Chapter 9

21.6K 75 1
                                    

“Eh kung sapukin kita. Dinadaya mo ko eh” sabi ni Julie habang nakabasungot ang mukha at naka Indian sit

“Haha! Come on! Sige? Pano kita madadaya?” nakangiting sabi ni Elmo

Nasa bahay sila ng Magalona ngayon. Nag lalaro ng playstation, yung unang version, yung joystick na may wire pa. Napadalas kasi ang pagyayaya ni Tita Alice ay Elmo after nung lunch out nila. Tapos madalas ding nagkikita by incident sila Julie at Elmo sa malls and resto and one time sa bar kung saan may gig sila Elmo kaya naman naging madalas din silang magkatext. Tapos one time walang makasama si Julie bumili ng damit nagprisinta naman si Elmo, at yun na.

“Grrr.. Ayoko na!” at binitawan ni Julie ang joystick

“Haha! Talo ka pala ee. See, kahit anong version pa ng playstation at teken ang laruin natin loser ka! Nyahaha!” pang aasar ni Elmo

“Tsk!” tumayo na si Julie at binitbit na ang bag habang paalis na entertainment room

Where are you going?” tumayo rin si Elmo at sinundan si Julie “Hey, you lose. Talo ka sa bet.”  At humarang sa pinto

“What bet?” habang pilit pinapaalis si Elmo sa pinto “Eeeehh. Alis dyan. May lakad pa ko”  pero hindi umalis si Elmo

Nakangiti lang si Elmo, habang si Julie nakabasungot

“Maduga ka. May deal tayo eh!” sabi uli ni Elmo

Buntong hininga “Okay, okay. Anong ipapagawa mo sakin?” Tanong ni Julie, pero before pa magsalita si Elmo “I won’t do that, whatever that is, today. May gagawin ako”

Nag isip muna si Elmo “Okay, anung gagawin mo?”

Nagkunot noo si Julie parang tinatanong kung bakit pa tinatanong ni Elmo kung ano mang gagawin nya. Nabasa naman ni Elmo ang utak ni Julie

“Sige, sasamahan na lang kita kung ano man yang gagawin mo”

“May kasama na ko”

“Huh?! Sino?”

“Paki mo…Alis” at tinulak paalis sa pinto si Elmo, this time natulak nya na to

“Teka teka. Yung deal.” Habol ni Elmo

“Okay sige anong yun?”

“Samahan mo naman akong bumili ng mga new clothing sa Saturday. Paulit ulit na kasi yung suot ko ee”

Tumaas ang kilay ni Julie “Bakit ako pa?” tanong nya. Syempre madami namang kaibigan si Elmo bakit nga ba sya pa?

“Ah, sige iibahin ko. Ano na lang……”

“Dejokelang. Anong oras ba?” agad bawi ni Julie dahil baka hirapan pa ni Elmo ang ipagawa.

“2 pm. Sunduin kita sa……”

“Nope. I’ll go here na lang. Sige na bye bye.” Kahit na close na sila as much as possible ayaw pa rin ni Julie papuntahin si Elmo sa unit nya. At umalis na nga si Julie sa entertainment room. Bago sya tuluyang nakaalis sa bahay syempre nadaanan nya ang living room kung saan andun sila Maxx at Saab. Konti chika at gora na sya.

.

.

“Sorry, sorry late ba ko?” tanong ni Julie kay Sam  na nakatayo sa labas ng resto na kakainan nila.

One Night Stand - UnfoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon