Leni's POV
"Sino 'yon, mahal?"
"Hah? Si Risa."
"Si Tita Risa?" I saw how excited Jill was when she heard that from me.
"Namimiss niya na tayo?" Nararamdaman ko 'yong pagkamiss ni Jill kay Risa. But how will I say na hindi 'yon ang sinabi niya kundi nagalit pa siya.
"May sinabi lang regarding election."
"Ah, hindi niya kami minention?"
"Jill, she's busy. Besides, hindi naman siya gano'n ka into dapat sa pamilya natin. May sarili siyang pamilya," Tricia said habang hinihiwa ang steak niya.
"Tricia, can we talk later?" I said.
"Okay."
***
"May problema ka ba kay Risa?" I asked Tricia nang kaming dalawa na lang. Tulog na si Jhoie sa kwarto, samantalang si Jill nasa kwarto ni Tricia."Wala po ma."
"Bakit parang ang init-init mo kay Risa lately?"
"Wala ma. Saka, totoo naman diba? Masyado ng into si Jill kay Sen. Risa. E, kaibigan mo lang naman siya diba?"
I sighed. "Oo. Kaibigan."
"See? Kaibigan lang. Bakit napaka-into niya kay Sen? Pwede ba nating huwag ng banggitin ang pangalan niya?"
"Tricia"
"Pwede ma?" she walked out and went to her room.
May mali talaga. At dapat ko 'yong alamin. Hindi ko pwedeng hayaan na gano'n si Tricia kay Risa.
***
When I arrived in the Philippines, marami na nangyari. Nagkita kami ni Risa sa isang shopping store pagkatapos ng 3 taon. Gano'n pa rin siya. Walang pinagbago, simple at napakaganda. Natapilok nga lang hehe. Buti nandoon ako para alalayan siya, kaya lang ang sungit. Ayaw na ayaw madikit sa akin, pati nga partner ko nabanggit niya na.I even teased her sa isang damit, and I didn't even know na susuotin niya 'yon sa dinner. I admit, she's hot. Nakita ko naman na lahat kay Risa pero ang ganda-ganda niya talaga sa paningin ko. Hindi naman nakapagtataka bakit mahal na mahal siya ni Jared diba? Binalikan pa nga.
And speaking of Jared, akala ko nagbago na siya, pero hindi. Mas inuuna niya pa rin asikasuhin sarili niya kaysa kay Risa. So, I tried to take care of her baka naman kasi magising sa katotohanan ang boyfriend niya. Hindi ko alam kung effective pero tinitignan niya lang 'yong ginagawa ko kay Risa. What if tusukin kita ng tinidor ko? 'yong girlfriend mo kailangan ng pagkain, hindi mo malutuan.
After that dinner, nanood kami sa cinema room ni Iza. Ganda na may ganito sa bahay.
"Ang ganda siguro kung may ganito sa bahay namin," bulong ko kay Jho.
"Why not? But I preferred sa mall pa rin manood, para atleast may bonding pa rin after the movie. Diba," she said. May point din naman siya.
"Sabagay."
***
Sa kalagitnaan ng panonood namin, lumabas muna kami saglit ni Jho papunta sa kusina dahil tumawag 'yong parents niya.
"Punta ka Leni sa Palawan."
"Mom, may family si Leni. She should prioritize them first sa Christmas. Magkikita naman kami sa New Year."
"Malay niyo po Tita. Nandiyaan na ako? Heheh. magkikita naman po tayo."
"Lens?" she looked at me. Ayaw na ayaw ni Jho na inuuna ko siya, palagi niyang sinasabi kasi sa akin na unahin 'yong mga bata bago 'yong relasyon namin.
BINABASA MO ANG
IKAW, AKO AT ANG MUNDO
FanfictionSa gulo ng mundo, piniling maghiwalay ng dalawang puso. Kahit ayaw, kahit labag. Ngunit paano kung magtagpo muli? Pero sa pagkakataon na ito, hindi na pwedeng pagtagpuin ang puso. Hahayaan na lang ba nilang umagos ang puso kasabay ng magulong mund...