“Can’t get enough of each other?” biro ni Rochelle kay Alden at Julie naka-trabaho nila. “Pero, infair kinikilig ako sa inyo. Kayo na ba?” with matching gesture na kinikilig pa.
Nasa veranda sila ng room nila Julie, and it’s their second night at Singapore. At madalas talagang di magkahiwalay ang dalawa.
“Ate talaga” nahihiyang sagot ni Julie. After nyang sagutin ang binata naging mas touchy si Alden, panay sa bewang ang hawak sa kanya. Pero yung hindi sweet way. ‘Bakit parang may pagka ano yung hawak ni Den…….iba yung kay Moe e……I guess it’s normal’ isip ni Julie. ‘Boyfriend ko nmn na sya’
“Kilig much nmn ako sa inyo” banat uli ni Rochelle. “Simula kasi ng pagpunta sa Singapore hindi pa kayo naghihiwalay. Hahaha. Kayo hah, baka nmn magka-Singapore baby nyan”
“Hahaha.” Umiiling na sagot ni Alden ”Thanks Ate” natutuwa at kinikilig na sagot ni Alden. Natawa nmn si Julie sa reaksyon ng nobyo, sya pa ang kinilig imbes ang babae.
“Hala Ate,baby agad agad?” sagot nya. ‘Pano maghihiwalay panay sunod ng lalaking ‘to sakin’ medyo asar na natatawang isip ni Julie. ‘Hindi nga ko makapag-isa kahit gusto ko e. Haayyyy’
“Sige iwan ko na kayo. Baka nakakaistorbo na ko e” paalam ni Rochelle.
After umalis. “I love you” tapos binigyan ng halik sa pisnge si Julie. Hindi nmn alam ni Julie ang gagawin. Hindi rin alam ang nararamdaman, she’s not happy nor sad sa ginawa ng nobyo nya. Iniisip nya kung bakit, sa pag-iisip napansin na lang nyang lumalapit nnmn si Alden sa kanya.
‘Oh em. Is he about to’ malapit na ang labi ni Alden sa labi nya. “Ahhhmmm” bigla nyang tinulak si Alden, napalakas. “Sorry, sorry” nahulog tuloy sa upuan.
“Hahaha. It’s okay” natatawang nakahiga sa sahig ang binata. Inabot ni Julie ang kamay kay Alden para tulungan ‘to.
“Aaaahhhh” tili ng dalaga dahil imbes tumayo, hinila sya ni Alden at napahiga rin sa sahig. “Hahahhaha….Den.. Stop,, haha!” tawang tawa si Julie dahil sa kinikiliti sya ni Alden.
“Yan, yan ang napapala ng makulet” todo pagkiliti pa rin kay Julie.
“Please…sttooo…hahaha” ang sakit na ng tyan nya katatawa “Dennn.. Stopppp”
Tumigil din sa wakas. Yung buhok nya ngayon sobrang gulo, pero nakangiti silang dalawa. Pinalo nya ng mahina si Alden sa braso habang tumatawa pa rin silang dalawa. Umayos na ng upo si Alden at tinulungan si Julie para maka-upo din.
“Tsk. Muka ka nang bruha” sabay ayos ni Alden sa buhok ni Julie na nagulo dahil sa landian nila.
“Ikaaaawww kassiiiii” kinurot ang magkabilang pisnge at naggigigil. Sa totoo lang hindi pa sya ganun ka-komportable sa binata, pero araw-araw silang nagiging mas malapit sa isa’t-isa.
“Arraaayy kooo” kunware nasasaktan. “Yan. Maganda ka na uli” pagkatapos maayos ang buhok nito. “Patingin nga” hinawakan ang baba ni Julie at inangat ang mukha. “Ganda ng girlfriend ko talaga” proud na sabi nito. Nilabas pa ang dimple, obvious na pa-cute.

BINABASA MO ANG
One Night Stand - Unfold
FanfictionMeron bang one night stand na ginagawa ng higit pa sa isa, dalawa, tatlo at marami pang beses?! And here I go again......with her. I guess she's #MyFavoriteOneNightStand. The beginning!