CHAPTER 14

32 1 0
                                    

- Someone -

Napangiti na lang ako ng masama habang dahan-dahang inihihiwalay ang balat mula sa katawan niya. See? He can't even move dahil nakatali ang mga kamay at paa sa metal na lamesa. Nandito lang naman ako sa lugar na malayong matagpuan ng mga estudyante. Even the most privileged elite in this university doesn't even know about this place.

Well, I feel bad for her. Soon, it's her greatest downfall.

Nakatakip ng panyo ang lalaking nakahiga sa tapat ko habang todo sa pagpupumiglas ang katawan niyang walang magawa kundi tiisin ang ginagawa ko. I just can't stop. The moment his lips started bleeding the time we kissed, I've been desiring to make every part of his body bleed. Mas lalong maraming dugo ang nakikita ko, mas maganda sa pakiramdam, especially when I see those tears of him begging me for mercy.

"Oh, why are you crying?" tumigil ako sa ginagawang pagbabalat ng makitang tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Itinapat ko ang mukha dito, baka sakaling kumalma siya kapag nakita ang maganda kong mukha, "Uno, we're just playing games. This is just fun, ano ba?" napangiti pa nga ako habang siya, gustong magsalita pero hindi ko maintindihan dahil nga takip ang bibig nito.

Hinaplos ko ang buhok niya, "Calm down, alright? You promised to make me happy, right?" tanong ko pa. Nakatitig lang siya sa akin kaya mas itinapat ko ang mukha sa kanya, "Right?"

Hindi niya ako sinasagot hanggang sa makaramdam ako ng inis at itinasak sa kamay niya ang hawak kong kutsilyo dahilan para tahimik siyang mapasigaw, "Kapag tinatanong kita, sumagot ka naman. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, yung para akong tanga at walang kausap," diin ko, "Nagkakaintindihan ba tayo, Uno?" iniikot ko ang kutsilyo habang nakatasak 'yon sa kanya.

Kahit lumuluha, wala na rin siyang nagawa kundi tanguan ako kaya kusa akong napangiti, "Good. No wonder I love you, because you always do what I want," agad kong tinanggal ang kutsilyo mula sa pagkakasaksak sa kanyang kamay. Nilayuan ko rin siya at tumapat sa braso nito.

Muli kong ipinadaan ang talim ng kutsilyo sa balat niya habang hinihila ito paalis sa kanyang laman. And the more he screams in pain, the more I am eager to do this. Masyado na rin kasing maraming dugo ang lumalabas and it comforts my thirst and hunger.

"Shhhhhh," saad ko pa nang mapalakas ang boses niya, "I'll be mad at you kapag may nakarinig sa atin dahil sa'yo. I guess you don't like that," sandali ko siyang tinignan at nginitian hanggang sa hilain ko nang minsanan ang balat nito mula sa kamay papunta sa kanyang braso.

At that time, narinig kong bumukas ang pintuan. And I have no doubt kung sinuman ang pumasok dahil siya lang naman ang kaisa-isang nakakaalam ng lugar na 'to.

"Hinahanap ka na ni Steffen. Bakit nandito ka pa?"

Sandali akong napatingin sa gilid at lumapit sa paanan ni Uno. It's time for another peeling. Ipinadaan ko ang kutsilyo dito para tanggalin ang balat niya sa parteng 'yon paakyat sa hita niya. Tinanggalan ko kasi siya ng damit and the only thing he wears is his boxers.

"Can't you see, I'm busy with my hobby," saad ko.

"Pwede mo namang i-set aside na muna 'yan. Busy tayo ngayon dahil sa upcoming festival ng university."

"Well then, let AV do the work as she always does."

"Pero dapat kasama tayo."

Natigilan ako at hinarap siya, "Since when?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ka ba? Parte tayo ng el— "

"I don't care. Dahil sa kanya, nawalan tayo ng spotlight. Alam mo, kung hindi lang mataas ang posisyon niya rito, matagal ko na siyang nilagay sa posisyon ni Uno. Gustung-gusto ko siyang balatan ng buhay. Wala na siyang ibang ginawa kundi kunin ang mga bagay at atensyon na dapat sa atin napupunta," pahayag ko.

Kill Joy Senior High School (WATTYS2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon