Chapter 13

1.1K 29 2
                                    

Libra's POV

Naiiyak na nakatitig siya kay Ares na may kayakap na babae. Parehong may ngiti ang mga ito sa labi. Halos ramdam niya ang sakit sa puso niya ng makita kung gaano kasuyo ang tingin ni Ares sa babae at ang malala ay malambing pa nitong hinalikan sa buhok ang babaeng kayakap nito.

"Fck who is she?"

Napabaling siya kay Olivia na di niya naramdaman na nasa likuran niya.

"Are you ok? Let's go." Sabi nito at hinila siya papasok sa kotse nito.

Di na siya nahiyang umiyak sa harap nito nang makapasok siya sa sasakyan.

"Sorry, diko naman alam na yun ang maabutan mo." Sensiro nitong sabi.

"Huli na ata ako." Sabi niya.

"Oa. Sabi mo mahal ka ni Ares diba? Di ka agad mapapalitan nun."

"Eh sino yung babae?"

"Diko alam."

"Nakita mo naman kong gaano kasuyo ang tingin ng asawa mo sa babaeng yun." She said.

"Excuse me, soon to be ex-asawa. At yun lang baka nga napalitan kana."

"Olivia!!!"

Tumawa ito kaya napatitig siya sa mukha nito.

Akala niya tulad ng ibang paghaharap ng asawa sa babaeng mahal ng asawa ay sasabunutan siya nito at pagsasalitaan ng masama. Pero kabaliktaran nun ang nangyari.

Olivia came to her to asked help with her situation with Ares. Wala itong pakialam kung siya ang babaeng mahal nito dahil di naman daw nito mahal si Ares at may asawa itong iba.

Oo nag asawa ito sa america at kaya ito bumalik sa pinas dahil natanggap nito ang Sulat mula sa korte. At nagkakagulo na ito at ang asawa nitong italyano dahil nalaman ng lalaki na kasado ito sa pinas.

And she asked her help dahil isa sa rason ni Ares sa pagpapawalang bisa ng kasal ay bigamy. Yun bang nagpakasal sa iba kahit may asawa na. At pag nafile ni  Ares yun sa korte at umabot sa hearing ay malaki ang posibilidad na makulong si Olivia.

Nag file din ito ng annulment pero hinaharang ng pamilya nito ang mga pinile nito. Kaya ngayon hihingi na ito kay ares ng tulong. Kahit naman daw kasi mag asawa sila eh di naman talaga sila nag sama bilang mag asawa inshort di nila talaga kilala ang isat isa maliban sa mukha at pangalan. Ni di nga daw nag sama sa iisang bahay ang dalawa pagkatapos makasal dahil agad umalis si Olivia.

And now she is the only person na makakatulong dito. Pero sa nakita niya paano niya ito tutulungan?

Masakit sa puso ang nakita niya, yes Ares said he loves her at Malambing din ito pero hindi siya nito tiningnan ng ganun kasuyo. And he did it to that woman.

"Please don't backdown Libra, I need you to help me. Ayaw kong makulong." Nakikiusap nitong sabi.

"Pero..."

Bumuntong hininga ito bago hinawakan ang kamay niya.

"Mahal mo siya diba?"

Tumango siya.

Ngumiti ito bago hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Pwes ipaglaban mo. Sinabi niyang mahal ka niya diba? Gamitin mo yun."

"Pero yung babae.."

"Di natin alam kung sino at ano siya ni Ares, let's not jump into conclusion yet. Malay mo..."

Napatigil ito ng tingnan niya ito nang masama. Olivia sighed bago tumingin sa labas para lang mapasinghap kaya tumingin din siya sa tinitingnan nito at gaya niya gulat ang namutawi sa labi niya sa nakita.

Ares is looking at them directly. Nakalimutan niyang di pala tinted ang salamin sa kotse at kitang kita sila sa loob.

"Ares."

In A Messed-Up Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon