CHAPTER 2

334 16 0
                                    

"Nag-panic attack ka ulit daw noong isang araw?"

"O-oo."

"Kailan pa 'yan?" Kiko asked habang kinukuha niya ako ng tubig.

"I-i don't know. But I feel this every night, Kiko." I sighed.

4 days ago na pero nanghihina pa rin ako. Dinala ako sa hospital nina Sinta at Issa dahil nakita na lang nila ako nakahandusay na sa lapag.

Biglang nanahimik si Kiko at may tine-text sa phone niya.

"Nasaan si Jared?" he asked.

"Nagkaroon kasi kami ng initan dahil do'n sa hinihingi niyo sa akin. Kaya umuwi siya after niya akong ihatid sa bahay."

"I'm sorry, Risa. Kasalanan ko ba't ka inatake tuloy, sorry. It will never happen again," naupo si Kiko sa harapan ko. We are at the coffee shop outside the senate.

"Okay lang, Kiko. May gano'n na gabi lang talaga ako. But, can I ask something, Kiko?"

"Ano 'yon?"

"Kumusta na 'yong pagco-convince niyo kay Leni?"

"Well, sumuko na liberal. Hindi na nila cinonvince si Leni. Pero pangako niya tutulong siya sa pangangampanya."

Uuwi siya? Gusto ko man ma-excite na muli ko siyang makikita but I know hindi rin naman niya siguro gugustuhin na makita pa ako.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang marinig ito.

My phone beep and I saw my staff message.

"Ma'am okay na po 'yong sasakyan. Aalis na po tayo." - Staff.

"Oh? Kiko, I'm sorry but I have to go na rin. Pupunta kasi kami Dinagat for a program na nagawa namin. And I need to be there. Maybe next time na lang tayo mag-usap."

"Yes sure! Ingat ka sabi ni Le- I mean sabi ng Lemon juice ko," sabay pakita naman sa akin ng lemon juice na order niya kaya natawa ako.

"Really? Lemon juice talaga ha. Sige na, I'll see you again. Bye!" paalam ko habang nakangiti naman si Kiko sa akin.

Pero bago ako umalis sa coffee shop, nakita ko si Kiko na may biglang kinausap sa phone niya. I just ignore it, baka kanina pa may gustong kumausap sa kaniya pero hindi niya magawang i-excuse ang sarili niya dahil sa kwento ko.

***
"Thank you po, Senator Risa" a little girl said while looking at me.

"Walang anuman," ngiti ko habang hinahawakan ang buhok niya.

"Hindi niyo po kasama si Madam Leni? Namimiss na po namin siya."

My heartache again.

"Sabi niya po sa amin isasama ka niya pagbalik dito sa Dinagat," dagdag niya.

She did? She said that? Kailan? Wala siya sinasabi sa akin noon.

"Gano'n ba? Nako, busy si Madam Leni sa ibang bansa. Malay niyo, kapag bumalik siya makita niyo rin siya."

"Kasama na po kayo?"

How I wish it would be like that, my darling. Pero hindi na ata mangyayari 'yan.

"Sana magtugma na libre rin Senator Risa kapag nagpunta si Madam Leni," tugon ko habang nakangiti.

"Sana po kasama ka niya, madalas po niya kasi kayong kinukwento sa amin noong huli niyang punta."

You did that Lens? But why?

"Ano sinasabi niya?" tanong ko.

"Mahal ka po niya," bigla akong nagulat sa sinabi no'ng bata habang kinikilig naman ito.

IKAW, AKO AT ANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon