Prologue

184 10 2
                                    

April 19, 2020

Pumasok ako sa isang magarbong paaralan, kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay kaylangan kong labanan ang takot.

Napatingin muli ako sa labas at nakatingin sa akin ang isang sakim na lalaki na kinamumuhian ko, nakangiti itong nakatingin sa akin. Agad akong tumalikod at muli kong pinunasan ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko.

Kaya mo to Eliza!. Gagawin mo to para sa taong mahal mo. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa venue at pagpasok ko pa lamang ay mas lalo kong naramdaman ang paninikip sa dibdib.

Muli kung pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at agad akong nagtungo sa Cr, para magretouch.

Pag labas ko ay agad kong nakita si ace na nakangiti. May hawak siyang isang dosenang bulaklak. Napako ang paningin ko sa mga bulaklak. Kaylangan kong magpatatag.

"Love?. Are you okey?."
Lumapit siya sa akin at agad niya akong niyakap. Bigla naman nagsilabasan ang mga taksil kong luha, pero kahit sa huling sandali lamang ay gusto ko siyang mayakap ng mahigpit.

"I'm fine love, m-masama lang pakiramdam ko."
Sabi ko sa kanya ng seryuso at kaylangan kong maging cold sa kanya ngayon. Napansin kong biglang kumunot ang noo nito, habang nakatingin sa akin.

"You look not good love!, may nangyari bang masama? Tell me?."
Sabi niya sa akin at muli niya akong niyakap.

Kaya ko ba siyang iwan?.

Pero ayaw ko siyang mawala ng tuluyan sa akin. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Ito na ang huling yakap ko sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya at ngumit at tumingkayad ako para halikan siya sa mga labi, agad naman niyang tinugon at pinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang isang halik na walang kasiguraduhan kong malalasap ko pa ulit

Agad kong pinutol ang halikan namin at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti.

"Let's dance love."
Sabi ko habang nakangiti. Ngunit pasimple kong tinignan ang Oras. Malapit na ang kaarawan niya, 2 minutes nalang. Pumunta kami sa dance floor at sumayaw ng sweet. Agad kung sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at bigla kong naalala ang mga masasayang memorya na kasama siya. Siya ang lalaki na una kong minahal. Kahit nerd siya, mapayat at mahiyain ay mahal na mahal ko siya. Ayaw ko man siyang iwan ay kaylangan kong gawin.

I know na magpropropuse siya sa akin ngayon, pero gustuhin ko mang tanggapin ang alok niya ay hindi ko magawa.

Biglang nagbago ang musika at nanginginig ang mga tuhod ko, ngunit kaylangan kong tatagan ang loob ko.

Bigla siyang huminto sa pagsayaw at ngumiti sa akin. Bigla siyang lumuhod at kasabay nun ay biglang tumahimik ang paligid.

"Eliza? For the first time I saw you. Nalove at first sight ako sayo. Sa 4 years nating magkarelasyon ay mas lalo akong napamahal sayo. Simula nang makilala kita ay naging masiyahin akong tao and nandito ako sa harap mo ngayon, para alukin kang makasama sa habang buhay,  nangangako akong mamahalin kita habang buhay at aalagaan bilang Isang reyna. Eliza clear Hansley, Will you marry me?."
Biglang pumatak ang mga luha na kanina kupa nais pigilan. Bigla ako napatingin sa itaas at bigla akong nanglamig. Napatingin agad ako kay Ace. Patawarin mo sana ako mahal ko, gustuhin ko mang pumayag sa proposal mo, ngunit hindi ko magawa.

"I-im so sorry ace! I don't l-love you!"
Sabi ko habang nakatingin sa mga paa ko. Walang pigil ang pagpatak ng luha ko at hindi bukal sa puso ko ang mga sinasabi ko!.

"E-eliza!. May problema ba love? Tell me?. Wag ka naman ganyang love? Look at me! Kilala kita, may problema ba? tell me! please!!."
Nagmamakaawa niyang paki usap, habang umiiyak na pagkasabi nito at hinawakan niya ang mga kamay ko habang nakaluhod ito sa harap ko.

Muli ako napatingin sa dalawang tao na nasa itaas, ilang beses ko naba siyang pinatay sa isip ko, napaka hayop nila!. Mga inosenting tao ay dinadamay nila.

 
"Eliza, please tell me my love!."
Napatingin ako kay ace at gustuhin ko man siyang yakapin ng mahigpit ay hindi ko magawa. Napatingin ako sa mga mata niya, bigla nitong dinurog ang puso ko!. Ngunit kaylangan kong maging matapang.

"I'm so sorry ace, I don't lo-love you and diko na kayang mag tanggap pa!. I don't love you and hindi ko kayang pakisamahan ka. Mataas ang standard ko sa lalaki at hindi ikaw ang tipo kong lalaki. Ayaw ko sa mga nerd at mas lalong ayaw ko s-sayo!".
Sabi ko, habang nauutal, sunod sunod tumulo ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan. Ang sakit, sobrang sakit ng dibdib ko, sobraa!

" L-lets break up A-ace! "
Sabi ko habang nakatingin muli mga taong kinasusuklaman ko. Mga demonyo sila!.

"Love! please!! I now may problema ka? Tell me love, please am begging you. Wag ka naman ganyang sa akin, please!. Nag mamakaawa ako sayo!."
  Umiiyak nitong pagkasabi sa akin.

Nakaluhod parin siya sa harap ko at nagulat ako ng bigla niyang yakapin ang mga benti ko. Napansin kong madami ng nakatingin sa amin at may ibang nag bubulungan. Fuckk! ayaw ko ng ganito!.

Pilit kong kinakalas ang dalawa niyang kamay na nasa benti ko.

"Bitawan mo siya!"
Bigla akong napaigtad ng biglang may tumulak kay Ace at mabuti nalang ay nahawakan agad ako ng isang lalaki.  Napatingin ako sa kanya, at bigla nalamang tumalim ang mga mata ko.

"She's my girlfriend Ace, kaya back off!."
Agad niya akong hinala, pero bigla ako napatingin kay ace ng hawakan niya ang kamay ko, napansin ko sa mga mata niya ang pagsusumamo at kalungkutan.

Diko kayang nakikita siyang umiiyak. Sobrang sakit!, gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero ayaw ko siyang mawala.

Mas gugustuhin ko pang masaktan na pa ulit ulit, kaysa sa mawala siya sa akin ng habang buhay.

Sinusubukan akong hilain ni ace pero bigla na lamang siyang sinuntok at this time ay napapahagulgul na ako sa pag iyak. Lalapitan ko sana siya, at tutulungan, pero muli niya akong hinala palabas.

"Bitawan mo ako!. Ano ba!!."
Nagpupumiglas ako at gusto kong balikan si ace. Napatingin ako kay Ace na nahihirapang tumayo.

Patungo kami sa parking lot at malakas ang buhos ng ulan, pero habang pasakay pa lamang ako sa kotse ay narinig ko ang sigaw ni ace at nakita ko siyang lumabas habang umiiyak at hinahabol ako.

Agad ako pinasakay sa kotse at napatingin ako kay ace na humabol parin sa akin, hindi nito alintana ang malakas na buhos ng ulan.

I'm so sorry mahal ko, someday, you understand, kung bakit ko to ginawa sayo. Para din naman ito sayo at sa kaligtasan mo.

Ginawa ko to para sayo, hindi para sa akin at labag man sa kalooban ko ay gagawin ko ito. Basta para sa kaligtasan mo. Napatingin ako sa sing sing na hawak ko, dahil nahawakan ko ito ng hinawakan ni ace ang kamay ko.

Napatingin ako sa sing sing na hawak ko at pinunasan ko ulit ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko at bigla akong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko!. Umiyak ako ng  umiyak!. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Mga hayop sila!.

"Patawarin mo din ako Eliza kong wala din ako magawa, balang araw ay naiintindihan din ni ace."
Sabi sa akin ni jay, habang namumula nadin ang mga mata at tila umiiyak nadin.

Muli ako napatingin sa kinaroro unan ni ace. Nakita kong nakaluhod na ito, habang nakatingin sa kotse na sinasakyan ko. Patawarin mo ako love and pangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pagtanda, kung pagbibigyan man muli tayo ng panahon ay sana pagpalain parin tayong dalawa.











































               

Secret Affiar 1:  Head MinisterWhere stories live. Discover now