- Arvae -
From afar, I saw them. There were five people standing next to the gate of the campus. It might just be a shadow pero kilalang-kilala ko sila. Ang mga taong nagpakilalang kapatid ko at nagpanggap na mahal at tanggap ako. One of them, which I assumed is kuya Nuke, was aiming his gun at Zyan.
I lost my focus on them nang maramdaman na lumuwag ang pagkakahawak ni Zyan sa kamay ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya until I saw him falling on the ground at nakapikit. Even before he fell, nakuha ko siyang saluhin sa mga binti ko. Napaupo ako ng mabilis sa sahig at ngayon ay nakasandal siya sa dibdib ko, "Z-Zyan?" nakuha ko pang yugyugin ang balikat niya ngunit hindi niya ako sinasagot. I don't know why but I never felt this afraid in my entire life.
I scrutinized his body only to stop at his chest nang makita ang pagtulo ng dugo mula rito. I heard the sound of a gun earlier kasabay nang pagbagsak niya. D-Did they just shoot him?
"Carson, wake up!" utos ko na mas nilakasan ang pagyugyog sa balikat nito. He's not moving. Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa at idinampi sa dibdib nitong dinurugo. My hands are shaking, even my whole body. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot.
Napatingala ako. I heard footsteps approaching us. It was the five of them na ngayon ay papalapit ss amin. I was too late before even realizing na nasa harapan na namin sila. I decided na itayo si Zyan para ilayo but I came to a halt when I had a glimpse of what is really happening around. Nakapaligid sa amin ang mga black stars na kasama ng mga kapatid ko. They really made sure na hindi kami makakaalis rito.
"Why do you have to shoot him?" matalim kong tinignan si kuya Hue na nasa harapan ko, "Kuya," Sa magkabilang-gilid niya, sina kuya Luke at Nuke. Nasa kanan din si ate Krei na may subong lollipop at nasa kaliwa si ate Yui na yakap-yakap ang manika nito. Lahat sila, may dalang mahahabang baril na nakasabit sa kanilang likuran.
"I could see that Zyan has finally tamed you, my pretty little sister. You just turned your back on us. Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa mga traydor at hindi sumusunod sa utos ko. So we decided to get rid of you, however, he interfered, so we got rid of him instead," saad niya.
"He has nothing to do with this!" sigaw ko. I never had the courage to answer kuya Hue like this. I can't even explain it kung bakit nagagawa kong magalit sa kanya ngayon. Is Zyan a more important person to AV kaya ganito magreact ang sistema ko?
"Enough of this nonsense, Arvae. We only used him to get you back and make the plan easier. But it seems to me na nakagawa siya ng sariling plano. Nagawa niya kaming baligtarin sa paningin mo."
"Hinding-hindi na ako maniniwala sa inyo," diin ko. I might have confronted Hannah but she never lied to me, the reason why I was in total confusion nang sabihin niya sa akin ang totoong intensyon ng mga kapatid ko sa akin. My bestfriend was right. Ginagamit lang nila ako dahil alam nilang mahirap pasunurin si AV, so they used me instead.
Inilahad niya sa akin ang kamay nito. Doon ako napatingin. Nakatayo silang lahat habang nasa sahig kami, "I will still give you one last chance to be one of us, Arvae. Come on, sis. We'll go home na. The end is near," nangungusap ang mga mata ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Kill Joy Senior High School (WATTYS2023)
Mystery / Thriller"Let the farming begin." Date started: 11/01/2022 Date Completed: 06/09/2023