28 - Sweet Nothing

1K 43 47
                                    

Callie Manzanares

Friday. Past lunch na ako nagising dahil may tinapos ako na urgent project kagabi. Pagka-check ko ng phone, tadtad ako ng calls at messages.

12 missed calls (viber)

5 missed calls (phone) pero tatlo dun galing sa unknown number na mukhang familiar sakin.

8 viber messages

6 sms at dalawa dun galing sa unknown number na tumawag din sakin.

Una kong chineck yung viber messages, lahat galing kay Ali.

Ali: Good morning, babe. Excited na ako magsleep over jan. 🤗

Ali: San mo gusto pumunta mamaya?

Ali: Sleep kpa?

Ali: Callie

Ali: Callie gsng kna?

Ali: Nag-woworry nko sayo. Pls answer my call.

Ali: Callie nsan kba? May nangyari ba sayo?

Ali: Callie bat di ka nagrereply?

Mga about an hour ago na yung last message nya sa viber. Sunod ko na chineck yung sms na sinend nya.

Stranger: Callie nasan ka ba? Bat di ka sumasagot sa mga tawag ko? Tulog ka pa ba? Naka-silent ba phone mo? Anong oras na, nasan ka? Anong nangyayari sayo?

Stranger: Callie!!

Stranger: Nag-half day ako, puntahan kita now.

Napabangon ako sa pagkakahiga ng mabasa yung last message nya. Nireplayan ko yung message nya na yun.

Me: Slr kakagising ko lang, madaling araw na kasi ako nakatulog dahil may tinapos akong phase nung project namin. I'm okay.

Ang bilis nya magreply.

Stranger: Omw (on my way).

Me: Ok lng ako Aliboo.

Hindi na sya nagreply.

Sunod kong chineck yung dalawang unknown messages.

Unknown number: Good morning Cassie.

Unknown number: Did you get the flowers? Been missing you lately. Can I see you later?

Si Rome.

Tangina mo! Napamura ako. Pero hindi ko nalang nireplayan yun. Ayoko na magsayang kahit isang segundo ng energy sa taong toh. Isa lang ang dapat gawin, at yun ay ang i-block ang number nya. So I did. Blinock ko yung unknown number na gamit nya. Actually, ilang unknown numbers na ang blinock ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang bumabangon para mag-shirt at pumunta sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Naalala ko ulit yung message ni Ali.

Seryoso kaya sya na papunta sya dito? Napansin ko, simula nung nangyari yung magkasunod na incident involving Kim lalo na yung kay Rome last Sunday, naging protective na sya sakin. Gabi-gabi syang tumatawag at hindi lang simpleng tawag ang ginagawa nya, video call talaga. Hindi lang ilang minuto ang inaabot ng usapan namin. This week, inaabot kami ng ilang oras at minsan pa nga, nakakatulugan nalang nya ako dahil kahit antok na antok na sya, gusto padin nya magstay sa line dahil nga gising pa ako at nagwowork.

Swipe Right (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon