Chapter 50

16.4K 53 22
                                    

Kumaway sila Ynna kay Julie, pinapalapit sya ng table nila na malapit sa stage ng bar. Kinakabahan talaga syang pumunta dito ngayon. It’s been days since that night with Elmo happened.

“Aga a” puna ni Diva sa kanya.

“Maagang pinalabas sa office e” sagot nya. Pero ang totoo inagahan nya talagang matapos, gusto nya kasing mauna kay Elmo na dumating.

“San na daw si Moe?” tanong ni Steven. Lagi nmn talaga ang tanungan when it comes to Elmo.

Ngumiti at umiling lang si Julie. Malay nya ba, since that night wala na syang communication kay Elmo. Except nung ni-reply-an sya nito .*So sorry Japs. I just don’t wanna talk until you have finally decided whom to choose.* after that wala na.

“LQ?” innocent question from Ynna. Pero ang bigat ng pakiramdam dun ni Julie. Parang totoo kasi.

“Tawagan mo nga” request uli ni Steven. “Tagal talaga nun. Tsk”

Iniisip nya kung tatawagan nya ba o hindi. Sigurado nmn hindi sya sasagutin nun. Pero parang nakatingin na sa kanya si Steven. Hinihintay na tawagan nga nya.

“Hello Moe. Where are you?” si Rocco. Paglingon nya dito kausap na si Elmo sa phone. Nagpasalamat sya dito sa loob loob nya. “Okay, okay” naririnig nyang sabi uli nito.

‘Buti pa si Rocco nakakausap si Elmo’ naiinggit sa sabi sa sarili nya.

“Sige.  Julie’s here na pala” siningit talaga ni Rocco yun kasi alam nya yung sitwasyon nila ngayon.

‘Naku Rocco bakit mo sinabi kay Elmo. Baka hindi na tumuloy yan’ naiinis na sabi ni Julie sa loob loob nya.

Iniisip ni Julie kung anong gagawin mamaya pagdating ni Elmo. ‘Di kaya isipin nun desperado ako?’ ‘Pansinin kaya nya ko?’ ‘Gwapo  pa rin ----------‘

“Moe” sigaw ni Steven habang kumakaway pa sa may likuran nya.

Kinakabahan syang  lumungon sa likuran nya. Pero paglingon nya, ayun, si Elmo. ‘Ang gwapo pa rin nya’ unang pumasok sa isip ni Julie. Saka nya naramdaman ang sobrang pagka-miss sa binata. She just wanna grab him tapos stay in that hugging position for a while.

Nginitian sya ni Elmo. Ahhhwwww. She miss that smile too, nginitian nya rin ‘to. But her smile turns to a bitter jealous sad frown nung nakita nya kung sino yung kasabay nito.

“Bakit si Liv kasabay mo, hindi si Julie?” tanong ni Sef. Nang-aasar pero nagtataka din.

Yung kaba at saya nung nakita si Elmo napalitan ng inggit at selos at ka-bitter-an. Parang nanlumo sya dun. Gusto nya rin itanong yung tanong ni Sef.

“Nagkasalubong kasi kami sa may village kanina” si Liv yung sumagot.

“Village? Bakit ka nasa village nila Moe? May kakilala ka dun?” curious na tanong ni Sef. “Ay, LQ talaga?” dagdag pa nung dinaanan lang ni Elmo si Julie tapos sa tabi ni Rocco naupo. Si Liv nmn umupo sa tabi ni Elmo.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon