CHAPTER 68

12 1 0
                                    

- Someone -


Pareho silang nagising nang marinig ang tunog ng mga rehas kung saan sila nakakulong. Tila ba sadya 'yong kinalampag upang gumawa ng sapat na ingay. Tinanaw ng dalawa ang pintuan habang mapupungay ang mga mata at nakita ang isang babae roon. May hawak-hawak itong dalawang tray sa magkabila niyang kamay. Kusa silang napaupo mula sa pagkakahiga.


"Iiwanan ko na lang dito ang pagkain niyo," saad ng babae na papalit-palit ang tingin sa dalawa. Naglakad siya sa tapat ni Q at dahan-dahang inilapag ang tray sa labas ng rehas. Naglalaman ito ng isang karne na may mga dugo-dugo pa. Pagkatapos ay tumapat naman siya kay Monica. Dahan-dahan siyang lumuhod bago ipinatong ang tray sa tapat nito habang nasa labas siya ng mga rehas.


"Kunin niyo na lang dito, hindi kasi ako pinayagan na buksan ang rehas," dagdag pa niya. Now, they are slowly consumed by silence habang nangungusap ang kanilang mga mata. Magkatabi lang ng kinalalagyan sina Q at Monica at tanging rehas ang nagdidistansya sa dalawa.


Maayos na tumayo ang babae at tinapunan ang dalawa ng tingin. Nakatitig lang ang mga ito sa kanya. She turned around to finally leave them completely unbothered by her presence, "Do you even know your situation now, Samantha?" pagsira ni Monica sa katahimikan.


Tumigil si Sam at hinarap ito. Sumandal si Monica sa pader at nagkibit-balikat habang nakataas ang isa nitong hita, "Stop following their orders, gagamitin ka lang nila and they will dispose you once you're done with your job to them," ang mga mata niya'y nakatuon kay Sam.


"Hindi," pag-iling ng kausap niya, "Hindi nila 'yan gagawin sa akin. If I were to choose a side, mas susundin ko sila dahil mas mataas at mas may kakayahan sila sa inyo."


"Yan din ang ginawa namin," kusang natawa si Q kaya sa kanya napatingin ito, "Pinaikot muna nila kami bago itinapon rito. Guess what, kapag wala ka ng kwenta sa kanila, itatapon ka rin nila rito just like our situation now," masama itong ngumiti.


"Q, you're scaring Sam away," pagbabawal ni Monica na tinignan siya.


"Why? Totoo naman, hindi ba? They intentionally made us fight with one another but in the end, ginawa lang pala nila yon for their own gain. Napaka-hina natin sa part na nagpabilog tayo sa kanila," paliwanag niya rito at hinarapan si Sam, "Kaya if I were you, better choose your side, Samantha. Hindi namin gagawin sa'yo ang ginawa nila sa amin because we know the feeling at kahit anong sabihin nila, hindi na kami magpapabilog ulit," umiling ito. 


"No," pag-iling ni Sam, "Hindi nila gagawin sa akin ang sinasabi niyo."


"That came from you, we have given you a better chance pero mukhang may sarili ka ring paninindigan. Alam mo, Sam? You are AV's greatest friend pero sinayang mo. If ever the first generation black stars do something bad, si AV lang ang malalapitan mo. However, you chose to break her trust. Sayang ka." -Q


"Q, let's stop scaring her, baka bigla niya silang talikuran at mapahamak siya," pagsasalita ni Monica.


"Alright, as you wish, pres," ngumiti ito ng masama at tinignan si Sam. Madali naman itong naglakad papalayo sa kanila hanggang sa tahimik siyang naglakad papalabas ng museum. Paulit-ulit pumapasok sa isip nito ang sinabi ng dalawa kanina at ang ipinangako ng mga naunang black stars.

Kill Joy Senior High School (WATTYS2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon