Ali Benedicto
"Hello" Sagot nya sa inaantok pa na boses. Nag-vibrate kasi yung phone nya so she picked it up and answered.
"Uh cge I'll check it" Sabi nya sa kausap.
"Hindi okay lang, ako na" Dagdag pa nya.
Pagkababa nung phone, ini-alis nya yung sarili mula sa pagkakayakap ko.
"Hmmmp" Angal ko as I grab her pabalik sa kama.
"I have to get up Aliboo, may urgent kami. Sleep ka lang" Sabi nya as she kissed my lips. Then tumayo na sya at lumabas ng kwarto.
Yes, finally we now live together sa property na binili ko malapit sa Evia. The moment na nag-move in at natapos yung design sa unit ko, pinalipat ko kaagad sya dito. Advantage din naman sa kanya dahil hindi na sya nagbabayad ng rent. Tumutulong nalang sya sakin sa other expenses like sa internet, food, groceries, and electricity.
We've been together for almost 6 months now and I must say, ang smooth lang ng relationship naman. Tahimik at easy-going. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit tahimik ang relasyon naman is because we've managed to keep it low key. Low key pero hindi patago. Well in a way may mga parts ng relasyon namin na kami palang ang nakakaalam like moving in together. Ang nakakaalam lang eh yung parents ko, at friends ni Callie - si Kim at Kira. Sa mga kaibigan ko, si Sun palang ang nakakaalam at binilin ko talaga sa kanya to keep it between us hanggang sa mapakilala ko si Callie sa kanila. Unfortunately hindi ko pa nagagawa yun dahil na din kay Callie. Lagi nya sinasabi na di pa sya ready to meet them pag niyayaya ko sya na kitain ang mga kaibigan ko kaya di ko nalang sya pinipilit. Hinahayaan ko nalang muna sya until sabihin nya sakin na ready na sya mameet ang mga kaibigan ko. Di ko din sya masisisi, kasalanan ko din naman kung bat sya ganun. Ininstill ko kasi sa utak nya na ang taas ng standards ng mga kaibigan ko at baka lait-laitin lang ako, lalo na sya. Isa yun sa mga damages na nagawa ko na hanggang ngayon sinusubukan ko padin na ayusin.
Pero hindi naman ako nagkamali kay Callie. She's exactly the girl that matches my soul. Di ako naniniwala sa soulmate but with her, I feel like I found one. She's the type that lets me grow and trusts me so much. Hindi sya yung tipo na mang-iinterrogate. She lets me be kaya nakaka-konsensyang gumawa ng kalokohan. Aaminin ko, may mga instances na nilalapitan padin ako ng tukso, di na ako lalayo, sa office palang napaka-consistent talaga ni Jade na landiin ako. Pero kada maiisip ko na pumatol sa mga nanlalandi, ako mismo ang natatakot at nasasaktan. Natatakot ako na baka mawala si Callie pag ginawa ko yun, at nasasaktan ako sa thought na mawawala sya sakin pag nagloko ako, which is really likely to happen. Kaya bago pa ako magkasala, dumidistansya na ako. Yun din ang rason kung bakit lately, medyo nabawasan ang pagsama ko sa mga kaibigan ko. Ayokong masira ang magandang pagsasama namin at nangako ako sa kanya na hindi ko sya sasaktan intentionally, so I'm keeping that promise.
Habang iniisip yun, napatingin ako sa empty space sa tabi ko. I reached out for her pillow, niyakap at inamoy ko yun.
Ah Callie.
Sinubukan ko na bumalik sa pagtulog pero ayaw na magcooperate ng katawan ko. Dahil medyo hirap na ako makatulog, bumangon nalang ako at sinundan si Callie sa living room. Gaya ng plinano nya at sinunod ko, wala kaming TV sa loob ng kwarto. Sa labas din naka-setup yung workstation nya. Inabot ko yung phone ko and checked the time, past 3 in the morning palang. Supposedly mamayang 6 pa ako magigising to prepare and go to work. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko na patay yung ilaw sa living room and the only light illuminating the entire place was the one coming from the kitchen. Ganito sya usually, napansin ko na most of the time, mas gusto nya na dim yun space where she works. Nung una sinisita ko pa sya dahil baka masira ang mga mata nya considering nakaharap sya sa laptop, but I eventually gave up and realized na baka nga mas nakakapag-isip sya pag medyo madilim yun paligid nya.
BINABASA MO ANG
Swipe Right (GxG)
RomanceFamiliar ba kayo sa mga dating apps? Snapchat? Eh sa taong nawiwili mag-collect and select? Yan si Ali. Kaliwa't kanan kung mangolekta nga babae. Tawag sa lahat ng chix nya "babe" para pag na-wrongsend, hindi obvious. Isang hardcore Swiftie, alam ny...