“Bro na-hold-up ka ba? Bakit lahat naman nawawala sayo?” Sabi ni Frank habang kumakain sila ni Elmo sa resto.
“Nope. Just forgot my wallet in a friend’s house” Sagot naman ni Elmo.
Sinundo ni Frank si Elmo sa police station dahil nahuli sa over speeding at wala pang license. Ngayon naman sya ang magbabayad sa lahat ng order nila.
“Get it na. Andun lahat ng kailangan mo eh” Sabi ni Frank habang kumukuha uli ng food.
Tumango tango lang si Elmo. Sa totoo lang kanina pa gustong kunin ni Elmo, kaya lang naaawa at nahihiya sya sa babae. Naisip nya palipasin muna ang ilang araw or kahit one week hindi naman nya siguro kakailangan to agad. Kaya lang, mali sya.
.
,
Walang magawa si Elmo ngayong araw. Wala sila Sef at Steven, hangover. Si Kris busy kay Joyce. Ang kuya at mga ate may work. Wala din syang girlfriend. ‘Hay! Ano bang gagawin ko?!’ isip ni Elmo. Naiisip na naman nya yung babae. Paano pala pag nagkabunga yung kagabe?
.
.
.
Lagi pa rin naiisip ni Julie yung nangyari. Gusto nyang may gawin para ma side track sya. Kaya lang ang sakit ng katawan nya. Tiningnan nya yung wallet.
Sa loob loob ni Julie alam nyang malaki din kasalanan nya. Natuwa at nagwapuhan kasi sya kay Elmo nung alalayan sya nito habang pagewang gewang na sya. At nang ihatid sya nito sa unit nya na hindi nagte-take advantage sa kanya. Aalis na nga dapat si Elmo eh. Kaya lang kasi si Julie…….
Biglang nag ring ang phone nya. Si Maqui, BFF nya. “Thank God” bungad ni Maq” Kamusta? Nalasing ka daw kagabi” malakas na boses ng kaibigan.
May sakit si Maq kaya hindi sya nasamahan. Sila Ynna at Diva naman may hinahabol na due date.
“Medyo” sagot ni Julie.
“Medyo? Sabi ni Marc hindi ka na diretsyo maglakad. Tapos bigla ka nawala. What happened?” tanong uli ni Maqui
Si Marc friend nilang manager sa bar. “Umuwi na ko. Medyo tinamaan na eh” palusot ni Julie. Next time nya na sasabihin kay Maqui ang totoo.
“Huh?! Paano ka nag drive? Wala ka bang nabangga?” at kung anu-ano pang inusisa ng kaibigan habang sumasakit na ang utak ni Julie sa mga palusot nya. “Okay sige. Wag na iinum mag isa friend huh?! Bye ingat” paalam ni Maqui before ibaba ang telepono.
Sumasakit pa ang utak ni Julie ng tumunog uli ang phone nya. Tinignan nya ang screen. Bwisit Ka’s calling.

BINABASA MO ANG
One Night Stand - Unfold
FanfictionMeron bang one night stand na ginagawa ng higit pa sa isa, dalawa, tatlo at marami pang beses?! And here I go again......with her. I guess she's #MyFavoriteOneNightStand. The beginning!