CHAPTER 69

13 1 0
                                    

- AV -


"What brings us here?" tanong ko nang tumigil kami sa tapat ng isang kwarto. It's the 143 club's old office room.


May kinuha siyang susi sa bulsa bago ako hinarapan, "You'll see. Huwag kang mag-alala, I won't do something."


"Well, baka nasa loob si Sam at kung anong gawin niyo sa akin. Knowing you both, pareho kayong traydor," pagkibit-balikat ko. I can't still find out kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. They used to be mad especially, Porscha, pero ngayon akala mo kung sinong mabait.


Well, can you blame me? Minsan na siyang naging traydor kaya hindi ko magawang magtiwala sa kanya ngayon.


"Galit ka pa rin ba?" tanong niya na hindi ko sinagot. Umiwas na lang ako ng tingin.


"I will prove myself, AV," hindi ko na lang siya pinansin. Binuksan niya ang pintuan at naunang pumasok sa loob. Sandali akong sumilip hanggang sa bumukas ang isang malabong ilaw nang pindutin niya ang switch malapit sa pinto. Mukha namang wala ngang tao sa loob dahil bukod sa nakalock ang pinto, patay din ang ilaw. That made me move forward at sumunod na lang sa loob. Isinara ko din ng tahimik ang pintuan.


"Come on, I'll show you someone," saad pa niya sa akin. Walang mga gamit dito sa loob pero sa bandang sulok ng kwarto, may puting kurtina na parang may tinatakpan ito sa sulok. Lumapit kami roon. Hinawi ni Porscha ang kurtina at sumunod ako papasok. Isang lamesa ang bumungad sa amin. May isang taong nakahiga na halos ikaatras ko pero hinawakan ako agad ni Porscha at nagkatinginan kami.


"You should carefully see her," sambit niya. I don't know why but I could capture worry from her eyes.


Akala ko kasi patay na tao or someone infected. Maputla kasi ang itsura ng taong nakahiga. It's a girl. Dark red ang uniform... co-elite?


Ibinalik ko ang tingin sa nakahigang babae hanggang sa mamukhaan ito. Nang mapansin ni Porscha na dahan-dahan akong humakbang pasulong, kusa niya akong binitawan.


"W-What's the meaning of this?" tinignan ko siya, "Anong nangyari kay Zashee?" ibinalik ko ang tingin kay Zashee na ngayon ay walang kulay ang balat. Tinignan ko ang kabuuan nito.


"Bigla na lang siyang nawalan ng malay at hanggang ngayon, hindi pa nagigising," paliwanag niya. Pareho kaming nakatingin kay Zash.


Hinarap ko si Porsch, "Paanong nangyari yon? B-Buhay pa naman siya, hindi ba?" hindi siya agad sumagot kaya mabilis kong hinanap ang kamay ni Zash at pinakiramdaman ang kanyang pulso.


"She's still alive, hindi man siya nagigising pero may pulso pa rin siya. Which is why we kept her here, mas safe kasi siya rito. Baka kasi kapag nakita siya ng mga infecteds, pagtangkaan nila siyang atakihin since she still has a heartbeat, considered alive pa rin naman siya."


"For how long na unconscious siya?" abala ako na umikot sa lamesa habang tinitignan ang kabuuan nito. Para siyang natutulog lang pero iba ang kulay niya kaya inakala kong patay na ito. But it's Zashee, I don't want anything bad to happen to her.

Kill Joy Senior High School (WATTYS2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon