CHAPTER 21

299 18 9
                                    

"Huh? Mamaya na tayo aalis?"

"Ma, Christmas eve na mamaya po. Gusto po sana namin salubungin ang pasko sa Batangas."

"Uhm, kids. May gusto sana akong sabihin at naka-oo na ako."

"Ano po 'yon, Ma?"

"Your tito Jared invited us to have a dinner with his family. So, I don't know kung magki-Christmas eve tayo sa Batangas."

Nagtinginan ang tatlo.

"Ah sige po, Ma," response ni Issa na ramdam ko ang lungkot sa tono niya.

"But, I will try to convince your Tito na hindi tayo makakapag-Christmas eve kasama nila."

"Talaga ma?" tuwang tanong ni Sinta.

"Oo naman. Alam ko naman na special sa inyo ang Batangas at gusto niyo ro'n mag-celebrate."

"Thank you, Mom!" sabay akap ng tatlo kong anak. "You're the best. And definitely, magiging masaya ka po after Christmas."

"Really? Bakit may hinanda ba kayo special number sa akin?" I asked then chuckled.

"You'll see, Mama," Issa said then kissed my forehead.

To feel my children's love. Wala ng tatalo pa.

Pagkatapos namin kumain ay nagkaniya-kaniya na 'yong tatlo sa mga ginagawa nila. Habang ako naman inaayos 'yong gamit ko para sa Batangas. Then suddenly my phone rings, si Jill.

"Hi Mama!" bati nito agad sa kabilang linya. "Ma, I'm really sorry po kung nagkaroon ng biglaang plano. Si Mama po kasi mukhang mas mauunang umalis po  next week dahil mag-start na rin po siya mag-ayos ng module for the next semester next year. Kaya sulitin lang po namin for now."

Aalis na pala siya. She really stayed there for good. Akala ko mananatili na siya rito especially that Jhoie is here.

"Ma? Are you there?"

"Ah, yeah. I'm sorry and it's okay, Jill. No worries. Do it for your mama."

"We can celebrate naman po soon," she giggled.

"Yes of course, mag-iingat kayo ha."

"Opo."

"Just tell your mom..."

I gulped. Mabigat pa rin palang aalis siya ulit. Mabigat na hindi ko ulit makikita at hindi ko alam kung ilang taon na naman bago kami magkasama at pati ng mga bata. Ang dalang ko rin makita si Aika dahil busy ito sa trabaho and ilang months na lang ga-graduate na si Trish and I'm sure magiging busy na rin siya sa pagiging doctor, while Jill works for good na rin sa New York.

Sayang lang na naudlot, pero, mahirap din muna kaming magsama ni Leni sa mga panahon na 'to dahil kay Jared.

"Merry Christmas and to you three."

"Thank you, Ma. Hope you can say that in front of Mama who's packing her things right now," she chuckled.

"I hope so."

"I love you, Mama Risa."

"I love you, my Jillian Therese."

And the moment I hang up her, tumulo na ang luha ko.

Nakita ko pa 'yong box na bigay ni Leni.

"Nawalan man 'yong relasyon natin, pero hindi ko hahayaang mabaon sa lupa lahat ng alaala natin because it took me a lot of courage before to finally tells myself na mahal na mahal kita."

Pinunasan ko 'yong luha ko at ngumiti nang maalala ko 'yong sinabi ni Leni.

"Hindi ko rin hahayaang mabaon sa limot ang mga alaalang nabuo natin, Leni."

IKAW, AKO AT ANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon