Chapter 8📚

143 8 1
                                    

Seryuso itong nakatingin sa akin at pakiramdam ko ay tila may karira sa puso ko, dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos, kaya agad ako umiwas ng tingin at binaling sa iba. Hindi ko maiwasan manginig at mangamba. Pero hindi ko maiwasan tignan siya ulit, biglang nang labo ang mga paningin ko, dahil sa mga luhang nag babadyang pumatak na kanina ko pa pinipigilan. I miss him so much.

"Good day everyone, the meeting for today is about this coming intrums."
Seryuso nitong pagkasabi at wala man lang ka emosyon ang mukha nito at seryuso lamang itong nakatingin sa mga teachers.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, at pinipigilan kong umiyak. I know he mad of me, pero pano kung pa alisin niya ako dito sa Montenegro Universisty?.

Muli akong napatingin sa kanya at bigla akong napalunok ng laway ng mapansin kong masama itong nakatingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang pag tingin nito sa akin ng masama ay siguro kanina pa ako nakahiga sa sahig.

Bigla siyang nilapitan ni stella at napansin kong nanginginig si stella at hindi din mapakali. Natapos ang meeting ng wala man lang akong naintindihan at tulala akong tumayo at lalabas na sana ako sa pinto ng may nag salita mula sa likuran ko na ikina tayo ng mga balahibo ko, kahit hindi ako lumingon ay alam ko kong kaninong boses nang galing.

"Nice to meet you again Miss Hansley."
Lihim kong kinagat ang mga labi ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Nag dalawang isip ako kong lilingon ba ako or hindi. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya. Pero kaylangan kong maging matapang sa harapan niya.

Lumingon ako sa kanya na nakangiti at pinipigilan kong umiyak at manginig.

"It's nice to see you again Mr. Montenegro."
Hindi ko maiwasang titigan ito sa mukha. Gusto kong hawakan ang mukha niya at haplusin ito at yakapin ng mahigpit, pero hindi ko magawa at alam ko naman sa sarili ko na bawal.

Malaki ang ipanag bago nito, kung dati ay midjo mapayat ito, pero ngayon ay napaka hunk na nito. Malayo sa Ace na nakilala ko noon. Napaka kinis ng balat nito at hindi ko mapigilang mapapikit ng ma amoy ko ang pamilyar na pabango na nag mumula sa kanya.

Bigla na lamang akong natigilan at natauhan ng biglang mag ring ang phone nito at nakita ko mismo sa screen nito na Babe is calling...

Pakiramdam ko ay may mga kutsilyong sumaksak sa puso kong duguan.

Hindi ko mapigilan masaktan at agad akong tumalikod, dahil hindi ko mapigilang umiyak. Narinig ko pang tinatawag ako ni stella, pero hindi ako lumingon, sa halip ay mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko.

Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong sumakay ng kotse at hindi ko mapigilang umiyak at sumandal muna ako sa upuan at tinakpan ang bibig ko, dahil gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman ko.

Agad kong napag desisyonan na umalis sa Montenegro University. Habang nag mamaniho ako patungo sa bahay ampunan ay hindi ko ma iwasan umiyak at kahit nang lalabo ang mga mata ko ay patuloy parin ako sa pagmamaniho. Huminto muna ako sa tabi ng 7/11 at tinignan ko ang sarili ko sa may salamin, namumula ang mga mata ko, ganun din ang ilong ko, agad akong kumuha ng tissue na nasa bag ko at sinubukang ayusin ang sarili ko.

Napatingin ako sa mga namamaga kong mata at mabuti na lamang ay may dala akong sun glases. Agad ko itong sinuot at lumabas ako ng kotse at agad pumasok sa 7/11 para bumili ng maiinum.

Agad kong ininum ang tubig na nabili ko at agad nagmaniho patungo sa charity. Sinusubukang kong wag muna siyang isipin, dahil nararamdaman ko namang kumikirot ang ulo ko.

Nang makarating ako sa charity ay agad akong pumasok at agad kong nakita si mika na tila kanina pa ako hinihintay.

"Mommy! your back, kukunin niyo na po ba ako dito?"
Umiiyak nitong pagkasabi sa akin at hindi ko mapigilang ngumiti at haplusin ang buhok nito, tila may humaplos sa puso ko at dahilan para mabawasan ang bigat na nasa dib-dib ko. Bigla kong namiss ang mga anak ko.

"Yes baby, dadalhin kana ni mommy sa bahay."
Naka ngiti kong pagkasabi at agad naman itong natuwa. Napatingin ako kila sister na may dalang bag na sa tingin ko ay mga gamit ni mika.

"Alam kong iingatan mo ng mabuti si mika at mag ingat kayo palagi Eliza. Pag palaan sana kayo ng maykapal."
Ngumiti ako sa kay sister at agad tumango.

"Makaka asa po kayo sister at maraming salamat po."
Lumapit ako kay sister at agad itong niyakap.

"Maraming salamat po sa lahat sister."
Na iiyak kong pagkasabi sa kanila.

"Nako hija, kami nga dapat ang pag pasalamat sayo, dahil yung mga student na dinala mo dito ay nag bigay sila ng malaking tulong. Nag bigay sila ng halos nasa limang million na sponsor para sa charity."
Bigla akong natigilan at hindi makapaniwalang napatingin kay sister.

"L-limang million?"
Tanong ko ulit kay sister na nauutal kong pagkasabi. Tumango ito at malaking ngiti sa akin, lumapit din sa akin ang Ibang mga sister at niyakap ako, pero tila nag process parin sa utak ko ang limang million. Ganun ba kayaman ang mga student ko, at nag bigay sila ng ganung kalaking halaga na Pera. One million palang nga ay hirap na akong maka ipon at makahanap ng ganung kalaking Pera.

"Maraming salamat talaga sayo iha."
Nakangiting pagkasabi sa akin ng Isang sister at tila niiyak ito.

"Nako po, wag po kayong mag pa salamat sa akin, sa mga student ko po kayo mag pa salamat."
Sabi ko kay sister, habang naka ngiti.

"Nag pasalamat na kami sa kanila iha at alam mo bang si Miguel ba Yun? Siya yung pinaka malaking sponsor sa kanila na nag bigay na dalawang million at sa iba naman ay may 100k pataas, kaya umabot lahat ng limang million mahigit."
Naka ngiting pagkasabi ni sister at bigla ako nakaramdam ng pagka ilang, ang yayaman nga talaga ng mga student ko.

"Mag alas 8 na pala iha, mag iingat kayo sa byahe niyo at mika, wag kang mag pasaway sa mommy Eliza mo at maging mabuti lang tao at sumunod sa mga sasabihin niya."
Pangaral na pagkasabi ni sister kay Mika at bigla akong napatingin kay Mika na ngayon ay nakangiti, habang hawak hawak ang kamay ko.

"Opo sister, tatandaan ko po lahat ng mga sinabi niyo sa akin at pangako po na palagi po akong mag dadasal kay papa god at makikinig po ako palagi kay mommy at hindi po ako magiging pasaway."
Bigla akong napangiti sa mga sinasabi ni Mika at bigla kong ginulo ang mga magaganda nitong buhok at muling tumingin kay sister.

"Aalis napo kami sister, pa alam po at maraming salamat po ulit."
Naka ngiti kong pagkasabi, bago kami pumasok sa kotse ko at napansin ko pang kumaway pa ulit si Mika sa mga nun na nag alaga sa kanya at muli akong tumingin sa mga sister at muling kumaway, bago pumasok sa kotse.

Agad akong nag maneho  pa uwi at napansin ko si Mika na kanina pa nakatingin sa labas.

"Ayus kalang ba Mika?"
Tanong ko sa kanya, habang ang mga mata ko ay nasa daan.

"Opo mommy, tinitignan ko lang po ang labas, tignan mo mommy, ang gaganda po ng mga ilaw."
Nakangiti nitong pagkasabi at pasulyap sulyap kong tinitignan si Mika.

"Mommy, diba si daddy po yun at kasama niya po yung witch."
Agad akong napatingin sa tinitignan ni Mika at bigla akong napahinto sa pag mamaniho at napatingin sa dalawang tao na masayang nag usap habang nag lalakad. Napansin ko na mag kahawak sila ng  kamay, habang naglalakad.

Agad ako napa iwas ng tingin at muling nag maniho. Napansin kong tinignan ako ni Mika at lumapit ito sa akin at bigla pinunasan ang pisngi ko.

"Wag kana po umiyak mommy, andito naman po ako."
Bigla akong napatingin dito at hindi ko man lang napansin na umiiyak na pala ako.

Tila may humaplos sa puso ko at kiniss ko si Mika sa may pisngi.

"Thank you so much Mika."
Napatingin ako sa side mirror at bigla akong napa preno ng mapansin kong nakatingin sa kotse ko si ace.
















Secret Affiar 1:  Head MinisterWhere stories live. Discover now