Libra's POV
Nagising siya sa mga mumunting halik sa balikat niya. Nang tingnan niya kung sino ang may sala ay mukha agad ni Ares ang nakita niya.
"Bat dito ka natutulog?" Mahina nitong sabi kaya napabangon siya bago inilibot a morning ang tingin.
Nasa isang guest room siya. She look at Ares again bago nagsalita.
"Bat ka andito? Akala ko ba di ka dito matutulog?" Tanong niya.
Ganun nalang ang gulat niya nang yumakap ito sa bewang niya at isinubsob ang mukha sa tiyan niya.
"I'm sorry sweetheart."
"Ares."
Humigpit ang yakap nito sa kanya bago nagsalita ulit. "Sorry for hurting you and making you cry."
Nagtatampo siya at oo nasaktan siya kanina pero sa pinapakita nitong lambing at sensiridad na mababakas sa boses nito ay tinunaw nun ang tampo na nararamdaman niya.
"Ok lang." sabi niya bago hinaplos ang buhok nito.
Humiwalay ito sa kanya bago tumayo at ganun nalang ang gulat niya nang bigla siya nitong kinarga kaya agad siyang napayakap dito.
"Saan mo ako dadalhin?" Nagtataka niyang tanong nang bumaba ito sa first floor ng bahay habang karga karga siya.
"May surpresa ako." Nakangiti nitong sabi.
"Baba mo ako."
"Later sweetheart, I love carrying you." He said kaya napahinga siya nang malalim at yumakap nalang dito.
When they reach the back part of the house ay binaba siya nito bago binuksan ang pinto. When she step out ay agad siya napatigil dahil sa nakita hardin.
May mga ilaw iyon pero ang nagpapatda sa kanya ay ang malaking kumot sa gitna nun na may mga talulot nang rosas sa ibabaw nun.
"Ano to?" She asked Ares pero ngumiti lang ito bago siya hinila palakad.
When they reached the middle ay doon niya nakita ang isang bouquet nang rosas na nakalapag sa kumot.
"Ares?"
"Maganda ba?" Tanong nito at hindi niya mawari bat may bakas nang kaba ang itsura nito.
Tumango siya bago bumaling dito. "Bat may ganito? Sa gabi talaga?"
Napakamot ito sa noo bago ngumiti. " I'm sorry." He said. "Sorry kanina, god knows how much I wanna hold your hand kanina sa mall pero hindi pa pwede sweetheart."
Napakunot noo siya. Ares look at her in the eyes bago hinaplos ang pisngi niya.
"Mahal kita." He said na nagpagulat sa buo niyang sistema. "Hindi ko alam kung paano nangyari, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pero nagising nalang ako isang araw na ikaw na nagmamay ari nito." He said bago lagay nang kamay niya sa dibdib nito at ikinagulat niya ang lakas ng tibok nang puso ng binata.
"I moved here dahil gusto kitang kasama lagi, gusto kong makita ka lagi. At gustong uwian ka. From the very beginning we just don't have a Fcking relationship, for me its more than that." He said bago ito huminga ng malalim habang nangingilid naman ang mga luha niya.
"I love you Libra. With all that I am."
"A-ares." Nanginginig niyang sabi pero umiling ito.
"Mahal kita pero hindi pa pwede." He said kaya natigilan siya. Kita niya ang panginginig nito at takot sa mga mata bago nagsalita ng mga salitang ikakaguho nang mundo niya.
"Kasal ako, may asawa akong tao."
——————-
Ares POVAgad niyang naikuyom ang kamao nang bawain ni Libra ang kamay na hawak niya. Gusto niyang saktan ang sarili dahil sa sakit na nakabalot sa mga mata nito.
He was expecting her to turn around pero nakita niya itong huminga ng malalim nang paulit ulit at ang pagpahid nito nang mga luha ng paulit ulit.
He'd never seen a broken woman other than Jamie pero looking at Libra now halos pangapusan siya ng hininga dahil sa emosyong kitang kita sa buo nitong itsura.
"S-sweetheart." Mahinang tawag niya ng mapaupo ito at sabay takip sa mukha na humagulgol sa mga palad nito.
Gusto niya itong hawakan o yakapin pero natatakot siya. Oo natatakot siya.
Umupo siya sa harap nito at nangilid ang mga luhang tinitigan ito. It took her few minutes bago ito kumalma at tiningnan siya.
"S-so all this time kabit ako?" Mahina nitong tanong.
Sasagot sana siya nang magbaba ito ng tingin.
"Alam mo bang mahal kita Ares." She said bago tumingin sa mga mata niya.
"Sweetheart."
Umiling ito at nagtuluan na naman ang mga luha nito. "Pero mali ang pagmamahal na meron ako sayo. Mali ang pagmamahal na meron tayo."
"Kung sana, sana alam ko sa simula pa lang na may asawa ka, kahit nung unang pagkikita di ako papatol sayo. Kahit gaano kalaki ang ibayad mo di ako magpapagalaw sayo. Ang daming sana sa utak ko ngayon Ares. Pero huli na, subrang huli na." Umiiyak nitong sabi.
"I'm sorry."
"Asan siya?"
"I-i dont know." He said bago hinawakan ang mukha nito. "Look listen to me first. Alam ko hindi mo gusto to, pero makinig ka muna." He said almost begging.
Libra didn't answer pero sapat na ang di nito paglayo sa kanya para magpatuloy siya sa pagsasalita.
"Mahal kita, atleast yan ang totoo. Yes kasal ako, pero hindi kami nagsama ng asawa ko. We meet on our wedding day, then the next day she bid goodbye at yun ang dalawang beses na nakita ko siya. The last time I've heard ay nasa ibang bansa siya but this few months may inutusan siyang tao na sundan ako. I've been married to her for 8 years now and it was just last year nung mamatay ang lolo ko tsaka ako nagkaroon ng kalayaan na magfile ng annulment."
"Ayaw ng lolo ko na mapa walang bisa ang kasal namin dahil sa negosyo. But his dead now at dun ko lang na pursue na ipagpatuloy ang pagwawalang bisa ng kasal namin. I was not planning to be in a relationship hanggat di napapawalang bisa ang kasal at hanggat di ako malayo but then you came. And my plan changes. Ayaw kitang bitiwan kaya itinago kita dito. Oo itinago kita dito."
Napakurap kurap ito kaya hinaplos niya ang pisngi nito.
"I didn't lie sweetheart, hindi ko lang sinabi dahil natatakot ako. But then one person said if I love you then I need to come out clean dahil deserve mo yun. So here I am telling you my deepest secret."
"M-mali to. Mali tayo."
Agad na nanghina siya sa sinabi nito.
"Aalis kami ni Gemini dito."
"Libra."
"Ayaw kong maging kabit."
"Fck you are not sweetheart."
Umiling ito bago ibinaba ang kamay niya na nakahawak sa mukha nito.
"Hanggat kasal ka, kabit ang magiging labas ko. Mahal kita Ares pero alam ko ang mali at tama. At ito kahit saang ang gulo mo tingnan, mali to subrang mali. Hindi rason na mahal natin ang isat isa para magsama tayo gayong tali ka sa iba. Maling mali." She said bago ito tumayo at iniwan siya.
And that's the last time he saw her.