EPILOGUE #2

82 4 0
                                    

Behind Those Bars

Trigger Warning: This part may contain scenes that includes suicide, kidnapping, and mention of death.

Read at your own risk.

Nakulong na si Eman. We celebrated that victory dahil akala ko okay na kami, yun pala hindi pa.

"Maghiwalay na muna tayo, maybe the world was just toxic to us. Pagod na rin ako at alam kong pagod ka. Let's end this." She firmly replied to me when I asked her what is happening.

"Ikaw na nga lang ang dahilan kung bakit ako nandito e, tapos paaalisin mo pa ako? Para saan, para iwan mo na naman ako? Pagod na ako, oo pero tangina naman, hindi kita iiwan. M-mahal kita e." My voice broke.

I tried to get her back. Araw-araw akong pumupunta sa bahay nila just to kneel and beg for her time.

Pero wala na e, her decision was already final. Siguro pagod na siya, sawa na siya. Maybe she needed a time to breathe. Kaya naman hinayaan ko yun.

My plans is already settled. After 2-3 months, babalik ako sa kanya. I will start a new beginning with her, and with the family we'll gonna build together. But it never happened.

I left the mafia for her, to change. Kasi alam kong ayaw niya yun. Tapos ngayon, babalikan ako ng grupo dahil kailangan nila ang lakas at pwersa. Ngunit, hindi ako pumayag.

I changed for myself. And also for me to grow individually.

Gabi na nang maisipan kong umuwi, I was just focused on working hard. It's not for my sake tho, it's for her sake.

Hindi niya alam na sa akin ang ginagamit niyang card kaya naman never iyong nauubusan. Luckily she didn't noticed it.

As usual.

"Pa, ikaw na muna ang bahala ang kompanya, and please make sure na lagyan mo ng pera yung account ni Clea once a week."

"May narerecieve ka na namang bang death threats? Anak magsabi ka naman, gusto naming bumawi ng nanay mo sa mga pagkukulang namin noon." Malungkot ngunit nag-aalalang tanong niya.

"Wag mong sarilihin 'yan, pamilya tayo o!" He lightly chucked.

"Dad, I can handle this. Base sa mga ugali at tactics nila, they would set me in a frame up. Alam ko na ang balak nilang gawin sa akin. I need your help on that." I formed a smirk unto my face knowing that I was one step ahead to my enemies or shall I say old friends?

"Sure son, medyo matatagalan lang, just 2-3 weeks. But don't worry, I won't let that happen. Pero if nauna na sila, proceed to plan B."

Just as expected, they will use her as a bait.

"Nakikita mo ba itong babaeng 'to Xion, kaya ko itong tikman agad din." Pagtawa niya kasabay ng pagtawa ng mga kasama niya.

"Ilustre, itigil mo na yang laro mong iyan. Ibibigay ko ang perang gusto mo, basta pakawalan mo siya."

"Aww, nagbago na nga Lim. Naging soft-hearted na ang isang Lim." He mimicked my voice in a sarcastic way.

"Magkano at saan? As simple as that. Dami mong dada e!" Pagalit kong wika sa kanya.

Tangina minuto, oras at araw ang hinintay ko bago ko na receive ang message ng isang unknown number.

Unknown Number:

Tatlong milyon kapalit ng buhay ng minamahal mo. Dating lugar. You know, where we get the supplies of our drugs.

Biglang namuo ang galit sa sistema ko. Tangina!

Agad kong inayos ang mga kailangan, I even putted a fake money to my briefcase. Alam kong may posibilidad na makita ko si San Pedro ngayong araw pero wag naman muna.

Nang maka arrive ako sa lugar ay alam kong iba na. Pero nagpumilit pa rin ako dahil alam kong ito ang tama. Para sa kanya, isasakripisyo ko ang buhay ko.

"Akin na siya." Maotoridad kong utos.

"Money first Lim. Wag kang tuso."

Inihagis ko sa kanya ang case na may lamang papel at naramdaman ko na lamang na pinalo niya sa ulo ko ang case.

Pagkagising ko ay hawak ko na ang case at nakaupo sa loob ng planta kung saan nagiimbak ng ilegal na droga noon.

Fuck, I was really framed up. They even use her as a bait!! Hindi naman pala totoo.

"Taas kamay!"

"Paano na lang siya kung nandito na ako sa loob." It's been 3 months since the last time I looked at the mirror.

My physique changes. Mas naging iba ang sarili ko. Humaba ang balbas at naging mas mature ang katawan which is useless due to the fact na hindi ako makalabas dito.

"Nasa kulungan ako... I committed a crime, that I didn't even really committed..." Pagwika ko sa pari, mayroon kasing misa ngayon para sa mga inmates.

"Lahat ng mga bagay na nangyari at may dahilan, manalig ka lang sa diyos iho."

Kung may diyos, bakit ko nararanasan to? Dahil ba ang dami kong maling ginawa sa nakaraan? Dahil ba hindi ako nananalig sa kanya? Ano? Pagod na pagod na akong umintindi at tumulong sa iba, kasi yung sarili ko mismo hindi ko man lang matulungan.

Ang tahimik, kagaya na lamang ng dagat, payapa. Parang ito rin yung nangyayari ngayon, wala akong naririnig tungkol sa pamilya ko, sa labas, at lalo na sa kanya. Tahimik.

Nakakaubos na ng oras.

Wala naman nang pag-asa, should I just give this all up?

Palagi na lamang ito ang nasa isip ko.

Siguro nga, karma ko na to sa mga maling ginawa ko kay Clea noon.

"I will miss everything about her. Her smile, her presence, her eyes, her lips, and how she called my name whenever she needed help. I'm sorry love, I hope I gave you the justice you deserve." I whispered in the air before letting the string choke my neck.

Patulak na sana ang upuan ng biglang may pumasok.

"Hoy gago ka ba?"

"Magpapakamatay ka? Sige lang. Manonood ako." He said and I gave him a deadly glare. Babalik na sana ako sa plano ng sinabi niyang...

"Tangina neto, dito pa gusto
magpakamatay"

"Joke lang, may pag-asa pa! Makakalabas ka dito." He replied before putting up a big smile and helping me reach the ground once again.

.

____________________________________________________________________________

Epilogue #3, soon.

I'll put special chapters pag tapos na ang buong series. 😝

The Lies of the PastWhere stories live. Discover now