CHAPTER 6

308 16 17
                                    

"Uy, Risa," bigla kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakapatong nito sa lamesa ko.

"Sen. Loren? Do you need anything?"

"Kakain kami sa labas nila Pia, sama ka."

Tinignan ko 'yong orasan, 10 p.m. na pala.
Nakatulog pala ako habang nakayuko.

"Saan kayo kakain?"

"Do'n sa restaurant na alam daw ni Pia. Tara na, kanina pa tayo nagta-talk sa session. Kumain muna tayo kahit saglit."

I stood up, get my bag and jacket. "Tara," I said.

"Yes!" sabay akbay naman ni Loren sa akin.

***
"Ang chismosa, Loren," Pia chuckled. "Ang dami mong sinasabi. Pero ano nga? Tapos? Tapos?"

Natatawa naman ako sa dalawang 'to dahil pinag-uusapan nila 'yong nagpaparamdam na guy kay Loren.

"Tapos sabi niya sa akin last night, "you really beautiful" e syempre, kunwari hindi tayo kinilig tapos nagpaka-maria clara ako."

"Gaga! Tapos ka na ro'n, gurang na tayo," pang-iinis ni Pia kaya nagtawanan kami.

"Aba gaga? Hindi pa ako gurang. May asim pa 'to."

Tawa lang ako nang tawa sa mga batuhan nila na pang-aasar sa isa't isa.

"Patawa-tawa lang 'yong isa r'yan kasi secure na secure na mahal na mahal kasi siya no'ng isa," Loren looked at me.

"Huh? Kayo talaga. Huwag niyo idamay si Jared dito ha."

"Ay? Si acla, in denial? Hindi naman si Jared 'yon," nagtinginan 'yong dalawa habang matawa-tawa. Ako naman tinitignan sila nang magkabila dahil sa pagtataka.

"Si Leni," bulong ni Loren. "Ano nga ulit 'yon, although Risa sees you more frequently," nagtawanan naman sila.

"Tama na kayo ha. Hay nako," I rolled my eyes.

"Tapos si acla? Kinurot ako? tama ba 'yon?" pang-aasar pa rin ni Loren habang tawa naman nang tawa si Pia.

"Kasi naman, nambibigla ka."

"Kinilig ka lang. Nako! Tapos ang bastos, naghawakan pa ng kamay sa harapan ko? Ayaw bitawan ni Leni kamay niya," Loren crossed her arm.

"Itigil na natin 'to ha. Saka, anong mahal na mahal? Wala na nga e."

"Sure ka ba?" Pia asked. "Wala na talaga? Kapag ba wala na, ibig sabihin hindi ka na niya mahal? Saka, sa kaniya ba nanggaling na wala na siyang pagmamahal sa 'yo?"

"May girlfriend na si Leni." I said directly.

As usual, nagulat sina Loren at Pia. Nagkatinginan lang sila at gulong-gulo g sa sinabi ko.

"Gaga ka? Anong may girlfriend na? Nagi-imagine ka ba? Alam ko naman selosa ka pero hindi ka naman siguro aabot sa ganiyan?" Pia said.

"Totoo sinasabi ko. Sinabi niya sa buong liberal last general assembly nila," I said.

"Seryoso? The heck? In front of you? Aba? Baka hindi ko na pauwiin si Leni rito," Loren said.

"Teka nga, kasama diba si Jared do'n sa GA?"

I nodded. "Katabi ko siyang nag-Zoom"

"Ay? Alam mo acla, kung anong ikinatalino mo sa senate, gano'n ka ka-tanga sa pag-ibig. Malamang katabi mo siya, syempre ayaw patalo ni Leni, nasaktan 'yon, edi ni-reveal niyang may girlfriend siya kahit wala. Mindset ba mindset?"

Natatawa naman si Pia sa inaasta ni Loren.

"Loren, mas nauna kong nalaman 'yon bago ang liberal. Narinig ko boses no'ng babae sa call. Inaagaw ko kasi kay Kiko 'yong phone at kailangan ko kausapin si Leni tungkol sa pag-back out niya sa pag-support kela Chel sa susunod na election. Si Kiko na rin nagsabi na ang dahilan ni Leni sa pag-back out ng support was her girlfriend's safety."

IKAW, AKO AT ANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon