CHAPTER 15

324 18 9
                                    

Nang magising ako, si Jill na lang ang natutulog sa tabi ko. Si Leni, wala na sa kama. I looked at the clock and it's already  5 a.m. kaya bumangon na ako at lumabas sa kwarto.

Nakita ko si Tricia na nagla-laptop sa may sala.

"Good Morning, Tricia," bati ko. She just looked at me sabay inom lang ng kape at kain ng tinapay.

"Good Morning, Sen. Kain ka na muna. Mukhang hindi tayo makakaalis sa ganitong oras dahil malakas ang ulan sa labas."

"Hah? Nako, may meeting ako this morning."

"Hindi ba pwedeng mag-online?" biglang sumingit si Tricia pero hindi ako tinitignan.

"Uhmm, wait, I'll message my staff," kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinext ang staff ko.

"Pero mas maganda pa rin na physical ang meeting mo, Sen. Pasensya na," Leni said.

"No. Don't say sorry, Leni. I will wait my staff response lang."

"Ma'am okay naman po if online. Kaso, wala ka pong assistance sa online?" - Staff.

"Oo nga pala? hindi ako techy person," I face palm.

"Tita, bakit po?" Aika suddenly asked nang makababa siya.

"Good Morning, Aika. Hindi kasi kami makakauwi ng mom niyo sa Manila dahil malakas ang ulan. I have meeting this morning pa but sabi ng staff ko, okay naman na mag-online na lang ako kaso wala akong assistance sa technology," I said.

"Ako marunong. Pwede naman ako," Leni volunteered.

"Talaga lang ma ha?" Aika chuckled sabay crossed ng arms. "Trish, siya raw marunong."

"Hahaha, sige ma. Sabi mo e," Tricia laughed.

"Minsan talaga kinukwenstyon ko na kung nanay niyo ba talaga ako e?"

Sabay tawa naman naming lahat.

"Tulungan ka na lang po namin ni Patty, Tita."

"May gagawin ako, Ate. Ikaw na lang," Tricia said sabay tumayo at pumanik sa taas.

I sighed at hindi na ako nagbigay pa ng reaksyon.

"Ako na lang po tutulong sa 'yo, Tita Sen. Kuhanin ko lang po laptop ko para makapag-set up na po tayo."

"Thank you, Aika. This really means a lot. I'm really sorry talaga to disturb you."

"Hindi ka istorbo tita. Pamilya tayo diba?" Aika smiled at us.

Leni just nodded.

"Thank you," I said.

"Pamilya tayo," Leni whispered sabay talikod at tumungo sa kusina.

***
Nag-set up na si Aika habang tinutulungan siya ni Jill nang magising ito. Ako naman ay inaayos at nire-review 'yong papel sa cellphone ko na sasabihin ko para sa meeting.

"Maganda kung may lighting din si Mama Ris," Jill suggested.

"Okay lang, Jill. No need. Okay naman ang lighting niyo sa bahay," I said.

"Bet po kasi ni Jill gawing star of the Zoom ka Tita," Aika chuckled.

Natawa naman kaming tatlo.

Nang matapos nila, naupo na ako at inusod ni Aika 'yong laptop niya na malapit sa akin.

"Dito lang kami sa tabi mo po Mama para kapag may problema, mabilis mo lang po kami ma-tap," Jill said.

Tumungo naman si Aika.

"Thank you, my loves. Pasensya na talaga sa istorbo."

"No, Ma. Don't say sorry."

I smiled but suddenly noticed Leni who's leaning her arms on the doorframe.

IKAW, AKO AT ANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon