Chapter 12

1.1K 32 1
                                    

Libra's POV

"Mama malungkot kana naman."

Napatingin siya kay Gemini na ngayon ay nakaupo sa harap niya.

Ngumiti siya sa anak bago hinaplos ang mukha nito. "Di naman malungkot si mama ah."

Ngumuso ito bago bumuntong hininga. "Nagsisinungaling kana sa akin mama. Mula ng umalis tayo sa bahay ni papa ganyan kana. Ni hindi mo ako hinayaan mag babye sa kanya." Sabi nito na bakas ang lungkot sa mga mata.

Napatitig siya dito, bakas sa mukha at mga mata ng bata ang lungkot. When gemini becomes her Ay naging kaclose nito ang binata at ama na ang turing ng bata sa lalaki.

"Bat po kasi tayo umalis? Miss ko na si papa mama. Siguro malungkot yon dahil wala na siyang kasabay kumain, tas sabi pa niya sakin tayo daw ang pinaka magandang nangyari sa buhay niya tas iniwan natin siya. Mama balik nalang tayo sa malaking bahay. Ayaw kong malungkot si papa."

Listening to her daughter say those words makes her wanna cry. Isang buwan  palang silang umalis sa bahay ni Ares at ngayon ay nangungupahan sa isang maliit na apartment, pero walang araw na di niya naiisip ang binata.

Bakit kung kailan siya nakatagpo ng lalaking mamahalin siya ay ganun pa ang nangyari?

Sa lahat ng mga sinabi ni Ares, ang dahilan ng pagiging kasal nito. Yes she could have just agreed and stay by his side. Pero mali. Subrang mali pag ginawa niya yon.

Kahit ano paman ang dahilan na meron ito, isa lang ang dulo nun. Kasal ito at hindi sa kanya. Pag nanatili siya, isa siyang kabit. At ayaw niya yon.

Kahit ibinenta niya ang sarili dito para mabuhay si Gemini eh hindi niya parin gustong maging kabit. Ayaw niyang makatapak ng tao lalo na at babae.

Kaya niyang tiisin ang sakit ng sawing pag ibig niya, pero habang nakatingin kay Gemini, bigla niyang na kwestiyon ang aksiyon na ginawa.

Hindi lang siya ang nasasaktan sa nangyari, may batang nadadamay.

"Sorry anak ha, kinailangan kasing iwan ni mama si papa dahil hindi siya atin. Mahal man natin si papa at mahal man niya tayo pero mali anak. Mali ang makasama pa ang papa." Malungkot niyang sabi sabay haplos sa mukha nito.

"Bakit po mali?"

"Bata ka pa para maintindihan mo ang dahilan."

"Mama paano ko maintindihan kong di mo sasabihin at ipapaliwanag?"

Bumuntong hininga nalang siya bago ito hinila at niyakap.

Ang di niya alam may isang taong nakatingin sa kanila mula sa loob ng sasakyan. Ng di ito makatiis ay bumaba ito bago naglakad patungo sa tinitirhan nila ni Gemini.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok dun and when she open the door ay nakita niya ang isang magandang babae na pananamit pa lang ay alam mong may kaya sa buhay.

Napakunot noo siya ng tingnan siya nito mula ulo hanggang paa bago balik sa ulo.

"Sino ka?" She asked.

The woman look at her bago bumaba ang tingin nito kay gemini at napangisi ito.

"I'm Olivia, and I'm Ares wife. Pwede ba tayong mag usap?"

In A Messed-Up Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon