55 - Sad Beautiful Tragic

986 50 25
                                    

Callie Manzanares


Nalulula ako sa halik niya, kaya napakapit ako sa batok niya. Nagsimulang maglaro ang dila niya sa dila ko.

"Uhm" Napaungol ako. Iba pa rin talaga ang epekto niya sakin. Mali ata na pumayag ako na sumama sa kanya. Now my heart is uncontrollable again, like it usually is pag ginagawa niya sakin toh. Nawawala ako sa sarili.

I love you, Callie. Nagrereplay sa utak ko yung sinabi niya. I can feel it in me. Aaminin ko, mahal ko pa din siya. Mahal pa namin ang isa't isa at ramdam ko na mini-mean nya yung sinabi niya. Pero ako ang problema. My heart is full of hatred and I am emotionally damaged. Ang lala ng trust issues ko dahil sa nangyari. Siguro kung hindi lang naging malaking factor si Rome, kung hindi lang siya nag-eexist, baka okay kami. Baka masaya kami. But truth be told, magkaibigan sila at siya yung isa sa mga kaibigan ng ex ko na lumait-lait sakin.

You need to stop. Remind ko sa sarili. Kahit nanghihina, pinutol ko yung halik namin lalo na nung maramdaman ko na nagsimulang nang mag-explore ang mga kamay niya. Napakagat-labi siya sabay hingang malalim.

"Sorry" Paghingi niya ng paumanhin. Binitawan niya ako. Tinapik tapik ko yung shoulder niya, just above her right chest.

"Kararating lang natin, gusto mo na kaagad maka-score?" Biro ko to break the tension na nagbubuild-up sa pagitan namin.

"Akala ko makakalusot eh" Napangiti at napakamot-ulo nalang siya. Dahil medyo pagod mula sa biyahe, nagpaalam ako na magpapahinga na muna. Hindi din ako halos nakatulog simula kagabi. Kahit kanina sa flight, hindi ako naka-idlip ng maayos dahil maya't maya, hinahalikan niya ako sa ulo kagaya ng madalas niyang ginagawa on random days pag matutulog na kami, o di kaya pag nag-cucuddle kami sa couch, habang nanunuod ng movie.

"Lalabas ako to grab some stuff, may gusto ka bang ipabili?" Tanong niya. Umiling ako.

"I just want to sleep" Sabi ko habang naghuhubad ng damit. Nung makita niya na naka-bra at underwear nalang ako, nagbiro siya.

"Hindi na pala ako lalabas. Inaantok din ako" Biro niya.

"Ali!" Pinandilatan ko siya  habang sumasampa sa kama para humiga.

"Joke lang mine" Sabi niya. Lumapit siya sa'kin as I was tucking myself to sleep.

"Rest well" Hinalikan niya ulit ako sa ulo bago siya umalis. Habang nakahiga sa kama, hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong mangyayari sa mga susunod na araw at kung bakit sa dinami-daming lugar sa Pilipinas at sa mundo, dito pa sa Singapore niya ako napiling dalhin. Sa wakas, pumayag na siya sa gusto ko. For six days, we will pretend as if kami pa din. Pagkatapos nun, tuluyan ko nang kakalimutan lahat and start to heal. Kakalimutan ko na siya at lahat ng mga nasasakit na ala-ala. Yun ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko hanggang sa di ko na namalayan, nakatulog na pala ako. Mahigit dalawang oras din akong nakatulog. Wala pa din siya pagkagising ko. Medyo kinabahan ako.

Pano kung nawala na siya? Tanong ko sa sarili. Pero naisip ko din, hindi naman siguro. Maliit lang ang Singapore at siguro naman may e-Sim siya para maka-connect sa internet. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa banyo para sana umihi lang. Pero pagpasok ko, laking tuwa ko ng makita na may bathtub yung suite namin. Dahil may pa-free bubble bomb yung hotel, di na ako nag-isip pa, nag-bubble bath ako sa bathtub. Nakaka-relax na magbabad sa mainit na tubig. Feeling ko natanggal nun lahat ng stress na naipon ko sa katawan. Isinandal ko yung ulo ko sa ledge just behind my head, tsaka pumikit at umidlip. Naalimpungatan ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Swipe Right (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon