CHAPTER 54

20 1 0
                                    

- Blacey -


Minadali ko ang paglalakad habang papalapit sa kanyang kwarto. Hindi rin ako mapakali at tila ba nanginginig ako. Hindi ko alam na ganitong klasing balita ang bubungad sa amin. Ang alam namin, magiging maayos ang lahat pero bakit bigla na lang naging ganito?


Agad kong binuksan ang kwarto nito at saka ako natigilan nang bumungad sa akin ang isang kwartong madilim. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga na tila ba bumungad sa akin ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Hinanap ng aking mga kamay ang switch ng ilaw na malapit sa pintuan at saka 'yon binuksan.


Sumalubong sa akin ang maayos at organisadong mga gamit nito sa kwarto. Ni isang kalat ay walang makikita. Ang halos panginginig ko kanina ay biglang naglaho.


Tama nga sila.


Sadyang nakakagaan sa pakiramdam kung malinis at maayos ang mga bagay na nakikita sa paligid. Mas kalmado raw kasi ang tao kapag malinis at maayos ang kanyang kapaligiran. Nakakakuha kasi ng atensyon ang makalat na paligid, bukod doon ay nakakadagdag din ng stress level. This is one thing that I really like about the former black star elite who was also the president. Masyado siyang malinis at maayos. 


Unlike anybody else. 


"B-Blacey," bumalik ako sa ulirat nang marinig ang boses niya na tila nanghihina.


Napatingin ako sa tapat ng bintana at nandon siya. Nakaupo ito at nakapatong ang mga kamay sa lamesa. May hawak siyang gunting sa kaliwang-kamay at kasalukuyang nakayuko. Maski ang mga kamay niya ay nanginginig.


"M-Miss!" agad kong pinatay ang ilaw at madali siyang nilapitan. Pilit kong hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya at halos manigas na ito. Katulad ng ginawa ko date ay pinaharap ko siya sa akin. Kinuha ko rin ang gunting sa isa nitong kamay at ipinatong sa lamesa. Inilipat ko ang aking kamay sa kanyang mga pisngi at pinatingala sa akin.


"P-Pasensya na po, Miss Monic. Hi-Hindi kita nakita at napansin," halos matulad na rin ako sa panginginig niya dahil sa sitwasyon nito, "A-Ang akala ko ay wala ka rito sa kwarto. M-Miss Monic!" nakapikit ang mga mata niya ngunit halata ang mga luha na nanggagaling dito.


Parang naninigas na rin ang kanyang katawan kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos sa likuran, "N-Nandito na ako. Tahan na," ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon niya.


Kasalanan ko 'to. Inalam ko muna sana kung nandito siya o wala. Ano bang pumasok sa isip ko at naisipan kong buksan ang ilaw?


That's so stupid of me!


Pumikit ako at saka pilit na pinakalma ang sarili dahil halos pareho na kami ng nararamdaman. Maski ang mga luha ko, tumutulo na.


"Lullaby and goodnight...
With roses bedight...
With lilies o'er spread...
Is baby's wee bed."

Kill Joy Senior High School (WATTYS2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon