Chapter 2📚

168 9 0
                                    

Eliza P.O.V
Habang naglalakad ako ay bigla na lamang ako napahinto ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.

Agad ako napatingin sa deriksyon ng taong nakatingin sa akin. Pero wala akong makitang tao, dahil tented ang salamin. Ito ang head quarter office and sa tingin ko ay Hanggang 4rt floor ang officena ng head Minister. Base sa mga nalaman ko ay sobrang napaka mayaman ng bagong head Minister and He also have a lot of bussines, properties and company.

Bigla ako nakaramdam ng kaba, pero binaliwala ko na lamang ito. Dahil 2 minutes nalang ay malelate na ako. Agad ako pumasok at napahinto pa ako sa lobby, para tanungin kung nandito ba ang head minister.

"Good morning miss, I'm Eliza Clear Hansley. And i just wanna ask if the head minister is her in the office?
  Magalang na pagkasabi ko sa kanya at agad siyang napahinto sa ginagawa niya at napatingin sa akin. Napansin kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla ako nakaramdam ng pagkailang. May kinuha siyang isang brown envelop at ibinigay sa akin.

"Sign this miss Hansley, because the head minister is not in the mood. "
Mahina niyang pagkasabi sa akin at agad naman akong tumango sa kanya at agad kong binasa ang mga papelis at bigla ako napangiti ng mapansin kong penirmahan na pala ng head minister ang papelis ko. Pero bigla ako napatigil at nangunot ang noo ko ng mapansin kong binilugan ang civel status ko at may nakalagay pang question mark?.

Status: Engaged

"Are you done miss Hansley?"
Biglang nabaling ang pansin ko sa kanya, at agad naman akong tumango.

Nagmamadali kong kinuha ang schedule ko at iba pang papelis na kaylangan at binalik ko sa kanya ang mga napirmahan ko, agad kong ibinigay sa kanya ang papelis.

"Thank you and I have to go."
Sabi ko sa at agad ko siyang tinalikuran, pero napansin kong agad din siyang umalis at dala nito ang brown envelop na naglalaman ng mga papelis ko.

Bigla akong napahinto, habang tinitignan ang babaeng nakausap ko kanina. Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad akong tumalikod at lumabas sa head quarter office.

Habang naglalakad ay tinignan ko ang schedule, pero bigla akong napahinto. What the heck!?. Dahil halos Section E ang tutoruan kung mga student.

Agad ko hinanap ang building ng General academics for Senior high school. At halos hingalin ako ng malaman kung nasa 5th floor ang room ng mga student ko. After a minutes ay nakarating din ako sa 5th floor at halos hindi maipinta ang mukha ko ng makita ko kung gaano ka kalat ang 5th floor.

Dahan dahan akong naglalakad papunta sa room at halos mapatili ako ng makakita ako ng malaking daga, habang hinahabul ng pusa. Nakaramdam ako ng kaba ng makakita ako ng pusa. Agad ako napatingin sa lamesa at agad umakyat ng papalapit na sila sa akin at hindi ko mapigilang tumitili.

Nanginginig pa ang mga tuhod ko. Sinundan ko ng tingin ang pusa at mabuti nalang ay nakalayo na ito sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid at isa lang masasabi ko, sobrang kalat.

Tumingin ulit ako sa pinto ng makarinig ako ng ingay at bigla ako napatayo sa lamesa ng mahuli ng pusa ang daga at bigla ako nakaramdam ng kilabot. Agad ko iniwas ang tingin ko sa pusa at daga, at nakalipas ang ilang minuto ay tinignan ko ulit ang pusa at halos masuka ako sa nakita ko. Muli kong iniwas ang tingin, pero muli ako napatingin sa may pinto ng makarinig ako ng may kumakanta. Agad ako nakaramdam ng saya ng makakita ako ng tao at sa tingin ko ay isa itong janitor.

Nagtataka itong tumingin sa akin at tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Pero agad nabaling ang tigin nito sa pusa. Nang lumapit ito sa kanya at umikot ikot. Napansin kong tinignan niya ang daga na ngayon ay patay na at kita pa ang mga lamang loob. Napansin kong bigla siyang napa iling.

Secret Affiar 1:  Head MinisterWhere stories live. Discover now