Libra's POV
Naiiyak na napaupo siya sa labas nang operating room. Magdadalawang oras na sa loob ang kapatid niya at kanina pa siya di mapalagay.
"Coffee?"
Napaangat siya nang tingin sa nagsalita at agad napayuko nang mapagtantong si Ares iyon.
Pagkatapos ng nangyari sa condo nito ay itinayo siya nang binata at pinapasok sa condo bago tinanong ang problema niya.
Di na siya nagdalawang isip na sabihin dito ang kalagayan niya kaya ganun nalang ang gulat niya nang magbihis ito sabay hila sa kanya palabas nang condo.
Nang makarating sila sa ospital ay pinauna siya nito sa kwarto ng kapatid niya at ganun nalang ang gulat niya pagkaraan nang kalahating oras ay may mga nurse na nagpunta at sabihan siyang ooperahan ang kapatid niya. And now ito na nga dalawang oras na itong nasa loob.
"Libra?"
Napakurap siya bago nag angat ulit nang tingin. Nakabot parin sa kanya ang hawak nitong kape kaya agad niya iyong tinanggap bago nagpasalamat.
Ares sat next to her kaya napa isod siya pero ganun nalang ang pamumula niya nang hilahin nito ang bewang niya at iupo siya sa tabi nito at di na inalis ang kamay sa bewang niya.
"Everything will be ok." Sabi nito kaya napabaling siya sa binata.
Gwapo ito. Seryoso lagi ang mukha pero malakas ang karisma.
"Salamat po sir." Mahina niyang sabi na ikina iling nito.
"Ares, call me Ares sweetheart." Sabi nito bago napakunot noo at sinalat ang noo niya. "Fck mainit ka."
"Ok lang po ako."
"No you're not. May lagnat ka." Sabi nito bago sa gulat niya ay niyakap siya at isinandal ang ulo niya sa dibdib nito. "I'm sorry. Mukhang napasubra ako sa pag gamit sayo."
Napakagat labi siya nang matukoy ang sinasabi nito. Gusto niyang magpakain sa lupa sa mga oras na yun sa subrang kahihiyan.
"Masakit pa ba? Do you want me to rent a room for you to sleep ?"
Agad siyang umiling. "Ok lang po sir. Mawawala din to."
Bumuntong hininga ito bago hinaplos ang buhok niya. "About the deal."
"Wag po kayong mag alala. Gagawin ko po ang usapan. Pag kailangan niyo po ang katawan ko, tumawag ka lang at pupunta agad ako." Sabi niya na ikinahinga nito nang malalim.
"Live with me."
"Po?"
"Sa bahay ko ikaw tumira."
"Paano po ang kapatid ko? Wala na kaming magulang at di ko kayang iwan ang kapatid ko."
"Isama mo siya."
"Po?"
Napatsk ito bago pinitik ang noo niya. "Sa bahay ko kayo tumira."
"Sa condo po?"
Napakunot ang noo nito. "Sabi ko bahay. Hindi condo." Tinitigan siya nito bago hinaplos ang gilid nang pisngi niya. "You will be my secret, kaya sa bahay ka. Uuwi ako dun pag kailangan kita pero bawal kana sa condo ko. Do you understand me sweetheart?"
Naguguluhan man ay tumango siya, sa laki nang ibinayad nito para madugtungan ang buhay nang kapatid niya ay itinatak na niya sa isip na kahit ano man ang gusto nito ay susundin niya. At isa na nga dun ang pagiging opisyal nila.
She is now in a Fcking relationship with him.