na din sya namimiss" Proud ako habang sinasabi yun. Alam kasi ng kaibigan ko at witness sya sa mga struggles ko para lang maka-get over sa ex ko na yun. 

"No comment nalang ako jan. Sana tuloy-tuloy na talaga yan. Ipagdadasal ko na hindi ka matisod at bumalik sa umpisa. Parang ilang beses ko na kasi narinig yan beks" Sagot nya.

"Haiii Kira" Napabuntong hininga ako.

"Ano? Sure ka ba talaga na ayaw mong magdinner?" Tanong nya sakin.

"Yup. Ang sakit ng ulo at puson ko. It's the time of the month again"

Habang sinasabi yun, nakita kong tumatawag si Ali kaya nagpaalam na din ako sa kanya.

"Okay cge. Rest ka nalang" Sabi nya.

"I will. Thanks beks. I love you!"

"I love you too"

Dead tone.

"Hello" Sagot ko sa tawag ni Ali.

"Babe! Kumusta?" Parang ang saya ng boses nya.

"Okay lang. A bit under the weather ngayong araw" Sagot ko. Di ko lang sure kung nafeel nya ba na di ako okay pero nagtanong sya...

"You okay? Bat parang matamlay ka?" Tanong nya. Halata sa boses na medyo concerned sya.

"Okay lang ako. Kumusta ka naman today?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Wag mo ibahin ang usapan. Are you okay?" Tanong nya ulit.

Swipe Right (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon