Ares POV
"Ok ka na dito?" He asked Jamie na sa wakas tumigil din sa kakaiyak.
He was supposed to go to asked phex something in his condo when he saw Jamie crying outside the building with two suitcases.
And when he learned the reason why, he decided to make Jamie stay in his condo. Pinagamit niya dito ang isa sa mga kwarto doon.
"Salamat ha." Sabi nito kaya tumango lang siya bago binigyan ito nang tubig.
"So wala na kayo?" He asked.
Ngumuso ito bago umiyak ulit kaya napailing siya.
"Nagmahal ka naba?" All of a sudden Jamie asked and Libra's face crossed his mind.
"Tsk."
"Bat kayo ganun? Binigay namin ang lahat sa inyo, pero pasakit lang ang sukli niyo sa amin."sabi nito. "I give everything to Phex, pero nagpakita lang ang ex niya naitsapwera agad ako. Tas sasabihin niyang mahal niya ako? Paano ako maniniwala?"
He just look at Jamie.
"Kaya ikaw Ares pag nahanap mo na ang babaeng aalagaan ka, mamahalin ka at higit sa lahat tanggap ang kung ano ka, sana wag mong saktan ang babaeng yun. Dahil di niyo alam kung gaano kasakit sa amin ang maloko sa kabila nang pagmamahal na binigay namin sa inyo."
"Tsk How would you know if the person loves you?" He asked na nagpatingin nito sa kanya.
"Pagnakaya kang ngitian kahit nasasaktan siya, pag nakaya niyang lunukin ang mga rason mong walang kwenta. Pag nakaya niyang ibigay sayo ang sarili nang paulit ulit kahit naba wala kang label na naibigay. Pag kaya ka niyang samahan kahit na ba sariling puri niya ang kalaban."
With all she said Libra's sad eyes crossed his mind. He didn't mean to shove away her hand sa mall. Pero hindi pwede, hindi pa pwede.
"Nagmahal ka naba ares?"
"Hmm."
Nagulat ito kaya napangisi siya.
"Asan siya?"
"Tsk dami mong tanong."
"Girlfriend mo?"
"Wala ako nun."
"Asawa?" Agad siyang natigilan sa tanong nito. "Wait may asawa kana? Asan siya? Bat dimo siya napakilala sa akin?"
Tinitigan niya si Jamie bago sumagot. "Kasal ako pero di kami nagsasama."
"Ang gulo."
Ngumisi siya bago isinandal ang likuran sa sofa. "We're married for convenience. Before namatay ang lolo ko pinakasal niya ako sa anak nang kasosyo niya."
"Nagsama kayo?"
"No. After nang kasal umalis siya patungong italy at wala akong pakialam."
"Dimo siya mahal?"
"Hell no." He said. "As what I said kasal lang kami para sa negosyo. When she left I don't know or I never tried to contact her. What for? Eh dalawang beses ko lang naman siyang nakita."
"Di niyo man lang sinubok na itry ang kasal niyo?"
"Nope."
Tumahimik ito saglit bago nagtanong ulit.
"Diba sabi mo may mahal ka? Alam ba niya?"
"Alam nino?"
"Nang mahal mo na mahal mo siya at may asawa ka?"
Napakurap siya bago umiling.
"Yawaa. Parehas lang kayo nang kaibigan mo. Fck boy punyeta." Biglang galit nitong sabi kaya napatawa siya.
"Bakit ba?" Natatawa niyang tanong nang hampasin siya nito nang unan.
"Asan na ang babaeng mahal mo?"
"Nasa bahay ko." He said na ikinasinghap nito. He sighed bago ngumiti nang mapait kay Jamie. "Tinatago ko sa bahay ko."
"Ares."
"And I just hurt her awhile ago Jamie. Gusto niya akong hawakan sa kamay and god knows I want that too. But I can't let her do that. Specially now na sinabi nang kaibigan naming pulis na may inutusan ang asawa ko na sundan ako. I don't know what scheme she wants right now, but I won't let Libra be drag about this."
"Pero nasa bahay mo siya."
"At hindi alam yun nang asawa ko. The subdivision where we live had a high security at sinabihan ko na walang magpapasok nang kung sino hanggat diko alam. And that walang libra na nakatira sa bahay ko. I tried to cover all the possible evidence na makukuha nila laban sa akin."
"Sasabihin mo ba sa kanya?"
Natigilan siya bago umiling. "Ayaw ko siyang saktan."
"Gagu mas masasaktan siya pag nalaman niya pa sa iba."
"I love her Jamie."
"Alam niya?"
"Hindi."
"Putangina. Umuwi ka na. Tas ipambungad mo sa kanya yang sinasabi mo sa akin. Let her know you love her Ares."
"Pero diko alam kung mahal niya ako."
"So siya pa mag aadjust? Ikaw ang lalaki dapat ikaw ang maunang magsabi niyan. Wag kang gumaya sa kaibigan mo."
"Paano kong di niya ako mahal?"
"Di paibigin mo?"
"Paano kung iwan ako pag nalaman niyang may asawa ako?"
"Di tanggapin mo. Mali kasi yang ginagawa mo Ares. Sa mata nang diyos at tao mali yang ginagawa mo. Kahit di kayo nag sasama nang asawa mo, kasal ka parin. Ang labas ng babaeng mahal mo eh kabit siya. At walang babaeng hiniling na maging kabit."
"I am filing annulment already. At sasabihin ko lang kay Libra pag na annul na ako."
"So siya ngang talaga ang mag aadjust para sayo? Paano yan? Sa tagal ng proseso nang annulment sa pinas baka abutin nang ilang taon bago ka mapalaya, so itatago mo lang siya? Di deserve ni Libra yun. Kung iwan ka, tanggapin mo."
"Ayaw kong maiwan jamie."
"Di maging totoo ka. Let her decide for your relationship together. And for god sake bago ka mag drama diyan shotain mo muna. Wag kang gumaya kay phex jerjer lang ang alam."
Napailing siya bago napangiti.
"Mahal mo siya?" Tanong niya patukoy kay Phex.
"Masasaktan ba ako kung hindi?"
"Eh bat mo iniwan?"
"Dahil yun lang ang choice na meron ako." Sabi nito bago siya ngitian nang malungkot. "Masakit maloko Ares pero wala nang mas sasakit pa sa naloko na nga, nakita mo pa."
Bumuntong hininga siya bago tumayo at lumapit kay Jamie.
"Mahal ka nun."
Umirap ito pero di na nagsalita.
"Uwi na ako."
"Kay Libra?"
Tumango siya bago ginulo ang buhok nito.
"Siya lang naman ang gusto kong uwian."