Chapter 14📚

118 8 1
                                    

Ilang weeks na ang nakalipas simula ng dinala niya ako sa condo at muntikan ng may mang yari sa amin.

Sinundo namin si Mika sa school at hinatid niya kami sa bahay. Super awkward talaga yung naramdaman ko. Diko alam kong ano ang pumasok sa isip ni ace at kung bakit niya ako hinalikan.

Sa ilang weeks nakalipas ay palagi kong napapansin na palagi siyang nakatitig sa akin. Pero ako na ang umiiwas, dahil alam kong ikakasal na ito. Palagi niya rin pinapasundo si Mika sa personal driver nito sa bahay.

Nag lalakad kami ngayon patungo sa Guidance office, kasama ang mga student ko. Karamihan sa kanila ay may mga sugat at gasgas. Hindi ko mapigilang maawa sa kanila, lalo na kay Miguel.

Halos lahat ng mga student ko ay basang basa at kasama na din ako dun. Lihim akong napatingin kay Teacher Lance na kasama ding pumunta sa guidance na ngayon ay basang basa na din at madaming sugat na natamo.

Flashback
Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria nang Montenegro University, break time naming lahat at niyaya ko silang kumain sa cafeteria at agad naman silang sumama sa akin.

May mga dala akong mga pagkain na niluto ko pa ng maaga, para mapakain ko sa kanilang lahat. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Miguel na tila wala sa mode ngayon. Will kanina ko pa talaga siya napapansin na wala sa mode, simula pa ng klase ko kanina.

Napansin kong napatingin ito sa pwesto ni Sir lance at napatingin sa amin si sir lance at ngumiti ito kay Miguel na tila nang aasar.

Hindi na nakapag pigil siguro si Miguel na bigla itong tumayo at sinugod si sir lance. Nang makalapit si Miguel kay lance ay agad itong bibigyan na malakas na suntok na tila laman ng mga pout at galit.

"This time, makaka ganti na talaga si Miguel kay sir lance."
Clarissa said na may mga ngiti sa labi. Agad akong napatayo at aalis na sana ng hinawakan ako ng mga student ko.

"Huwag kana pong maki alam ma'am, hayaan  mo po munang makaganti si Miguel sa tarantadong Teacher na yan."
Sabi ni Clark, habang seryusong nakatingin sa akin at muling tumingin kay Miguel na ngayon ay nakikipag suntukan na din sa Ibang student ni sir lance.

"May atraso ba si sir lance kay Miguel?"
Tanong ng isa kong student.

"Yes, did you remember Erica?"
Clarissa said with a serious voice.

"Oo, diba siya yung Ex ni Miguel?."
Agad akong napalingon sa kanila at na curious ako sa mga pinag uusapan nila.

"Si sir lance ang gumahasa kay Erica at nabuntist ito, pero gustong ipalaglag ni sir lance ang bata na nasa sinapupunan ngayon ni Erica."
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pero bakit nagagalit si Miguel? kong hiwalay naman sila ni Erica.

"Alam mo Clarissa, sa tuwing mag kwento ka!, palagi ka talagang nag bibigay ng logic."
Naiinis na pagkasabi ni Jane. Agad namang napa-irap si Clarissa.

"Bago kasi ginahasa ni sir Lance si Erica, may nang yari na sa kanila ni Miguel at yung batang nabou sa sinapupunan ni Erica ay anak ni Miguel. Galit na Galit ngayon si Miguel, dahil binogbog nito si Erica at kanina lang nalaman ni Miguel na muntik ng mamatay ang kanyang mag Ina. Nasa ospital parin ngayon si Erica, pero nasa pangangalaga na ni Miguel."
Jane said. At hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Jane. Now I understand kong bakit ilang araw na siyang hindi pumapasok. At minsan naman, pumasok nga! pero tila wala sa sarili.

Nakita kong pinag tutulungan nila si Miguel, agad akong lumapit, pero tinignan ko muna ang mga student ko sininyasan sila na wag silang gagawa ng gulo.

Agad akong lumapit sa kanila. "Pwede ba! tumigil na kayo!." Pasigaw kong pagkasabi at hihilahin ko sana si Miguel na bigla akong tinulak ni sir lance ng malakas at tumama ang likod ko sa lamisa at impit akong napahawak sa likod. Shit! ang sakit!.

Napapikit ako at tiniis ko ang sakit, sinubukan kong tumayo, pero hindi ko kaya, masakit din ang balakang ko. Muli akong napatingin kay Miguel na ngayon ay nakatingin sa akin at na-aawa ako ngayon sa kalagayan ni Miguel, dahil madami na siyang mga pasa sa mukha at tila hinang hina na ito.

Sumali na rin ang mga Section E sa gulo na makita nilang tinolak ako ni Teacher Lance at ganun na din ang mga ibang student ni sir Lance. Mas lalong nagka gulo at madami na ding mga bagay ang nasisira sa cafeteria. Karamihan sa mga nasisira ay mga lamisa at upuan.

Madami na ding nakikisilip at nakiki isyuso sa gulo, habang ang iba naman ay nakatingin lamang at walang balak sumali sa gulo.

Dumating ang mga guard, upang awatin sila. Pero mas lalong nagka-gulo at nagulat nalang kami ng biglang may nag pa ulan ng tubig.

"All of you! Go to guidance ofiice. NOW!"
Pagalit na pag kasabi ni Ma'am Betina Montenegro na pinsan ni sir Ace. Napansin kong kasama nito si sir Ace na seryusong nakatingin ngayon  sa mga student na kasali sa gulo. Seryuso itong nakatingin sa mga student na ngayon ay basang basa na at agad akong napa iwas ng napatingin ito sa pwesto ko.

Napansin kong lumapit sa akin si Clarissa at tila nag alala ito sa akin, kasama nito Jane na basang basa na din.

"Ma'am? ayos lang po ba kayo?"
Nag aalang pagkasabi ni Jane at agad itong lumapit sa akin at tinanggal ang salamin ko at pinunasan ang mukha ko.

"Hindi ako makatayo. Si Miguel? kamusta siya? dalhin agad natin siya sa clinic."
Nag aalala kong pagkasabi at napansin kong napa usap si Clarissa.

"Nako ma'am, wag niyo napong problemahin si Miguel, masamang damo po yun."
Clarissa said at hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Masamang damo? Ano ang ibig sabihin nun?.

"Ang ibig pong sabihin ma'am ng masamang damo ay matagal mamatay."
Jane said at agad nila akong tinulangan tumayo. Napakapit ako sa kanila ng mahigpit at hindi ko mapigilang mapapikit at tiisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"May pain killer ba kayo?"
Tanong ko sa kanila. Agad namang tumango si Jane at pinaupo muna nila ako sa maayos na upuan. Agad nag tungo si Jane sa pwesto namin kanina at agad itong kumuha ng gamot habang si Clarissa naman ay bumili ng tubig.

Agad kong nilunok ang pain killer at uminom agad ng gamot. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko at dahil diko kayang mag lakad ng mag Isa patungong guidance office ay nag patulong ulit ako kila Jane at Clarissa.

Napatingin ako sa paligid at madaming mga lalaking nakasout ng business sout, na ngayon ay pinapatayo ang mga student na hindi na halos makatayo.

Hindi ako makalakad ng maayos at palabas na sana kami sa cafeteria nang bigla nalang humarang sa amin ang Isang lalaki na seryusong nakatingin sa akin.

"Are you okey?"
He said at lihim akong napakagat ng labi ko. Napatingin ako sa mga student na ngayon ay halatang namumula at tila kinikilig.

"Let's go, dadalhin kita sa ospital."
Sabi ni Sir Ace at bigla nalang akong hinila, pero hindi ako nag patinag.

"I'm fine sir, kaylangan ko munang samahan ang mga student ko sa guidance office."
Seryuso kong pagkasabi at pilit kong tinatago ang kabang nararamdaman ko. Pilit ko din pinapakalma ang pag tibok ng puso ko.

End of flashback.


Secret Affiar 1:  Head MinisterWhere stories live. Discover now