Chapter 11

20.9K 68 0
                                    

Hindi  alam ni Julie kung tama bang dito nya pinatulog si Elmo, para kasing lalo syang hindi makakatulog nito. Natatakot sya sa sobrang dilim kaya nya naisip na dito patulugin si Elmo, pero bakit ganun?! Parang nagsisisi  sya sa desisyon nya.

 ‘Stop it Elmo’ ‘Ano ka ba? Si Julie yan’ ‘Teka teka teka, wag yan isipin mo’ paulit-ulit na suway ni Elmo sa sarili nya. Ilang hakbang lang kasi ang layo ng kwarto ni Julie kung saan sya nakahiga ngayon. Sa sofa nagprisintang matulog si Elmo at humingi na lang ng unan at kumot. Kahit pagod ang katawan hindi sya makatulog, at kahit anong gawin pilit na sinasagi sa isip nya nung unang gabi nya sa unit ni Julie. ‘Elmo please stop’ suway na naman nya sa sarili.

Lahat ng pwedeng magawa ginawa na ni Elmo para ma-distract sa pag iisip kay Julie. Pinalitan nya lahat ng name sa phonebook nya. ‘Maxx’ to ‘Ang maPR kong ate’ ‘Frank’ to ‘Frenkkkk’ ‘Arkin’ to ‘Barq’ ‘Julie’ to----- hindi alam ni Elmo kung anong ipapalit sa pangalan ni Julie pero napapangiti ngiti sya sa mga naiisip nya. Maya maya may nag text sa kanya. Si Julie tinatanong kung gising pa sya. Magrereply na sya nung biglang tinawagan na sya nito.

*Convo*

“Moe?”

“Oh?””

“Gising ka pa?”

“Ahmmmm… Tulog na ko??!” tanong na sagot ni Elmo

“Tsk! Punta ko dyan ah. Natatakot ako dito eh. Sobrang dilim lang. Kahit yata liwanag ng bwan wala”

“Woshuuu.. Miss mo ko no? Kunyari pa sya”

“Kapal”

Narinig na ni Elmo na naglalakad si Julie at mayamaya ay naaninag nya na to na lumabas sa kwarto dahil sa liwanag ng bwan, binaba nya na ang telepona at umupo sa sofa. Nginitian nya si Julie kahit na hindi nya alam kung makikita ba to ng dalaga.

“Grabe sobrang dilim” sabi ni Julie at tumabi sa kanya

“Hindi naman. Sakto lang” sagot naman ni Elmo

“Anong sakto lang. Wala na nga akong makita eh”

“Haha! Malabo na mata mo”

“Excuse me, sino kayang hindi mabasa ang mga menu sa fastfoods dahil sa labo ng mata?”

“That was one time”

“Yeah, one time kasi nung mga sumuod may glasses ka na eh”

“Atleat malinaw mata ko sa dilim. May night vision ako eh”

“Sige nga! Describe how do I look?” sinakyan ni Julie ang biro ni Elmo pero si Elmo talagang nadala at tinitigan si Julie.

Naaaninag nya ang kagandahan ng mukha ni Julie. Yung matangos na ilong na parang masarap i-nose to nose, yung mga mata na pagtinitingnan sya parang gusto nyang mag blush, tapos yung…..yung…yung labi na parang inaakit sya at gustong magpahalik sa kanya. ‘O gusto mo lang halikan’ isip nya. Gustong gusto nang halikan ni Elmo si Julie. Actually lagi naman eh, lagi nyang iniisip na gusto nyang halikan si Julie. Pero ngayon iba eh, hindi lang gusto. As in gustong gustong gusto.

“Wala ka naman palang masabi eh. Wala kang night vision” natigilan sya sa pag iisip sa sinabi ni Julie.

Nginitian nya lang to “Oh ano nang ginagawa mo dito?”

“Bahay ko to bakit?”

“Ganun? Sige alis na ko” at biglang tumayo si Elmo hinawakan naman ni Julie ang kamay nya para pigilan

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon