Epilogue

1.9K 56 6
                                    

Ares POV

"I love my life."

Napatingin siya sa asawa at napangiti nang makita ang saya sa mukha nito. He comes to her bago ito niyakap mula sa likuran.

"I love my wife." Bulong niya bago hinalikan ang leeg nito.

"Bola."

"You know damn well that its not bola sweetheart." He said bago hinaplos ang may kalakihan na nitong tiyan. "Here's my evidence." He said na ikinatawa nito.

"I love you too Ares, to the moon and back." Malambing nitong sabi bago humilig sa kanya.

Nasa balkonahe sila sa penthouse ni Jiro na ngayon lang nakauwi sa pinas kasama ang tatlo pa na sina  Lanz, Kurt at JohnPaul o mas kilala bilang JP. Mga kabarkada din nilang nakabase sa amerika at napag desisyonang manatili na dito sa pinas.

"Are you happy sweetheart?" Tanong niya bago humigpit ang yakap dito.

"Very." Mahina nitong sabi bago siya nilingon at nginitian. "Nasabi ko na bang ikaw ang katuparan sa mga pangarap ko?" She asked kaya umiling siya.

"Nung bata pa ako, pinangarap ko to. Ang magandang buhay, maraming kaibigan, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may magandang bahay na tinitirhan. Pero higit sa lahat, may lalaking magmamahal sa akin at mamahalin ko rin at ako ay kanyang aasawahin." She said bago tumingin sa langit.

"I grow up in a messed up life Ares, kabit lang si mama ng papa ko. May mga time na andun siya sa amin pero kadalasan wala. Eight ako nun nang tumigil na siya sa kakadalaw sa amin hanggang sa mawala si mama at maiwan akong mag isa sa mundo, wala na akong balita sa papa ko. Kaya pag tinatanong ako lagi kung asan magulang ko sinasabi kong patay na pareho. But their situation thought me a lesson." Sabi nito bago siya sinulyapan ulit.

"A lesson na pang moral at para sa sarili. Kaya nung nalaman kong may asawa ka, lumayo ako kahit pa mahal na mahal kita. Ayaw kong maging kagaya ni mama, I've seen her cry silently. I've seen her suffer dahil sa sitwasyon niya. Then before she died sinabi niya sakin na kung may isa man akong gagawin na ikakasaya niya, yun ay ang wag siyang tularan. Kaya sorry kung nagtiis ka, kung akala mo mas importante ang sasabihin ng mga tao kesa sayo."

She turn around and face him. "Pero alam mo, sa isip ko habang magkalayo tayo. Ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko kahit di man tayo magkatuluyan sa huli. That's why I'm so blessed right now in this lifetime with you Ares. God blessed me with a wonderful man and that is you." She said bago siya niyakap na ikinapikit niya.

Posible pala, ang mahulog lalo sa taong mahal mo. What libra just said makes him love her more.

Alam niya na nagsisimula palang sila sa buhay nilang mag asawa, pero pipilitin niyang mapasaya at pangalagaan ang pamilya niya kasama ito dahil gaya ni Libra ito din ang pangarap niya.

"I love you sweetheart." Mahinang bulong niya bago hinawakan ang mukha nito. "Mahal na mahal." He said before sealing his promise of love with a kiss.

This Ares Montenegro and this is my story.

The END

"Hindi rason ang PAGMAMAHAL NA NARARAMDAMAN, para manira nang pamilya. Wag mong piliing maging kabit, kung deserve mo naman ang lalaking walang sabit."

————————-####——————
And it's done. Hahaha shortstory lang talaga to. But anyway hope you enjoy it.

Thanks for reaching this part. Love lots

Jes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In A Messed-Up Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon