Libra's POV
Naiiyak na napapahid siya sa mga luha niya habang nakatingin kay Phex at Jamie na ikinakasal. Sa ilang buwan na nakalipas ay nakilala niya ang mga kaibigan ni Ares.
And Jamie became her friend, and looking at her now she was jealous. Naiinggit siya sa pagmamahal na meron si Phex para dito.
She look at Ares at napangiti nang mariin, he said he loves her pero tila lumalayo ang loob nito sa kanya. At natatakot ang puso niya.
Ares looks at her and smiled bago tumingin ulit sa kinakasal kaya napabuntong hininga nalang siya.
Ilang buwan na rin mula nang ilakad ang annulment nito at ni Olivia na bumalik na sa ibang bansa. Pero hanggang ngayon wala siyang alam sa kung ano ang resulta o kung may resulta naba ang annulment papers nang mga ito. Ares never shared any news to her at ikinalungkot niya iyon.
When the wedding is over ay hinatid siya ni Ares sa inuupahan nila ni Gemini and when they get down ay aabutin sana niya ang kamay nito nang iiwas iyon nang binata kaya gulat na napatingin siya dito.
Agad na nangilid ang luha niya nang umiwas ito nang tingin bago napabuntong hininga.
"Ayaw mo naba sakin?" She asked na ikinalingon nito.
"Libra."
"Libra ha." She said bago napaiyak na ikinagulat nito. "Kailan kaya darating ang araw na mahahawakan ko ang kamay mo sa harap ng ibang tao? Yung maipagmamalaki mong ako ang hawak at kasama mo."
Lumamlam ang mga mata nito bago napahakbang palapit sa kanya.
"Mahal mo pa ba ako Ares?"
"Why are you asking like that? Ofcourse yes." He said bago siya hinila payakap. "You silly woman."
"Bat nanlalamig kana sa akin?"
Bumuntong hininga ito bago hinawakan ang mukha niya. "I love you that's for sure, but sweetheart sinusunod ko lang ang gusto mo. Diba ayaw mong may masabi ang mga tao sayo? Kaya pinipigilan ko. God knows how much I wanna hug, kiss and hold you in public but I need to respect your request. Hanggat di pa ako annul, wala akong karapatan na gawin yun sayo."
Gusto niyang batukan ang sarili dahil siya pala ang may kasalanan.
"If Only I'ved known na masasaktan ka, heck I will not gonna care sweetheart. Pero ayaw kong dagdagan ang pinuproblema mo. Sapat na yung ako lang muna ang nagtitiis sa ating dalawa."
Ngumuso siya bago tiningnan ang mga mata nito. Masuyo itong nakatitig sa kanya kaya walang pagdadalawang isip na tumingkayad siya at halikan ang labi nito na ikinagulat ni Ares.
"Mahal kita Ares."
"Really?" He said bago ngumisi na tila may naisip.
"Oo, at binabawi ko na ang sinabi ko dati. Hawakan mo kamay ko, yakapin mo ako o halikan mo man ako sa publiko ok lang. Tama ka bat ko bibigyang importansiya ang mga taong di naman ako kilala o kung ano ang totoo. Mula ngayon tayo naman. Bahala na sila sa buhay nila. Basta wala tayong inaapakan na tao sa ginagawa natin, go lang tayo." She said na ikinatawa nito.
"You know sweetheart, I have plans for this but damned bukas pa sana to kaya lang di na ako makapag hintay pa." He said at sa gulat niya ay kumalas ito sa yakap niya bago lumuhod sa harap niya.
"A-ares!"
Ngumiti ito bago tumingala sa kanya.
"As of this moment, Me Ares Montenegro is legally single. This was supposed to be my surprise to you, na kaninang umaga the lawyer called and said that the court approved the annulment between me and Olivia. And now on my first day of being single ,here I am kneeling infront of you asking you to please marry me. This time with a ring in my hand, so please say yes?"
Sabi nito sabay angat nang kamay nitong may maliit na kahit kung saan nakalagay ang isang magandang singsing.
"Sweetheart."
Tumango siya habang umiiyak and before he could say something ay yumuko na siya para sakupin ang labi nito para bigyan ito nang halik na siyang sagot sa proposal nito sa kanya.